Mature Contents
Matapos ang isang linggong pamamalagi niya sa bahay nila Luke ay naisipan niya na ring umuwi sa kanila. Bitbit ang ika-sampung karton ng mga libro. Ay inutusan kasi siya ng pinakahead ng ribrarian ng University ngayon nila na ibalik ang mga ito sa library. Na hiniram ng mga estudyante, na hindi na isinuli pa. Dahil sa abala na Ang mga ibang nakakaraming estudyante sa iba't iBang commitment ng mga ito sa loob at labas man ng university.
Kaya bilang iskolar sa Unibersidad na ito ay nakatoka siyang magsauli niyon lahat ngayon. Sa katunayan limang estudyante dapat sila ang gagawa nito. Kaya lang may ibang ipinagawa na mas mahalaga pa raw ang nakakataas sa mga ito. Kaya ngayon kahit magreklamo pa siya ay wala rin naman siyang magagawa roon. Dahil utos ng nakakataas pa rin sa Unibersidad ang masusunod.
Nasa ganoon siyang pagiisip ng biglang bumigay naman ang karton na kinalalagyan ng mga librong dala niya ngayon.
"Arrghh...Bakit ngayon pa? Daing niya ng mahina dahil sa frustation sa sarili. Pagod na ang katawan niya. Sa pabalik balik. Tapos idagdag mo pa na hindi pa nakikisama sa kaniya ang karton na dala niya ngayon. Bukod Doon isama mo pa ang mga kakaibang tingin pinupukol ng mga estudyante sa department collage na nadadaanan niya ngayon. Kaya Isa ito sa mga ikinainis niya Sa Sarili ngayon. Sa isipin iyon ay parang gusto niya na lang maiyak sa mga nangyayare sa kaniya ngayon. Pigil ang sariling huwag maiyak at nanginig ang mga kamay na inisa isang pinulot naman niya ang mga nagsikalatan libro sa sahig. Nang may isang kamay naman ang pumulot sa mga iyon.
"Here... Isang mapuputing kamay ang unang nakita niya na inabot ang hawak nitong libro sa kaniya ngayon. Nang igala niya pa ang kaniyang paningin papunta sa mukha nito ay bigla ay napaatras na lang siya sa takot. Habang nakaupo, buti na lang maagap itong hinawakan ang kamay niya. Para hindi siya mapatihaya ng tuluyan sa malamig na sahig ng hallway ngayon.
"M-Mathew? Anong ginagawa mo rito? Wala sa sariling usal niya na lang ngayon. Dahil sa takot rito.
"How I wish. Na sana ako na lang si Mathew. Rinig niyang mahinang usal na nito ngayon. Pero tama lang para malinaw na marinig niya ang lahat ng mga sinabi nitong iyon ngayon. Na sinamahan pa ng ngisi naman nito sa huli ngayon na nakatingin na sa kaniya..
Sa sinabi nito ay mayLito naman niyang tiningnan lang niya ito ngayon. At mayamaya ay kinalma rin ang sarili. Relaks Trixcia, hindi ito si Mathew. Marahil ay Kamukha lang. At isa pa malayong malayo ang awrang pinapakita nitong kaharap mo, kumpara sa Mathew na ex mo noon. Palangiti kasi itong kaharap niya, kumpara kay Mathew na palaging nakakunot ang noo. Sa tuwing nakakasalubong niya ito sa hallway kasama Ang mga kaibigan nito. Usal ng isip niya saka ipiniling ang sariling ulo. Na rinig niyang ikinatawa naman ng kaharap niya ngayon. Nahihiyang tinapunan lang naman niya ito ng tingin muli ngayon.
"You look scared? Now tell me. Ano bang ginawa ng pinsan kong si Mathew saiyo? Para maging ako na mabait ay katakutan mo na rin ngayon? Hindi maiwasan mapailing ng tanong nito sa kaniya, ng mapansin nito ang pamumutla ng buong mukha niya ng makita niya ito ngayon.
"W-Wala naman. Sabi niya lang dito at mabilis pa sa alas kuwatrong pinulot na kaagad ang mga iilan libro pa na nagsikalatan sa sahig ngayon.
"Tulungan na kita. Pangaalok na nito sa kaniya. Na ikinangiwi niya naman. Dahil sa pagpupumilit na tulungan siya nito ngayon.
"Huwag na, kaya ko na ito. Salamat. Pagtatanggi niya pa rito at mabilis ng inisa isang pinulot habang Isa isang sinalansa na ang lahat ng mga iyon sa loob ng karton. Ngunit ng buhatin na niya iyon muli, ay kamalas malasan nagsikalatan lang din naman muli ang lahat ng mga iyon sa sahig ngayon. Dahilan para naiiyak naman na tiningnan niya naman iyon ngayon.
"See. I told you. Kahit Hindi mo Sabihin. You want my help. Sabi lang nito sa kaniya sabay pitik na nito sa noo niya, dahil sa may katigasan ng ulo niya ngayon. Naikinagulat naman niya sa ginawa nito sa kaniyang noo ngayon. At nahihiyang napayuko na ang ulo. Dahil sa mga matatalim na tingin pinupukol ng mga estudyanteng nakasaksi sa ginawa nito sa kaniya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Beast Stealing- 1 || Unedited ||Completed
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | RATED 18 where will this revenge take them? Start:3/ 30/2023 End: 8/3/2024
