Chapter 29

41 3 0
                                    

Hikari's POV

I'm maaga nga pala nagising kanina because my Dad call me ng   1:00 AM. So, i'm so naiinis nga 'coz I can't go back to sleep uli. Kanina pa kase sinesermonan ni Papa sila Kei at Autumn para bantayan ako dahil pupunta silang Japan para maayos na ang problema ko at naming lahat.

"What Tito? magta-time travel ka?" Ay, oo nga pala. Nahawa na ako sa conyong 'to.

"No, I mean pupuntahan lang namin yung author para di na niya alisin sa eksena ang mga kaibigan mo?" Pagpapaliwnag ni Papa, nakita ko namang si Kei na hinawakan ang ulo niya na parang namomoblema pa rin.

"Wait a minute Tito! What nga ba pala name ng lintik na author na yan?" Pagtataray ni Autumn.

"Relax lang iha! Baka mamaya hindi natin mapapayag yon kapag tinanggalan mo ng buhok yon" natatawang sabi ni Papa, napansin niya na parang namomoblema pa din si Kei at eto namang BFF ko eh nagtutwitter.

"Oh, Kei! Anong pinopoblema mo dyan? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa" natatawa uling sabi niya, pero biglang tumunghay si Kei at lahat kami natakot.

"Sa tingin ko po, impossibleng makausap at mapakiusapan ang author" grabe nakakatakot yung aura ng mokong na to.

"Eh sa tingin ko naman, madadaan to sa maayos na usapan" sabi niya uli

"Depende naman po iyon sa magiging desisyon niya. Ayoko rin namang umasa na lang sa inyo" tumingin siya sa akin at umiwas naman ako sa kanya

"Ay! Wait! Nakita ko na yung twitter account ng author. OMG! Tingnan mo Aprille! Ting---ARAY! --- dali na kase, OHMYG! KatyCat pala siya" binatukan ko nga, paano ba naman ningudngod na sa mukha ko yung iPhone niya.

"Oo na! Nakita ko na! Ano masaya ka na ba?" I rolled my eyes. Tiningnan naman iyon ni Papa at napa-jaw dropped. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Ano? Bakit di mo sinabi? Diba pinsan mo yan? Siya lang pala yung author!" Tuwang-tuwa na sabi ni Papa, etong si Kei kanina pa di umiimik kaya nilapitan ko habang nagkakatuwaan yung dalawa.

"Oy! Parang wala ka ata sa mood? Ano problema? Libre mag-open saken" tiningnan niya ko at ngumiti lang ako.

"Wala na si Yahiro at Ryuu, naglaho na sila. May isang araw at kalahati na lang ang pananatili namin dito" bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko, nawala agad ang sayang nararamdaman ko. Bakit? Bakit kailangan nilang mawala? Hindi ko kaya.

"Kailan pa?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong umiyak.

"2 minuto pa lang ang nakakalipas" matipid niyang sagot at hindi ko na napigilang lumuha.

"Paano? Paano mo nalaman? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kei sagutin mo ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Tingnan mo ito" hinawakan niya ang kamay ko at binigay ang mga maliliit na manika galing sa bulsa niya. Biglang sumakit ang ulo ko kaya inalalayan niya ako. Oo, unti-unting bumabalik ang alaala ko tungkol sa SA. Ito yung mga manikang binigay ko sa kanya noong birthday niya.

"Kung makikita mo, naging kulay itim na ang mga buhok ni Ryuu at Yahiro na ang ibig sabihin ay wala na sila" hindi ko n kinaya ang nakita ko dahil bigla na lang naging kulay abo ang buhok ng manikang kamukha ni Jun.

"Kei, hindi ko kakayanin pagnawala kayo at lalong di ko kakayanin pagnawala ka" tumayo siya at niyakap ako, naramdaman kong umiiyak din siya.

"Pangako ko Hikari, hinding-hindi kita iiwan" humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya dahil ayokong mawala siya. Hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala. Ayoko.

Kumalas rin siya at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ako sa kanya at tsaka ko siya niyakap uli. Ayokong mawala ka Takashima.

"Oy! Lovey-dovey couple, remember may tao pa dito" agad ko naman siyang binitawan at pinunasan ang luha ko, ganon din naman ni Kei. Tiningnan namin sila at tumatawa lang si Papa ng patago at si Autumn naman ay tinuturo ang sarili niya.

"Anak! Kahit ano namang mangyari, boto pa rin naman ako kay Kei! Dahil kayo talaga ang destiny" tumawa naman silang dalawa. Hay! My Beloved Dad!

"Nasan nga pala si Mama?" Tanong ko sa kanya

"Eto kanina pa pinapanood ang drama niyo. Nag-ayos lang ako ng gamit na dadalin namin mamaya para sa flight namin ng Papa mo. Ay! Oo nga pala Autumn! Pwede mo bang ibigay sa amin ang address ng pinsan mo sa Japan? Kase sa tingin ko aabutin kami ng isang taon sa paghahanap sa kanya" natatawa naman si Mama sa sinabi niya

"OFCOURSE Tita! Nagmessage na ako sa kanya sa FB, Twitter, Tumblr, IG, Yahoo, Gmail, MySpace, Friendster, Wattpad, at pati na rin sa mga apps na kalaro ko siya. Sigurado naman akong mababasa niya lahat ng message ko, kung hinde eh humanda siya sa akin!" proud na proud niyang sinabi

"Sa hinaba-haba ng sinabi mo, wala pa rin yung address niya" napakamot siya sa ulo niya at lahat naman kami ay nagtawanan. Salamat dahil nakita ko uling naging masaya si Kei. Ilang araw na rin siyang problemado at malungkot.

"Oh, eto na po Tita" matamlay niyang sagot, sa tingin ko napahiya ang bata. Haha!

"Thanks Autumn! And also Aprille I want to inform you something na baka malate o tuluyan na kaming hindi makaattend ng graduation mo bukas. Sana naman maintindihan mo dahil para rin naman sa iyo at sa mga kaibigan mo ang ginagawa namin. So, sana wag kang malungkot" niyakap ako ni Mama

"Okay lang po Ma, basta mag-ingat po kayo" then she kissed my forehead

"O Kei! Ingatan mo ang anak ko ha" paalala naman ni Papa

"Opo, maasahan niyo po ako" sagot naman ni Kei

"And Autumn! Wag mong iiwan ang bestfriend mo ha? Bahala ka at wala kang uwe sa akin!" Bigla naman sumigla ang bata. Haha!

"Opo Tita!" Sagot niya

"O sige na! Aalis na kami ng Mama mo at malelate na kami sa flight"

"Bye po! Ingat po kayo Ma, Pa!"

"Bye po Tito, Tita"

"Mag-ingat po kayo Mr. and Mrs. Mendoza!" At natawa naman kaming dalawa ni Autumn.

"Masyado ka naman atang pormal Kei! Nanliligaw ka ba kay Aprille?" Tanong niya at namula naman ako. Hayzxcs!

"Hindi noh!  Matagal ko na 'tong girlfriend" he smirked at me.

"A-a-ano? Pinagsasabi mo dyan!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya.

"Sa tingin mo ba, sino ba ang sadya ko dito sa mundo niyo? At sino ba ang binalikan ko dito at pati buhay ko inilaan ko para lang makita siya muli?" Kinindatan at nginitian lang ako ng mokong na 'to. Nag-blushed naman ako sa ginawa niya.

"Ayaw mo non best? Matagal na palang kayo pero hindi mo pa alam?" Sabat ng kaibigan kong kanina pa tawa ng tawa.

"Tsk! Bakit ngayon mo lang sinabi Kei!!!!" Sigaw ko sa kanya dahil naiinis na ko.

"Boblaks ka talaga!" Aba! Parang bumabalik nanaman ang ugali nito.

"ANONG SINAB---"

Bigla akong napatigil dahil bigla akong hinalikan nitong mayabang na matagal ko na palang boyfriend. Hinawakan niya ang mukha ko at pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. Tumulo na lang bigla ang luha ko dahil nandito pa rin ang takot sa puso ko na isang araw mawala na lang siya. Bumitaw kami sa isa't -isa at pununasan niya ang mga luha ko.

"May sasabihin ka pa ba?" Natahimik na lang ako at ngumiti sa kanya

"AYIIIEEE!" Parang biglang dumami ang tao dito at sa paglingon ko nakita ko sila Mia, Cheska, Akira, Tadashi at Megumi.

Tumakbo ako sa kanila at niyakap. Masaya akong nandito oa rin sila kahit na wala na ang iba. Nag-group hug kami na katulad ng dati. Masaya at nangangakong walang iwanan kasama na ang BFF ko. SANA ISANG ARAW AY HINDI NA SILA MAWALAY PA SA PILING KO.

[A/N]

Ahmm. Naiiyak ako haha! Next chapter is 30 then the epilouge. Salamat sa mga nagbasa, bumoto at nagcomment sa story na 'to. Aldub you all!

Thanks for reading!

Mkay bye!

Special A: Our S●A Story [Completed] Tagalog SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon