PANIBAGONG araw na naman sa payapa at tahimik na lugar na'to. Hindi pa rin ako sanay sa ganitong tahimik, mas gusto ko yung palaging may barilan at may away.
"Saan kayo pupunta?" tanong ko kila Thalia. Kasama niya sila Mirajane at Belle.
"Bibili akong gamit ni baby," sagot ni Thalia at hinimas ang kaniyang tiyan. "Pakiramdam ko kasi malapit na siyang lumabas."
"Sama ako," nakangiting sabi ko. "Gusto kong maamoy ang ibang lugar."
"Balak ka nga naming ayain," sabi ni Mirajane. "Balita ko kasi marunong kang mag drive ng kotse. Hindi kami marunong, kaya isasama ka namin."
"Sagot ko kayo," sabi ko at kinindatan sila.
Nagtungo kami sa bahay ni Belle para kuhanin ang sasakyan. Nang makasakay sila ay agad kona iyong pinaandar. Kinuha muna nung bantay ang mga identity namin bago kami palabasin.
"Kapag may nangyari, ma-ta-track nila tayo dahil sa ibinigay nilang singsing," sabi ni Belle. "Ang astig, diba?"
Nakangiting tumango lang ako.
"Hindi ba uuwi ang asawa mo?" tanong ko kay Thalia. "Malapit ka nang manganak, dapat binabantayan ka niya."
"Baka bukas pa siya makauwi," sagot ni Thalia at hinimas ang kaniyang tiyan. "May inaasikaso pa kasi siya ngayon."
Napatango na lamang ako at nag focus sa daan. Nang makarating sa mall ay bumaba na kami at pumasok sa loob.
"Ano gender ng baby mo?" tanong ko.
"Girl," sagot ni Thalia. "Akala nga namin boy, eh."
"Siguradong maganda siya dahil maganda ka," nakangiting sabi ko.
Nakasunod lang kami kay Thalia na namimili ng mga gamit para sa baby niya. Sumasakit daw ang tiyan niya kaya kami na ang nagbitbit.
"Kumain muna tayo bago umuwi," sabi ko. "Don't worry, my treat."
Nagtungo kami sa isang restaurant. Ako na ang pina-order nila, dahil natatakot silang makita ang presyo ng mga pagkain.
Habang naghihintay ng order ay inilibot ko muna ang paningin ko. Natigilan ako nang may makita akong pamilyar na bulto, na nakatayo mula sa labas ng restaurant. Bigla akong kinabahan pero kinalma ko ang sarili ko.
Biglang nawala yung bulto ng taong nakatayo kanina. Napailing na lang ako at hinilot ang sintido ko. Namamalikmata lang siguro ako.
"Gusto mo sa bahay muna kita?" tanong ko kay Thalia habang kumakain. "Baka bigla kang manganak."
"Wag na. Hindi pa naman lalabas si baby," sagot ni Thalia.
"Hindi mo mapipilit yan," sabi ni Mirajane. "Don't worry, kapit bahay ko lang naman siya kaya maririnig ko kung may nangyayari sa kaniya. Palago ko rin siyang titingnan."
"Mabuti yan," sang ayon ni Belle. "Thalia, sumasakit na ang tiyan mo. Anumang oras, lalabas na talaga ang baby mo."
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan na naming umuwi. Kila Belle ako dumiretso dahil kaniya ang sasakyan na gamit namin.
"Sigurado ka bang magiging okay ka lang?" alalang tanong ko kay Thalia nang maihatid namin siya.
Natawa ito. "Death, kumalma ka. Magiging ayos nga lang ak–"
Napahinto ito sa pagsasalita at napahawak sa kaniyang tiyan. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang tubig na umaagos pababa sa binti niya.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko," tarantang sabi ni Mirajane. "Sandali, tatawag ako ng ambulansiya."
"Lalabas na siya," sabi ni Thalia. "Aray!"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinahiga ko siya sa sahig at sinilip ang ilalim ng dress niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ulo ng bata, na lumalabas na.
"Yung ulo ng bata, nakalabas na!" tarantang sabi ko. "Thalia, anong gagawin ko? Ang alam ko lang kumatay ng tao!"
"Let me help you.." Napalingon kami sa nagsalita. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita si Riffle.
"Anong ginagawa mo rito!?" gulat kong tanong. "Paano ka nakapasok!?"
Hindi nito pinansin ang tanong ko. Tinabihan ako nito.
"Umire ka," sabi nito kay Thalia. "Kailangan mong mailabas ang bata dahil baka maubusan siya ng oxygen. Kapag sinabi kong ire, umire ka."
Tumango lang si Thalia na mangiyak ngiyak. Lumipat naman ako sa ulunan ni Thalia para alalayan siya.
"Push," malamig na sabi ni Riffle at agad namang umire si Thalia.
Napangiwi na lang ako sa tuwing naririnig ang sigaw ni Thalia. Parang mas gusto ko pang ma-torture kaysa manganak. Nakakatakot pa lang manganak.
Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng iyak ng bata. Buhat ni Riffle ang isang sanggol na puro dugo at umiiyak.
"Baby ko," umiiyak na sabi ni Thalia.
"It's a girl," sabi ni Riffle at ipinatong iyon sa tiyan ng babae. "Be careful, hindi pa napuputol ang pusod niya."
"Nandito na ang ambulance," sabi ni Mirajane kaya napatingin kami sa kaniya.
Pumasok ang mga medical team at inasikaso si Thalia. Nilingon ko naman ang gawi ni Riffle pero wala na siya doon.
"Kayo muna ang sumama kay Thalia," sabi ko. "Feeling ko napagod ako kahit hindi ako yung umire. Tatawagan ko rin si Isaiah para sabihan ang asawa ni Thalia."
"Thank you sa inyo," emosyonal na sabi nito.
"Pagaling kayong mabuti," sabi ko. "Balitaan niyo ako tungkol kay Thalia, ah?"
Lumabas ako ng bahay ni Thalia habang nag uunat. Napakunot noo na lamang ako nang maalala si Riffle. Paano siya nakapasok? At bakit siya nandito?
Nagmamadali akong umuwi ng bahay at hindi nga ako nagkamali. Nasa bahay si Riffle at tanging tuwalya lamang ang tumatakip sa kaniyang katawan.
"Paano ka nakapasok?" walang emosyong tanong ko sa kaniya. "Anong kailangan mo?"
"You know the answer, Josefina," sagot nito.
"Riffle, umalis kana dito," sabi ko. "Walang kinalaman ang mga nandito kaya kung may balak ka, itigil muna."
"Aalis ako kapag sumama ka sa'kin," sagot nito. "You choose, Josefina. I will stay here with you? Or you will stay with me?"
Parang lugi ako doon, ah?
Sinamaan ko siya ng tingin at sinugod. Mabilis naman nitong nasalo ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya.
"I won't harm anyone, Josefina," sabi nito. "Except to Isaiah. He stole you from me."
"Riffle, pakiusap lang. Layuan mona ako," mahinahong sabi ko. "Yung nangyari sa'tin, pagkakamali lang yun. Lasing ako."
"That's not an excuse, Josefina!" Nag igting ang panga nito. "Josefina, please, don't push me away.."
Napalunok na lang ako nang mahimigan ang kakaibang emosyon sa boses niya. Hindi ko alam pero bakas doon ang lungkot..
Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. Lumayo ako kay Riffle at sinagot ang tawag ko.
"Hello..." Na kay Riffle pa rin ang tingin ko. "Isaiah.."
"How are you?" tanong nito. "Is there something wrong?"
"Pakisabi sa asawa ni Thalia, nanganak na siya," sagot ko. "Nanganak siya sa bahay at nasa hospital siya ngayon.."
"Okay.."
"Isaiah.." Napalunok ako habang nakatingin pa rin kay Riffle na may kakaibang emosyon sa mga mata. "Ano.."
"Why? Is there something wrong? Gusto mong puntahan kita?" sunod sunod na tanong nito.
Napapikit na lang ako. "Wala.. Salamat... Ibaba kona ang tawag dahil may gagawin ako."
Hindi kona siya hinintay sumagot at pinatay na lang yung tawag. Hindi ko alam pero ayaw kong sabihin kay Isaiah na nandito si Riffle. Ayaw kong mapahamak si Riffle.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain
ActionIsa lang naman ang gusto niya. She wants to kill Riffle Guemez-The King of rebel mafia. The guy who always mocking her and the reason why she's always mad. Galit na galit siya sa binata dahil sa ginawa nito sa kaniya. But what if something happens...