UC:23

4.9K 91 20
                                        


Warning: R🔞 matured content

________

     Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Riffle. Inaasikaso niya ako pero hindi ito nagsasalita. Deadma lang na parang hindi ako nag-e-exist.

Medyo naiinis ako sa asta nito sa'kin pero pakielam ko ba. Ede wag niyang pansinin. Hindi naman ako mamamatay dahil doon.

"Azuke, samahan mo ako sa mall," sabi ko sa kaniya. "May bibilhin ako."

Tumingin ito sa'kin bago lingunin si Riffle na nakatayo na.

"I'll come with you," sabi ni Riffle.

Hindi ko ito pinansin at na kay Azuke pa rin ang mga tingin ko. "Bilis na, Azuke."

"I said, I'll come with you." Hindi ko pa rin pinapansin si Riffle. Anong pakielam ko sa kaniya?

"Magbibihis na ako, Azuke." Tinalikuran ko sila at nagtungo sa kwarto ko.

Nangangalkal ako ng damit nang pumasok sa kwarto si Riffle. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Pagkatapos niya akong pagtaasan ng boses at hindi pansinin, bahala siya diyan.

"Josefina..." malumanay na tawag nito sa aking pangalan.

Kinuha ko yung puting t-shirt at pants. Pumasok ako sa banyo at nagbihis. Paglabas ko ay nakita ko si Riffle na nakaupo sa dulo ng kama ko habang nakatingin sa'kin.

"Are you mad?" tanong nito. I still ignored him. "Josefina, please..."

Kinuha ko yung bag ko sa kasama. Akmang aalis na ako kaya lang mabilis na hinapit ni Riffle ang beywang ko. Inupo ako nito sa kaniyang kandungan bago sumubsob sa'kin.

"Sorry..." malumanay na saaad nito. "Sorry for raising my voice at you. Sorry for not talking to you. Sorry, Josefina, please don't be mad."

Nakakainis! Bakit ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Ang gusto ko lang naman ay mapatay si Riffle. Gusto ko lang wakasan ang hirap ni Isaiah. Bakit naman nandito na ako sa sitwasyon kung saan magiging malambot ako kay Riffle? Kung saan, hahanap hanapin ko ang kaniyang mga yakap at paglalambing.

"Riffle..."

"I'm sorry." Nagsalubong ang tingin naming dalawa. "Don't be mad, okay?"

Tumango na lang ako.

Ngumiti ito bago isiksik ang kaniyang mukha sa leeg ko. Nararamdaman ko ang mainit nitong hininga. Nakaramdam ako ng kiliti dahil doon.

He kissed my neck. "Don't be mad again, okay?"

"O-okay.."

Hinahalikan pa rin nito ang leeg ko. Napahawak naman ako sa balikat niya at napahagikhik dahil nakararamdam ako ng kiliti.

"Ayan, bati na ulit sila." Napalingon kami sa pintuan nang may magsalita.

Nandoon si Azuke, na may malawak na ngisi sa mukha. Naka-cross arm ito at napapailing.

"Hindi pa nga mag asawa grabe na ang tampuhan at lambing." Tumawa ito.

Inupo naman ako ni Riffle sa kama bago siya tumayo. Nilapitan nito si Azuke at inabutan ng pera.

"Mamalengke ka." Tumingin sa'kin si Riffle. "Anong gusto mong ipabili sa kaniya?"

Tang inang magtagalog nito. Ang hot.

"Yung peppero na nakita ko sa online," sagot ko. "Pabili ring cake sa goldilocks, yung cake."

Nakangising tumango si Azuke. "Babagalan ko para sa inyong dalawa. Enjoy."

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon