UC: 22

2.3K 71 7
                                    

     "Anong problema mo!?" inis na tanong ko kay Azuke. Nakatingin ito sa'kin habang nakangisi. "Mukha kang tanga."

May benda ito sa balikat. Pinuruhan talaga siya ni Riffle, kahit daplis lang, alam kong malala ang tama niya at malalim. Deserve niya naman dahil palagi siyang epal.

"Akala ko ba hindi mo papatulan si Riffle?" tanong nito sa'kin. "Ano yung nadatnan ko nung isang araw?"

"Wag kang chismoso!" singhal ko sa kaniya. "Padadagdagan ko 'yang tama mo kay Riffle kapag hindi mo pa ako tinigilan."

"Kay Riffle ka na ngayon nagsusumbong, ah?" Mas lalong lumawak ang ngisi nito. "Parang dati, gusto mo lang siyang mawala sa mundo."

"Bakit ka ba kasi bumalik dito!" inis kong tanong. "Maglaho ka na lang ulit!"

"Kapag bumalik na si Riffle," sagot nito bago sumipol. "Kailangan kitang bantayan kasi wala siya ngayon. Wag kang mag alala dahil matutuloy din ang naputol niyong tikiman."

Sa inis ko ay piniga ko ang sugat niya. Napahiyaw naman ito sa sakit at napalayo sa'kin. Dumugo ang sugat nito pero hindi man lang ako nakaramdam ng awa, nasiyahan pa ako sa nakikita ko. Gusto kong putulin ang braso niya.

"Wala dito si Riffle, papatulan talaga kita." Banta nito.

Hindi man lang ako nakaramdam ng takot dahil alam kong hindi naman niya ako kayang saktan. Hanggang banta lang naman siya pagdating sa babae. Never ko pang nakitang nanakit ng babae ang tarantadong supot na hapon na 'yan.

Kung tatangkain naman niyang ituloy ang pananakit niya ay hindi niya rin ako kaya. I won't allow him to hurt me. He can't handle me because I'm professional.

"Sakit, ah!" singhal nito sa'kin. Ipinakita niya ang sugat niya sa'kin. "Tingnan mo, ang daming dugo!"

"Sipsipin mo!" masungit kong sagot.

"Kamukha sana ni Riffle 'yang Anak mo." Pang aasar nito sa'kin.

Dinampot ko ang baril ko kaya agad itong tumakbo paalis. Napairap na lang ako bago tumayo. Kinuha ko yung susi ng motor ni Riffle. Itinago ko yung baril ko sa tagiliran bago ako lumabas ng bahay. Nabuburyo ako rito sa private farm ni Riffle, gusto kong maggala.

"Hoy, saan ka pupunta?" Humarang si Azuke sa daraanan ko. "Hindi ka pwedeng umalis, gusto mo bang mapatay ako ni Riffle?"

"Wala akong pakielam sa'yo," masungit kong sagot bago i-start ang motor ni Riffle. "Kaya ko ang sarili ko. Buntis lang ako, hindi naman ako baldado o may malalang sakit."

"Mas delikado yun," sagot nito at pinanlakihan pa ako ng mga mata. "Baba diyan!"

Nginisihan ko lang siya bago paharurutin ang motor. Agad naman itong tumabi dahil alam niyang hindi ako mapipigilan. Bumaba ako saglit sa tapat ng gate para buksan ito.

"Pakisarado ang gate!" Kinawayan ko si Azuke bago tuluyang umalis.

Agad akong napangiti nang makita ang labas ng bahay. Sa wakas, nakalaya na rin ako. Hindi naman ako magtatagal sa labas, gusto ko lang gumala at makakita ng ibang tanawin. Gusto ko rin ipa-experience sa Anak kong umangkas ng motor.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gusto ko lang mag roadtrip mag isa. Kapag kasi nasa bahay si Riffle at gusto kong gumala, nakabuntot ito palagi sa'kin.

Napahinto ako sa isang tabi nang tumunog ang cellphone ko. Napairap ako nang makitang tumatawag si Riffle.

"Where the hell are you, Josefina?" Kahit hindi ko nakikita si Riffle, alam kong galit siya. Nag iigting na naman ang kaniyang panga.

"I'm just having fun, Riffle," tugon ko. "Uuwi din ako."

"Yeah, you're having fun. You're riding my fvcking big bike while you're carrying my child!" Ramdam na ramdam ko ang gigil sa boses niya. "Go back to my villa now, Josefina, and wait for me!"

"Uuwi ako mamaya!" inis kong sabi. "Riffle, buntis lang ako, 'wag mo naman akong gawing bilanggo."

"I'm just fvcking worried, Josefina!" Tumaas ang boses nito. "Nasa panganib ang buhay mo. Paano kapag may nangyari sa Anak natin, huh!?"

"Hindi ko pababayaan ang Anak mo, Riffle. Wag mo akong tingnan bilang mahinang babae porke't  may dinadala akong bata!" Inis kong ibinaba ang tawag at muling nag drive.

Huminto ako sa isang karinderya nang matanaw ko ang lechong kawali at kamote cue. Bigla akong nagutom kaya naisipan ko munang kumain.

Sarap na sarap ako sa pagkain pero natigilan ako nang may maramdaman akong lumilipad na kutsilyo palapit sa gawi ko. Mabilis akong umiwas at walang emosyong nilingon ang gumawa no'n. Bumungad sa'kin ang isang babae na may malawak na ngisi. May kasama itong isang lalaki.

Pumalakpak ito. "Lakas talaga ng pakiramdam."

"Anong ginagawa mo rito?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "And you're with Second?"

"May inaasikaso kami rito," sagot ni Secret at humagikhik. "How's my preggy sister?"

"Ayos lang," sagot ko. "Buti sinamahan ka ni Second? Hate ka niyan, 'di ba?"

"Pinagalitan siya ni Fifth para lang samahan ako," sagot nito. "Alam mo ba? Mukhang nagkakamabutihan na si Kuya Oscar at Zavia."

Napatango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Good for them."

"Kaso, galit sa'yo si Kuya Oscar," nakangusong sabi nito. "Bakit kasi kay Riffle ka pa na-inlove."

"Ang daldal mo," sita ko sa kaniya. "Mag iingat ka, maraming kampo ni Riffle ang nandito. Tawagan mo ako kapag nagkaroon ng problema, okay?"

Tumango ito at nag thumbs up sa'kin. "Mauna na kami. I love you."

Napangiwi na lang ako. Sobrang clingy talaga nitong babaeng 'to. Manang mana sa Mommy namin na nasa heaven.

Niyakap ako nito bago hilahin paalis si Second. Si Second ay kapatid ni First, Third, Fourth at Fifth. Quintuplets sila na magkamukhang magkamukha kaya ayun, binigyan na lang ng nickname ni Isaiah at pinalagyan ng tattoo.

Pagkatapos kong kumain ay nag-take out ako ng kamote cue para kay Azuke at Riffle. Nag drive na ako umuwi dahil baka ipakalat pa ni Riffle ang mga tauhan niya para lang hanapin ako. 

Kinabahan na ako habang nag-da-drive papasok sa loob ng villa. Bumungad kasi agad sa'kin si Riffle na madilim ang awra. Umiinom ito ng alak, kaharap si Azuke na panay lunok dahil nakatutok sa kaniya ang baril ni Riffle.

Nadamay na naman. . .

"Sabi ko sa'yo 'wag kang umalis, eh!" singhal sa'kin ni Azuke. "Tingnan mo, ako na naman ang napag initan niya!"

Napairap ako. "Nakabalik na ako, 'wag mo nang pag initan si Azuke."

Ibinaba nito ang baril at madilim ang mukhang nilingon ako. "Hindi ka ba nag iisip? Buntis ka tapos mag-da-drive ka ng motor!? Are you really want to kill our child!?"

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito. "Sa tingin mo ba, papatayin ko ang Anak ko!? Riffle, bumababa yata ang tingin mo sa'kin. Hindi ako basa basta babae kaya 'wag mong ikumpara ang lakas ko sa iba!"

"Thisis fvcking shit!" Galit na sinipa nito ang silya. "Go to your room, let's talk later."

"Tara na." Hinila ako ni Azuke. "Sobrang nag alala sa'yo 'yan. Nalaman niya kasing ipinapahanap ka ng mga Bosses sa Rebel Mafia kaya ganiyan na lang ang reaksiyon niya. Makulit ka kasi, eh."

Umirap na lang ako. Oo na, kasalanan ko na! Pero hinding hindi ako hihingi ng tawad sa kaniya.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon