•68• bardaguhanXtutor

47 2 0
                                        

"Sinong may sabi saiyong pwede kang magkalat rito sa university kung kailan mo gustuhin? Hindi ba nasabi saiyo ni Mrs. Lagdameo kung saan ka lang at pwede? Dagdag pa nito ngayon.

"Hindi. Pero hindi naman siguro krimen ang lumanghap ng hangin sa labas ng klase ano? Malumanay na boses na pilit ng inalis Ang Isang kamay niya mula sa pagkakaapal nito ngayon. Sa ginawa niya ay labis naman ng pagdiwang ng kalooban niya ng matagumpay naman maialis niya roon Ang kamay niya. At tumayo na nang dahan dahan ngayon.

"Paglalanghap lang ba talaga ng hangin sa labas ang ginagawa mo o paghahanap ng malalanding lalaking estudyante? Iginala Ang paningin." Tsk. Pati nananahimik na damo rito Sa ground field ay pinuntirya niyo. Hanep, ganoon ba kasarap kasama Ang lalaking iyon. Para panggigilan mong bunutin Ang mga damo rito?

Sa halip ay tanong na nito sa kaniya na may kasamang pangiinsulto na ngayon. Nang makita na Ang dami ng nakalbong damo na ngayon, sa parteng kinauupuan niya kanina. Dahil sa kaaksabunot niya roon. Habang naguusap Silang dalawa ni Lance kanian. Naghahanap kasi Siya ng magandang tiyempo na kausapin ito ng masinsinan patungkol sa patututor sana sa kaniya. Kaya lang dahil sa kakahanap ng pagkakataon na masingit sa usapan ay hindi niya namalayan napagbuntunan niya na pala Ang damo. Kaya pala todo ngiti Ang binata Sa kaniyang si Lance kanina. Pero kung tatanungin naman niya kung napano ito ay tanging iling lang naman ang isinusukli nito Sa kaniya. Iyun pala, nagmumukha na pala siyang kalabaw sa paningin nito. Sa lumilipad na isip at sa kabila ng mahabang sinabi nito ay tanging buka at sara lang naman ng bibig niya ang tanging nagawa lang habang gulat na gulat ng nakatitig na rito ngayon.

"A-Ano? Nalilito pa rin ng tanong na niya rito ngayon. Ano bang problema nito? Galit ba ito, dahil sa puno at damo kinalbo niya? Grabe, believe na talaga Siya sa linaw ng mga mata nito. Pati iyon napansin pa. Ganito ba ito kagalit sa kaniya at pati damo na nananahimik katulad ng sinabi nito kanina ay napansin pa rin nito iyon ginawa ngayon. Bukod sa paninita nito sa kaniya ay green minded—este green nature din pala itong klasing tao. Green nature nga ba talaga o sadyang ginagamit lang nito iyon para mas lalo siyang ilugmok nito katulad ngayon. Tukoy na tanong na niya sa isip niya ngayon. Pero mas piniling huwag na lang itong patulan ngayon.

Napailing." A-Ano kasi—

"Hindi kana lang pala malandi nabingi ka na rin ngayon. Huh? Pagiinsulto pa sa kaniyang sabi nito. Dahilan para mapatikom at ikinapitik naman ng kaugatan niya sa batok ngayon.

"Sumusobra kana talaga. Hasik na niya rito ngayon, habang bagot lang naman siyang tiningnan nito.

"Edi saiyo na iyang puno mo pati na rin itong damo na tinatapakan natin dalawa. Isaksak mo na rin sa baga mo lahat. Tingnan ko lang kung makakahinga kapa noon pagkatapos. At isa pa, kung naiinggit ka sa ginawa namin ni Lance sa damo mo. Edi magbunot ka rin nang damo, problema ba iyon? Sabi niya na rito sabay tayo na at naglakad na paalis ngayon doon. Dahil sa mga pinagsasabi nito sa kaniya ayaw niya na talagang makipagchikahan pa rito. Ngunit sinundan pa rin siya naman nito ngayon sa paglakad.

"Kaloka ka, lahat na lang Dito sa university pag-aari mo. Baka sa susunod pati utot ko at sa mga iba pang estudyate ay pag-aari mo na rin. May Inis na bulong ng sabi niya na narinig din pala nito.

"Anong karapatan mong pagsalitaan ako nang ganoon?Huh? Baka nakakalimutan mo. Daddy ko ang dahilan kung bakit nandito kapa rin ngayon sa nilalakaran mo?! Rinig niyang nanggagalaiting sabi na nito sa kaniya ngayon. At malalaki na Ang hakbang na nagpasiuna na sa kaniya sa paglakad. Pero Ang Akala niya ay iniwan na Siya nito. Ay Hindi nangyare, nang makitang inunahan na Siya nitong maglakad habang nakaharap na sa kaniya ngayon. Nagmumukha tuloy Silang nagpatintero sa ginagawa nito ngayon at ito Ang Taya.

Dahil sa sinabi at narinig mula rito ay napahinto naman siya sa paglalakad at galit nang hinarap na ito ngayon.

"Wala na bang iba? Iyan na lang ba ang laging sasabihin mo sa akin? Sa tuwing nagkakatagpo Ang mga landas natin? Tanong na niya rito ngayon.

The Beast Stealing- 1 || Unedited ||CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon