•55- audition•

30 2 0
                                        

"Anong ginagawa mo rito? Si Mathew na tanong na nito ng makita na silang dalawa nito ni Rachel ngayon. Na palakad lakad lang ng soccer field kung saan gaganapin ang laban nito sa kabilang University naman na St. Kolzyx. Sa conference semi-finals. Kung saan may walo ng groupo na galing sa iba't iBang university Ang maglaban laban sa Eastern at western conference. Para umabante sa finals. Kung saan din kakalabanin nila kung sino man Ang mananalong team sa kabilang groupo.

"Easy lang tsong.. Rinig niyang pagpipigil naman ng kaibigan niyang si Rachel dito sa gusto pang sabihin nito ngayon sa kaniya.

"Hindi naman ikaw ang ipinunta namin dalawa ni Trixcia rito. Kundi ang kalaban..Go! St. Kolzyx.. Ipaghiganti niyo Ang Highbrett! Kaya niyo iyan! Talunin niyo ang St. Mathew! Go! Go! Si Rachel na hindi mapigilan sumabat na at i-chener pa ang kalaban ng school nila. Na may PangiInis na sa mukhang nakatingin na Kay Mathew ngayon.

Nakita niyang kunot ang noong napatingin naman si Mathew rito ngayon. Pero kalaunan ay napaismid rin ng mapagtanto ang sinasabi ng kaibigan si Rachel.

"Ikaw ba ang tinatanong ko? Blangko ang mukhang tanong na nito kay Rachel ngayon. Na ikinapula naman labis ng buong mukha ng kaibigan niya.

"Hindi, pero siguro naman may karapatan akong sagutin ka. Kasi kaibigan ko ang pinupuntirya mo ngayon ng Hindi ka naman kayang labanan. Gigil naman naisambit lang ni Rachel dito ngayon.

Bago pa magkapikunan naman ang dalawa at lumala pa ang tensyon sa pagitan nilang tatlo ay siya na ang sumagot sa tanong nito ngayon kay Rachel.

"Napadaan lang kami Math. Ang totoo niyan ay paalis na rin nga kaming dalawa. Tara na Rachel! Pagaaya niya sa kaibigan. Na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin pinupukol nito kay Mathew ngayon. Habang masama rin naman nakatingin ang binata sa kaniya ngayon. Dahilan para hawakan na kaagad niya ang kamay ng kaibigan ng makitang hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan nito. Wala naman siyang nakuhang pagtututol rito. At nagpatianod lang na sumama sa kaniya.

Nang makalampas na silang dalawa rito ay bigla ay napatigil rin silang dalawa ni Rachel ng bigla itong magsalita muli na ikinalingon naman nilang dalawa magkaibigan dito ngayon.

"Next time, you should better know your place, Trixcia. Kung hanggang doon at saan ka lang pwede. Para nangsagayon ay hindi na tayo magkaproblema pang dalawa. Iyon lang ang sinabi nito at iniwan na kaagad silang dalawang pareho ni Rachel na nakamata na sa papalayong pigura nito ngayon.

"Haist! Anong sinasabi niyang problema? Eh, sa inyong dalawa siya lang naman ang mayroon problema saiyo. Si Rachel na sa kanilang dalawa ito ang unang nahimasmasan sa kanila. Ang yabang.. Akala mo naman talaga bagay sa kaniya ang ganoon moves. Ang tinutukoy nito ay iyong pagkapanalo nito sa unang quarter ng laro. Will, gwapo siya pero hindi siya iyong tipong lalaking hahabol habulin ko noh! May pagmamalaki na sa sariling sabi na nito. Sa tinuran nito ay hindi niya naman niya mapigilan lihim na mapatawa na ngayon sa sinabi ng kaibigan, patungkol sa binata.

Ito talagang si Rachel kahit kailan, palagi talagang may say sa taong nakakasalamuha nito.

••••••••••♡••••••••••

Nasa open field na siya ngayon ng ikadalawa at huling laro ng soccer game sa pagitan ng Mathew University at Highbrett University. Matapos kasi ng sagutan nilang tatlo ni Rachel at Mathew kanina. Ay nagpupumilit na rin muli ang kaibigan niyang si Rachel na bumalik muli sa soccer field para manood muli ng laro.

Kaya heto siya ngayon palakad na pabalik sa pwesto nilang dalawa ni Rachel sa pinagiwanan niya rito kanina. Dito na siya dumaan dahil bukod sa hindi pa naman nagsisimula ang sa susunod ng third quarter ng laro. Nasa ngayon ay lamang ang puntos ng kalaban. Bukod Doon ay nakita niyang katulad niya ay marami ring estudyanteng nagdadaan. Lakad at takbo ang kaniyang ginawa para puntahan ang kaibigan niyang si Rachel, na nakaupo lang sa ikatlong hirela ng upuan. Habang kinakawayan siya nito. Hindi pa siya nangangalahati sa paglalakad sa gitna ng feild. Nang bigla namanng nagcram ang kaliwa niyang binti ngayon. Dahilan para mapahinto naman siya sa paglalakad at mapaupo na sa gitna ng soccer field ngayon.

The Beast Stealing- 1 || Unedited ||CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon