Chapter 18

42 2 0
                                    

Aprille's POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ni Kei. Gusto ko rin naman yung ginawa niya kaso sa maraming tao. Lalo na at hindi ko iyon napaghandaan, feeling ko tuloy baon nanaman ako sa kahihiyan.

Nanliit ako sa ginawa niya, hindi pa naman ako ganon kadesperada sa kanya. Kahit crush ko siya wala pa rin siyang karapatang gawin iyon ng wala kong pahintulot. Tch

Nasa biyahe na kami, di ko alam kung saan kami pupunta. Pamilyar sa akin ang mga daan dito, siguro pupunta kami kanila Akira. Tuwang-tuwa naman yung tatlo sa likod ng Van ang dami kasi nilang nabili sa Mall kanina. Si Tadashi nakatulog na sa may tabi ng driver's seat, napagod siguro kanina sa pagbibitbit ng mga nashopping nila Akira.

Si Ryuu siya yung nagda-drive, kaso nakadikit pa rin sa katawan niya yung yung aso ni Cheska. Kanina pa nga natutulog yung aso sa lap niya, naiisip ko nga kung paano siya nakakapag-concentrate sa pagda-drive? Hay!

Ako? Eto sa may tabi ng bintana, nasa harap ko lang si Ryuu. Si Kei? Ayun one seat apart from me. Katabi ko si Jun eh, si Sakura nasa likod din kasama sila Mia. Acting cold muna ako, di ko talaga inaasahan yung ginawa niya.

"Aprille! Ayos ka lang ba? Kanina pa kase kita napapansin sa matamlay. May probleme ba?" Oo Jun, kanina pa ako wala sa mood.

"Oo, ayos lang ako wag mo na akong alalahanin" tumingin na lang ako sa bintana.

"LQ kayo noh?" Paniningit ni Mia

"Ewan!" Sagot ko. Kanina ko pa ring napansing, nakatingin si Kei sa bintana. Naisip ko tuloy yung sinabi niya dati...

"Okay fine! Inuubos mo talaga ang pasensya ko. Sa susunod hindi na ako magpipigil!"

Gash! Yan ata yung sinasabi niya dati nung tinagusan ako. Tsk! Yan rin yung pangyayaring hinalikan ko siya sa pisngi para manghiram siya ng palda. Pero yung halik na iyon, galing talaga iyon sa puso ko. At isa pa ginantihan niya lang siguro ako sa ginawa ko. Tsk! wala naman sigurong ibig sabihin yun. Oo, wala.

"Nandito na tayo!" Sabi ni Ryuu

Unang bumaba sila Akira sa Van. Kaso hindi sila makadaan sa dami ng pinamili nila.

"Tadashi! Tadashi! Gising na, bubuhatin mo pa yung mga pinamili namin!" Niyuyugyog niya na si Tadashi pero ayaw pa ring magising.

"Oy! Tadashi! Gumising ka na! Nandito na tayo, may bubuhatin ka pa!" Sigaw ni Akira pero hindi pa rin nagising si Tadashi, kinabahan na ako. Ano kaya ang nangyari? Kailangan ko na siyang tulungan.

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako nila Kei at Ryuu. Bigla namang binitawan ni Kei yung braso ko at bumaba ng kotse. Tsk! Arte!

"Wag mo na silang pakialaman, si Tadashi na ang bahala sa problema nila" ngumiti sa akin si Ryuu at sinuklian ko naman ang ngiti niya.

"Tadashi! Tadashi! Gumising ka na! Wag mo naman akong pag-alalahin ng ganito!" Umiiyak na si Akira pero pinigilan pa rin ako ni Ryuu na lumapit.

"Sige, Tadashi! Pag hindi ka pa gumising diyan, ihahagis ko sayo yung paso!" Umiiyak pa rin siya tapos bigla niyang niyakap si Tadashi. Nagulat ako nang niyakap din ni Tadashi si Akira, akala ko kase nawala siya ng malay o ano basta!

Nagulat rin si Akira sa ginawa ni Tadashi.

"Akira, ayokong nakikita kang umiiyak. Kahit papaano nakita ko namang concern ka sa akin!" Tumawa si Tadashi pero sinampal siya ni Akira

"Wag kang magkunwari! Ayokong gagawin mo pa yan sa susunod! Nag-alala talaga ako sayo, akala ko wala ka na..." umiyak pa rin si Akira.

"Oo, Akira hindi ko na gagawin uli iyon, masama lang tala--" naputol ang pagsasalita niya

"Sana sinabi mo agad sa akin! Para kahit papaano hindi na kita pinagbuhat ng mabibigat!" Nagtataka si Tadashi

"Paano mo nalam--"pinutol uli ni Akira sa pagsasalita si Tadashi, bagkus nilagay ni Akira ang daliri niya sa may labi ni Tadashi parang 'Quite' sign.

-

Hay! Hanggang ngayon di pa rin kami nagpapansinan ni Kei. LQ ata kami eh, ay basta! Nandito kami sa malaking sala ng mansyon nila Akira. Grabe parang palasyo na ata ang bahay nila. Naisip ko rin parang hindi pa ako nakakapunta sa bahay ni Kei? Bat ko ba iniisip yun? Hay!

Si Tadashi, ayun nabinat sinabi niya rin sa amin na niligtas niya si Autumn dahil muntik na siyang masagasaan, kaya siguro text ng text yung babaeng iyon habang inaayusan ako para sa date namin, siguro pinauulanan niya ng pasasalamat si Tadashi.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Tadashi?" Pag-aalala ni Akira habang inihahanda ang isang tsaa para kay Tadashi

"Ang swerte naman ni Tadashi, sana ganyan din yung ugali ng magiging boyfriend ko. Di ba Jun?" Tanong ni Sakura

"A-ahh.... e-ehhh" di pa siya makasagot

"Ahh, Ryuu saan ba kayo nakatira?" Di ko na mapigilang magtanong

"Dito lang din kasama sila Akira" sabi niya tapos humarap na kay Cheska para mag-usap

So, magkakasama pala sila dito. Eh, ano ba yung sinasabi ni Papa na kumpanya nila Kei? Edi mayaman din sila, rh bakit nandito siya kanila Akira. Bakit ko ba sya iniisip? Tch

Hinanap ko si Mia, pero di ko siya makita. Oo nga pala, di ko pa siya lubos na kilala kaya gusto kong malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa kanya.

Hinanap ko rin si Kei, pero wala rin siya. San kaya nagpunta yun? Lumingon-lingon ako pero wala din, ayoko namang hanapin siya baka maligaw ako xD gusto ko na rin sana mapag-usapan yung dapat naming pag-usapan na di matuloy-tuloy. Sa bagay kumpleto na rin lang kami dito, edi pag-usapan na.

"Ahhh, Akira nasaan ba s--" naputol kong pagtatanong pero napatingin sa akin si Akira

"Bakit? Namimiss mo na ba ako?" Nagulat ako sa bosea na yon, mukha na ata siyang good mood. Tch

"Ahh...wala" pagpapalusot ko

"Sabihin mo na lang kase kung nami-miss mo ako, Miss Rank No. 2!" Ngumiti siya tapos tumabi kay Tadashi. Nag-iinit yung ulo ko pero nagtimpi na rin ako, ilang araw na rin kase yung nakalipas na parang di na niya ako lagi inaasar.

Nakita ko si Akira na may bitbit na mga baso, siguro eto na nga yung sinasabi nilang Tea Party. Hay! Mahilig ako dito noong bata ako, magkakasundo kami dyan ni Akira :-D

Inilapag niya na yung mga baso sa lamesa sa harap namin. Nilagyan niya ang bawat isa ng Tea, isa-isa nilang ininom yung tea na ginawa ni Akira. Mukha ngang masarap nawala kase yung pagod nila na bakas din sa kilos nila.

Napatingin sila sa akin, ako na lang kase yung hindi umiinom nung tea na ginawa ni Akira. First time ko lang kaseng makakatikim nito, pero bakit di ko subukan? Wala namang mawawala.

Nung tinikman ko yung Tea na ginawa ni Akira, gash! Para akong nasa langit! Ang sarap pala nung tea niya. Kaya pala nung iniinom nila ito parang nagkaroon sila ng peace of mind.

"Gash! Akira, ang sarap ng Tea na ginawa mo!" Papuri ko sa kanya tapos ngumiti ako ng galing talaga sa puso ko.

Nakita ko siyang tumawa, sana wala na siyang galit sa akin. Gusto ko na kasing magkasundi kami ni Akira, gusto ko rin siyang maging kaibigan. Sana matupad ang hiling ko...

To be continued...

[A/N]

Hey guys! Salamat sa pagvote ah! Thanks so much talaga :-D kahit papaano may nagbabasa naman ng story ko :-) sana makapag- intay lang yung iba sa next chapter, busy lang kase ako sa school xD o sya abangan niyo na lang yung bagong story ko. I-uupdate ko agad yon ;-)

Suscribe:
Twitter: @althea_ac, @kp_althea
IG: @kp_wassabi

Mkay bye!

Special A: Our S●A Story [Completed] Tagalog SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon