Epilogue

95 2 0
                                    

Kei's POV

"Kei, paano kung hindi ka na makarating bukas?" Tiningnan ko siya ng diretso

"Kapag hindi na ako makarating pa bukas, gusto ko sanang maging matatag ka pa rin Hikari. Gusto ko sanang ipagpatuloy mo pa rin ang pag-abot mo sa mga pangarap mo kahit na wala na ako" narinig ko nanamang umiiyak siya

"Kei, hindi ko kakayanin kapag nawala kayo. Lalo na ikaw" niyakap ko siya ng mahigpit

"shhh! Wag ka nang umiyak. Basta pangako ko sayo dadating ako bukas. Mahal kita Hikari at hindi ko rin kakayanin kapag nawala ka pang muli. Kahit anong mangyayari, palagi ka pa ring nasa puso at isip ko. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng ganito" bumitaw siya sa akin

"Mahal din kita Kei" pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang iyon ay nagdikit na ang mga labi namin. Sobrang saya ko kapag kasama ko si Hikari. Hindi ko kakayanin kapag nawala pa siyang muli.

Nang nakatulog na siya, iniwan ko na siya sa kwarto niya at umuwi na kami ng mga kasama ko. Lima na lang kaming natitira, si Akira, Tadashi, Megumi, Sakura at ako. Kaunting oras na lamang ang natitira sa amin kaya pinaghahandaan na namin ang mga susunod na mangyayari.

--

Kinabukasan, tinawagan kami ng mga magulang ni Aprille. Sinabi nilang pauwi na sila dito galing Japan at matagumpay nilang nakumbinsi ang author.

Pagkatapos ng ilang sandali, napangiti ako sa sobrang saya. Halos mawalan kami ng boses sa kakasisigaw at pagpapasalamat. Salamat dahil matutupad ko na ang pangako ko ay Hikari.

Naghintay lang kami ng ilang oras at dumating rin ang mga magulang niya sa mansyon. Kasama niya sila Yahiro, Jun, Ryuu, Cheska at Mia. Halos maiyak naman kami sa tuwa at nagpasalamat kami ng husto sa mga magulang ni Hikari. Kung hindi dahil sa kanila, mawawala na lang kami dito ng parang bula.

"Salamat po!" Sabay-sabay naming sabi

"May sasabihin pa akong isang bagay" tinignan lang kami ng Mama ni Hikari ng seryoso kaya natahimik kaming lahat.

"Ano po iyon?" Tanong ni Akira

"Binigyan niya lang kayo ng isa pang pagkakataon at panandalian lamang iyon" sabi niya

Halos matahimik kaming lahat sa sinabi niya. Nawala ang ngiti sa mga mukha nila at ang iba ay hindi maipinta ang ekspresyon nila.

"Wala na po bang ibang paraan?" Pagpupumilit kong tanong sa kanila

"Bago kami umalis, sinabi niyang ang katotohanan lamang ang tunay na magpapalaya sa inyo. At wala rin siyang sapat na kakayahan para manatili kayo dito ng permanente" sabi niya

Pagkatapos ay umalis na sila. Naiwan kaming may mga tanong sa aming isipan. Nagtinginan lang kaming lahat at tumango ako. Tumayo sila at nag-ayos habang patuloy ko pa ring iniisip yung sinabi ng Mama ni Hikari.

ang katotohanan lamang ang tunay na magpapalaya sa inyo.....

ang katotohanan lamang ang tunay na magpapalaya sa inyo...

ang katotohanan lamang ang tunay na magpapalaya sa inyo.....

ang katotohanan lamang ang tunay na magpapalaya sa inyo....

Arghh! Hindi ko magets yung gustong iparating nang author!

--

Nang dumating kami sa school, may kung anong bagay ang nagniningning sa oval. Walang istudyante at wala ring mga teacher sa paligid dahil siguradong nagsisimula na ang graduation.

Special A: Our S●A Story [Completed] Tagalog SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon