UC: 21

3.5K 72 8
                                        

            Shit! Naisuka ko na yata pati ang bituka ko. Ang hirap hirap magbuntis, dapat lalaki na lang ang nabubuntis, eh.

"Are you alright?" May humagod sa likod ko.

Hindi ko pinansin si Riffle at patuloy pa rin sa pagsuka. Nang matapos ako ay nagmumog ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso agad ako sa kama ko at sumandal sa headboard. Hilong hilo ako.  Pakiramdam ko anumang oras ay magkikita na kami ni Satanas.

"Do you want something?" malambing na tanong ni Riffle. "Tell me, Josefina."

Umiling ako.

Wala sa sariling hinila ko siya at niyakap. Ewan ko ba sa lintik na pakiramdam 'to, gustong gusto kong niyayakap si Riffle kaya ang ending, palagi kaming magkatabing natutulog.

"Everything will be fine." Hinaplos nito ang tiyan ko.

Pakiramdam ko ay unti unti akong kumakalma dahil sa ginagawa niya. Ang dami daming paglilihian, si Riffle pa ang napili.

Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Inabot nama iyon ni Riffle at ibinigay sa'kin bago bumalik sa paghaplos sa aking tiyan.

"Death.." Si Isaiah. "Someone hacked our system. Kailangan ko ng tulong mo dahil baka makuha nila ang blue print ng underground pati na rin ang list ng mga spy natin sa Rebel Mafia."

"Sandali." Nilingon ko si Riffle. "Pakiabot nung laptop ko."

Tumayo naman ito at inabot ang laptop ko. Binuksan ko iyon at nagsimula nang magpipipindot.

"Sino 'tong mga unggoy na 'to?" tanong ko kay Isaiah. "Riffle, ikaw ba ang may gawa nito?"

"Na ah." Umiling ito bago sumilip sa laptop. "What's that?"

"Death, don't tell him," Isaiah said. "He's the King of Rebel Mafia, remember that."

"Let me destroy them." Kinuha ni Riffle sa'kin ang laptop ko at siya ang nagpipipindot doon.

"Si Riffle ang gumagalaw sa kanila," inaantok kong sabi kay Isaiah. "Wag kang mag alala, walang gagawing masama si Riffle. Ako na ang naninigurado."

"Masyado kang tiwala kay Riffle," seryosong sabi ni Isaiah. "Are you in love with him?"

"Tarantado ka ba?" Kumunot ang noo ko. "Do you even hear yourself, Isaiah?"

"I'm just making sure, Death."

"Done." Iniabot sa'kin ni Riffle ang laptop ko. Malinis na malinis na ang system namin at parang walang nangyari. "Oh, I read everything."

"I don't care." Tinarayan ko siya. "Isaiah, malinis na ang system. Bye."

Pinatay ko ang tawag at itinabi ulit ang cellphone ko. Kinuha ni Riffle ang laptop sa'kin at itinabi bago muling yumakap sa'kin.

"You heard me last night , right?" Hindi ko sinagot si Riffle. "Bakit hindi mo sinabi kay Isaiah ang narinig mo? I'm planning to kill him."

"Hindi mo gagawin yun," paladesisyong sabi ko. "Dahil sinabi ko, hindi mo pwedeng gawin."

"I'm the King, hindi ako pwedeng makinig sa'yo," malamig na sabi nito. "I need to this. It's for your safety."

"Bakit ba grabe ka na lang magalit kay Isaiah?" seryosong tanong ko. "It is because of the throne?"

"No," sagot nito. "I told you, if you want to know, let me lick you."

Hinampas ko siya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo kaya sumagot ka!"

"Hindi rin ako nakikipagbiruan." Sinalubong nito ang tingin ko. "Damn, I always use my hands to satisfy my needs. I need you, Josefina."

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon