"BREAKFAST is ready.." Si Riffle agad ang bumungad sa'kin nang makalabas akong kwarto. "I'm sure our baby is hungry."
"Anong ulam?" tanong ko at naghikab.
"Tocino," sagot nito.
Nagtungo kami sa kusina. Agad akong naupo nang makita ang pagkain sa lamesa.
"Sumabay kana," sabi ko kay Riffle. "Ngayon lang ako hindi nairita sa mukha mo kaya pumayag kana at wag nang magsalita."
Tahimik naman itong naupo at sinabayan ako sa pagkain.
"Wala ka talagang planong umalis?" Tumango ito. "Paano ang underground mo? Hindi mo ba naisip ang pinaghirapan mo? Paano kung biglang sugurin yun?"
"I have a lot of men," sagot nito.
"Paano kung may traydor?"
"There's a lot of traitors in my underground," sabi nito na parang wala lang. "Can we not talk about my underground. Its bad for our baby."
"Paano naman naging bad yun?" Napairap na lang ako.
Pagkatapos kumain ay inabutan ako ni Riffle ng vitamins. Siya na rin ang nagpresintang maghugas ng plato. Feeling ko buhay reyna na ako sa bahay dahil kahit walis ay ayaw nitong ipahawak sa'kin.
"Pupunta ako kila Thalia," sabi ko.
"Wait. . ." Pumasok ito sa kwarto niya. Gusto ko siyang murahin dahil paglabas niya ay may dala na siyang electric wheelchair. "Use this, baka mapagod ka at mapano pa kayo ni Baby."
"Ako ba talaga ay tinatarantado mo?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako lumpo! Buntis lang ako, Riffle. Buntis lang! Ang OA mo."
Inis akong lumabas ng bahay at hindi na siya pinansin. Alam kong worried siya sa Anak niya pero naiinis ako. Ihahampas ko talaga sa kaniya yung electric wheelchair na yun sa kaniya mamaya.
Agad na gumaan ang mood ko nang masilayan ko si Baby Crystal na buhat buhat ni Thalia.
"Hello," nakangiting bati ko. "Ikaw lang mag isa?"
"Nag grocery si Cris," sagot nito. "Mukhang pinaglilihihan mo ang Anak ko, ah?"
"Siguro," sagot ko lang at kinuha sa kaniya ang sanggol na babae. "Ang ganda ganda naman ng baby na yan."
"Sino ba ang Ama ng baby mo?" tanong ni Thalia. "Pasensiya na kung nausisa ko, curious lang talaga ako. Hindi naman kasi pwedeng mag isa mong gawin yan."
"Kilala mo," sagot ko lang at isinayaw sayaw si Baby Crystal.
"OMG! SI ISAIAH!?" sigaw nito at napatakip pa sa kaniyang bibig. "Grabe kana, Death."
Natawa ako. "Hindi si Isaiah. Nararamdaman ko ang presensiya niya. Ang papasok sa pinto ay ang Ama ng Anak ko."
Naghintay kaming may pumasok at halos mabulunan ako dahil asawa ni Thalia ang pumasok.
"Si Cris?" kunot noong tanong ni Thalia.
"Hindi siya,"natatawang sagot ko at nginuso ang sumunod na pumasok. " 'Yang walang hiyang yan ang Ama."
"Si Riff?" Tumango ako. "Ine-expect kona naman iyon dahil iba ang sparks niyong dalawa, pero nakakagulat pa rin pala."
Nagkibit balikat lang ako at nag focus kay Baby Crystal na ngumingiti sa 'kin.
"Nakita ko si Riff sa labas," sabi ni Cris. "Nagdadalawang isip yata kung papasok o hindi."
"Dapat hindi mo pinapasok," masungit kong turan. "Panira lang ng araw ang lalaking yan."
Natawa si Thalia. "Intindihin mo lang, Riff. Maiinit talaga ang ulo ng mga buntis sa partner nila."
"Hindi ko siya partner," sabi ko. "Never kong magiging partner ang lalaking yan."
Hindi sumagot si Riffle at nagtaas lang ng isang kilay bago tahimik na naupo. Hindi kona sila pinansin at nilaro na lang si Baby Crystal.
Maya maya lang ay umiyak na si Baby Crystal. Kinuha naman sa'kin ito ni Thalia dahil gutom na raw ito.
"Nasa kwarto si Thalia," sabi ni Cris. "Oo nga pala, tumawag sa'kin si Sir Isaiah. Hindi ka raw sumasagot sa tawag niya kaya ako na ang tinawagan niya. Pupunta raw siya rito, kasama si Oscar."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh!? Kakadalaw niya lang, ah? Akala ko ba hindi muna siya dadalaw?"
"Hindi ko rin alam," sagot ni Cris at napakamot sa kaniyang ulo.
Napahinga ako nang malalim at binalingan ng tingin si Riffle. "Dito ka lang, wag lang pupunta sa bahay ko hangga't hindi ako bumabalik dito. Tatamaan ka sa'kin kapag nagpakita ka."
Tumango lang ito.
Inirapan ko siya bago talikuran. Muntik pa akong masubsob mabuti na lamang ay nahawakan ako ni Riffle sa kamay.
"Careful..." malamig man ang boses niya, ramdam ko naman doon ang pag aalala.
Anong pag aalala ang sinasabi mo?
Hindi ko siya pinansin at lumabas na lang ng bahay nila Thalia. Umuwi ako sa bahay ko at madatnan ko nga doon sila Oscar at Isaiah.
Tatawagin kona sana sila kaya lang natigilan ako nang makitang nakatitig ang mga ito sa gamit ng baby na nasa sala.
"What the fvck is this?" tanong ni Oscar.
"Wala lang yan," sagot ko kaya napalingon sila sa'kin. "Para yan sa baby ni Thalia. . . Oo, para yan kay Bhay Crystal. Dito ko muna inilagay para surprise hehe."
"Are you sure?" may dudang tanong ni Isaiah.
"Oo," sagot ko. "Sa tingin mo ba buntis ako? Sinong bubuntis naman sa'kin? Sarili ko?"
"Si Riffle," sabi ni Isaiah kaya mahina siyang siniko ni Oscar.
"What the fvck, Isaiah?" salubong ang kilay na sabi ni Oscar. "Are you out of your mind?"
"Kidding," sabi lang ni Isaiah.
"Bakit kayo nandito?" pag iiba ko ng usapan. "Isaiah, kakadalaw mo lang, nandito kana naman. Pwede bang tigilan niyo ang pagdalaw dahil nagmumukha akong preso."
"I just want to check your condition," Oscar said. "Also, Mom said to check you."
"Maayos na maayos ako," sagot ko. "Pwede na kayong umalis. Please, this is my vacation, leave me alone."
"Fine," sabi ni Isaiah at napahinga nang malalim. "Be careful, Death. Walang paramdam si Riffle, baka may malaking plano yun."
Walang paramdam sa inyo, pero ako araw araw ginugulo. Dito na nga nakatira, eh.
"Kaya ko ang sarili ko," sabi ko lang. "Leave now."
Ginulo ng mga ito ang buhok ko. Akmang aalis na sila kaya lang pareho silang natigilan nang may nagpaputok ng baril.
"Damn!"
"Fvck!"
Magkasabay na mura ng dalawa. Kinabig ako ni Isaiah, habang si Oscar naman ay hinanap kung saan nanggaling ang balang muntik nang bumutas sa noo ko.
"Sniper," sabi ni Oscar. "Death, pumasok ka sa loob ng bahay mo. Isaiah, sakay sa kotse!"
Sumakay ang dalawa ng kotse at mabilis na nag drive paalis.
"DEATH!"
Nakita ko sila Thalia na tumatakbo palapit sa'kin. Yung mga tauhan naman ni Isaiah na nakatira dito ay nagkaniya kaniyang kilos din.
"Anong nangyari? Nakarinig kami ng putok ng baril," alalang sabi ni Mirajane.
"May sniper," sagot ko. "Nasaan si Riff?"
"Nung marinig niya yung putok ng baril bigla na lang umalis," sagot ni Thalia.
Napamura na lamang ako sa isip ko at biglang namroblema. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain
ActionIsa lang naman ang gusto niya. She wants to kill Riffle Guemez-The King of rebel mafia. The guy who always mocking her and the reason why she's always mad. Galit na galit siya sa binata dahil sa ginawa nito sa kaniya. But what if something happens...
