"WHERE are you going?" malamig na tanong ni Isaiah
"Magliliwaliw," sagot ko. "Wag kang mag alala, hindi ko gagalawin si Riffle. Hindi ko siya pwedeng galawin hangga't suspended ako."
"Make sure of that, Death. Kapag nagkaroon ka ng records sa Ultors, hinding hindi kita tutulungan." malamig na sabi ni Isaiah.
"Alam ko, King." malamig kong sagot bago siya lampasan.
Lumabas ako ng underground at sumakay ng taxi. Pupunta akong batangas. Pupuntahan ko si Riffle sa bar niya, hindi para patayin, kundi para kilatisin.
Hindi ko pwedeng galawin yun ngayon dahil suspended ako. Kapag ginalaw ko ang lalaking yun siguradong may posibilidad na mamatay rin ako.
Nang makarating sa airport ay nagbayad ako sa driver bago pumasok sa loob. Gagamitin ko ang private plane ni Oscar kahit hindi ako nagpaalam.
"Ma'am, aalis din po si Sir Oscar ngayon, baka pagalitan po ako." sabi ng tauhan ito.
"Akong bahala," tugon ni Death sa piloto ni Oscar. "Bilis na, kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho mo."
Napakamot sa ulo ang piloto ni Oscar at tumango na lang. Pinaandar nito ang eroplano. Sumandal na lamang ako sa upuan at nag relax.
Hindi pa rin magaling ang sugat ko kaya hirap pa akong kumilos. Kapag nakilala ko talaga ang bumaril sa'kin, dalawang beses ang balik sa kaniya.
Ilang oras ang binyahe ko bago makalapag ang eroplano. Naglakad ako palabas ng airport at kagaya nang inaasahan ko, naghihintay na talaga sa labas ang sundo ko.
"Patawarin mona ako," nakangising sabi ni Azuke. "Mas takot ako kay Riffle. Isang pitik lang ng daliri no'n, tigok na ako."
Sinamaan ko ito ng tingin. "Traydor kang gago ka!"
"Easy lang, Death. Hindi ako traydor, sadyang mas takot lang ako sa kinakalaban mo." Natawa ito at inakbayan ako. "Halika na, ihahatid na kita sa bar ni Riffle."
"Wag mo akong akbayan!" Tinulak ko siya nang malakas.
Dahil sa ginawa ko ay nabanat ang sugat ko. Napamura na lamang ako dahil sa kirot nito.
"Sabi ko naman sa'yo huminahon ka," sabi ni Azuke. "Sumakay kana."
Padabog akong sumakay sa kotse niyang mukhang nadali niya kay Riffle. Kilala ko ang taong 'to, kahit gaano pa siya kapera hinding hindi gagastos yan ng malaki para lang sa sasakyan.
"Hanep ng suhol sa'yo ni Riffle, ah?" Tinadyakan ko ang dashboard ng kotse niya.
"Josefina!" inis na sabi nito. "Bago pa ito, wag mo namang sirain! Ang mahal mahal magpagawa ng kotse, eh."
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ito kumibo at pinaandar na lang ang sasakyan niya.
"Drive thru?" maya maya'y tanong ni Azuke. "Baka pagkain ang makagagamot sa kumukulo mong dugo."
"Maaalis lang ang init ng ulo ko kapag nakita ko ang ulo niyo ni Riffle, na nakabitin sa edsa," sagot ko. "Wag ka nang magsalita, Azuke, dahil kating kati na akong barilin ka."
Natawa lamang ito. Dumaan pa rin ito sa drive thru kahit hindi kona sinabi. Tahimik niyang inilapag ang pagkaing binili niya sa hita ko.
Kinain ko naman iyon dahil nakaramdam din ako ng gutom. Buong biyahe namin ay hindi na nagsalita pa si Azuke, mukhang alam niyang seryoso akong babarilin ko siya.
"We're here," sabi nito at inihinto ang kotse sa isang tagong bar. "Ito ang bar ni Riffle, hinihintay ka niya sa private room niya."
"Sasama ka sa'kin," sabi ko at bumaba.
Walang nagawa si Azuke kundi ang bumaba rin. Hinila ko ito sa kwelyo ng damit niya at kinaladkad papasok sa loob ng bar.
"Hindi kayo regular customer dito." Hinarang kami ng dalawang bouncer. "Hindi kayo pwede rito, kailangan niyo muna ng membership."
"Mga boss, bisita ni Riffle yan," sabi ni Azuke sa mga ito. "Azuke Takashi. May membership ako sa bar na ito, binigyan ako ni Riffle."
Tumingin naman sa isang papel yung bouncer. Ilang saglit lang ay umalis ito sa daraanan namin at parang estatwang tumayo sa isang gilid.
"Tara na," sabi ni Azuke.
Nauna na itong maglakad sa'kin at ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Napalingon ako sa dance floor at may mga taong nagwawala na doon. Tanghaling tapat tapos umiinom sila? Weird.
"Mga high ang mga yan," sabi ni Azuke habang naglalakad paakyat sa isang hagdan. "Dito kasi sa bar ni Riffle, may mga alak na may halong special drugs. Alam mona, para mas matindi at maganda ang bakbakan."
Nang makarating kami sa second floor ng bar ay mas kitang kita ko ang mga tao sa ibaba. Napangiwi na lamang ako nang makita ang mga naghahalikan, mayroon pang mga gumagawa ng milagro sa isang gilid.
"Mga miyembro din ng iba't ibang underground ang mga yan," sabi ni Azuke. "Ang bar na ito ay para lamang sa mga nagtatrabaho sa underground. Hindi ito bukas sa mga taong hindi miyembro ng underground."
Hinila ako nito na ikinagulat ko. Susuntukin ko sana siya pero natigilan ako dahil sa sinabi nito.
"Nandito ang isa sa mga bosses ng Rebel," bulong nito sa'kin. "Kilala ka niyan kaya manatili kang nakayuko kung ayaw mong matodas."
Nang makalagpas ang lalaking sinasabi ni Azuke ay agad akong lumayo sa kaniya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang pinto. Kumatok si Azuke ng tatlong beses bago ito buksan at hilahin ako papasok.
Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita namin ang isang lalaking nakaupo sa isang lamesa. Wala itong damit pang itaas at mukhang kagigising lang.
Mabilis akong umiwas ng tingin nang salubungin nito ang tingin ko. Malakas din ang tibok ng puso ko, na parang bang gusto nitong matanggal.
"Josefina.." kinilabutan ako nang banggitin nito ang pangalan ko.
Parang may kung anong init na dumaloy sa katawan ko. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.
"Magsalita ka," sabi ni Azuke. "Ang tapang tapang mo kanina tapos napipi kana?"
Inis ko siyang sinipa. Napamura naman ito at lumayo sa'kin. Naupo ito sa isang sofa habang hinihimas ang tuhod niya.
"Ang brutal mong babae ka!" singhal nito sa'kin.
Hindi ko siya pinansin at binalingan na lang ng tingin si Riffle. Bumaba ito mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa'kin.
"Welcome to my place," walang emosyong sabi nito.
Tumikhim ako at tumindig ng tayo. "N-nandito ako d-dahil sa sasabihin mo.."
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagkautal. Narinig ko ang pagtawa ni Azuke kaya binalingan ko siya ng tingin at sinamaan ng tingin.
"You stammered," sabi ni Riffle. "Relax, Josefina, this is just me."
Parang nanginig ako at nanghina nang hawakan ako nito sa braso. Tang ina, iba ang epekto sa'kin ni Riffle, parang hinihigop niya ang mga enerhiya ko.
"W-wag mo akong hawakan!" Inis ko siyang itinulak. "H-hindi tayo close, okay!?"
"Okay," sabi lang nito. "I will just get our food. Wait me here."
Nakahinga lang ako nang maluwag, nang lumabas ito. Inis kong hinubad ang sapatos kong suot at binalibag kay Azuke, na kanina pa tumatawa.
Nakakainis! Bakit ba ako nauutal!?
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain
AcciónIsa lang naman ang gusto niya. She wants to kill Riffle Guemez-The King of rebel mafia. The guy who always mocking her and the reason why she's always mad. Galit na galit siya sa binata dahil sa ginawa nito sa kaniya. But what if something happens...