Chapter 14

39 2 0
                                    

"Ano nga pa lang pangalan mo iho?" Tanong ni Mang Ben

"Ako po si Kei" sagot ko

"Halika na Kei! Pumasok na tayo sa mansyon, nag-iintay na ang mga magulang ni Aprille sa loob" sabi niya

Pumasok na kami sa loob. Malaki nga talaga ang mansyon nila pero mas malaki pa rin ang mansyon ng mga Takashima. Pumasok kami sa waiting room nila Aprille, nakita ko ang mag-asawang magkayakap at nag-aalala.

"I-ikaw ba y-yung k-klase ni A-aprille?" pag-aalala ng ina ni Aprille

"Ako nga ho, alam ko na rin po kung nasaan si Aprille" sagot ko

"Sige! ipinagkakatiwala ko ngayon sayo ang anak ko pero kung hindi siya bumalik dito ng ligtas, mananagot ka sa amin!" Galit na sinabi ng ama ni Aprille

"Hinding-hindi ko kayo bibiguin" sabi ko

-

Bumiyahe na kami ni Mang Ben papunta kung saan naroon si Aprille. Sinabi ko rin sa kanya na ako rin ang may kasalanan kung bakit pa napahamak si Aprille. Pananagutan ko ang lahat ng mangyayari, huwag lang siyang mapahamak. Ang totoo nyan, nag-aalala talaga ako sa kanya, hindi ko alam kung maayos ba ang kalagayan niya o hindi. Pero siguradong kilala ko na ang may gawa nito.

Nakarating na kami sa lugar na sinabi ko kay Mang Ben. Nakita ko si Ryuu at Tadashi sa labas kaya bumababa na ako sa kotse.

"Naku! Lagot! Ryuu nandyan si Keiii! Magtago na tayo!" -Tadashi

"Saan ka pupunta?"

"Nako Ryuu! Nakakatakot! Itago mo ako!" -Tadashi

"Tadashi, wag ka nang magtago kanina ka pa nakita ni Kei!" -Ryuu

"He-he" -Tadashi

"Nasan si Aprille?" Tanong ko

"A-ahh, nasa kwarto ni Akira. He-he" -Tadashi

"Minahal mo na rin ba siya katulad ni Hikari?" -Ryuu

Bigla ata akong natauhan. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Ryuu. Biglang pumasok sa utak ko si Hikari. Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Si Hikari na uli ang naging laman ng isip ko. Kailangan ko na siyang mahanap sa lalong madaling panahon.

"Anong nangyari dun?" -Tadashi

Pumasok na ko sa mansyon ni Akira. Dumaretso ako sa kwarto niya katulad ng sinabi ni Tadashi. Nakita kong naiyak si Akira habang nakita kong sinusubukan ni Aprille na patahanin siya.

"Sinasabi ko na nga ba" panghihimasok ko sa kanila

"Keii!!" sigaw niya

Tumakbo siya at niyakap ako. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Pero nakita kong umiiyak si Akira dahil kay Aprille, siya ang mag gawa kung bakit nawala si Hikari. Biglang nagliyab ang galit sa puso ko, hindi ko ito mapigilan. Mabuti ng tapusin ko na ito.

"Kei! Tara na umuwi na tayo please..." sabi niya

"Tigilan mo ako Aprille!" galit kong sinabi sa kanya

Bigla niya akong binitawan, tumulo ang kanyang luha. Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit. Nasaktan ko ang damdamin niya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil sa akin. Pero si Hikari pa rin ang isinisigaw ng puso't isip ko. Pinuntahan ko si Akira at niyakap ko siya.

"Tama na Aprille! Umuwi ka na. Nag-iintay na sayo sa labas si Mang Ben" sigaw ko sa kanya

"Paano mo--" pinutol ko ang pagsasalita niya

"Wag mo nang itanong Aprille! Umalis ka na!" sabi ko

Masakit rin na paalisin at saktan ang damdamin niya. Hindi ko kinaya pero naging matatag ako dahil sa galit ng puso ko.

"Pero--" pinutol ko uli ang pagsasalita niya

"Wala nang pero-pero, mag-uusap na lang tayo sa susunod pero kasama na silang lahat" sabi ko

Lumabas na siya at patuloy pa rin sa pag-iyak si Akira. Naging malupit ako kay Aprille pero may natitira pa ring pagmamahal sa puso ko. Sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko si Hikari. Sa mga mata niya nakikita ko ang matulungin at masayahing si Hikari pero magkaiba sila. Hindi sila magkapareha kaya mas mahal ko pa rin si Hikari kaysa kanya.

"Kei! Sundan mo siya. Siya ang kailangan natin para makabalik na tayo sa SA. Unti-unti nang naglalaho ang mga kasamahan natin. Naglaho na si Megumi at lilipas din ang oras, maglalaho na rin kami. Nauubos ang oras natin Kei! Kailangan natin siya!" paliwanag ni Akira

"Nangangako ako sayong magiging maayos din ang lahat. Ibabalik ko si Hikari at makakabalik din tayo. Gagawin ko ang lahat matupad lang yon!" sabi ko habang tumitigil na siya sa pag-iyak

Iniwanan ko na si Akira at sinundan si Aprille. Nakita ko siya sa may Hallway palabas ng mansyon. Tatawagin ko na sana siya nang bigla siyang nilapitan ni Ryuu. Nagtago na lang ako para hindi nila ako mapansin. Maya-maya pa niyakap ni Aprille si Ryuu. Masakit sa aking may kayakap siyang iba pero si Hikari lang ang laging nasa isip ko ngunit ngayon si Aprille na ang nasa puso ko.

Ako rin ang may gawa kung bakit niya niyakap si Ryuu. Nadala ako sa galit, hindi ko nakontrol ang sarili ko. Hinatid na din ni Ryuu si Aprille sa kotse nila. Wala akong nagawa para humungi nang tawad sa kanya pero mas mabuti na ring ganito.

*end*

Aprille's POV

Tumigil na ako sa pag-iyak. Nasa kwarto na rin ako, nakahiga. Mabait nga si Ryuu pero si Kei pa rin ang tinitibok ng puso ko. Nakakaiyak at nalulungkot ako tuwing naaalala ko yung mga nangyari. Kanina ko pa siya napatawad, hindi ko kayang magtanim ng galit sa taong mahal ko. Alam ko rin naman na nadala lang siguro siya ng galit kaya nasigawan niya ako. Hayaan na lang natin ang mga nangyari, past is past just cool it!

Maitext na nga lang si Kei.

To Kei:

Oy!

Sent!

Haha! Sana magreply, nakakainis lang nung sinigawan niya ako pero ayos lang!

*toot*

From Kei:

Sorry kung nasigawan kita kanina.

To Kei:

Ayos lang.

Sent!

*toot*

From Kei:

K.

Anu daw? K? Niloloko nanaman ba ako nito? Pangalan niya ba iyon o okay? Bahala siya! Lagi na lang akong niloloko. Makatulog na nga!

Mkay bye!

[A/N]

Hi! Wassabian lang kase ako xD nakakatawa lang kase ang pinaggagagawa ni Rolanda sa Wassabi Production. Hindi ako masyado natatawa kay Richard.

Anyway, salamat sa lahat ng nagbabasa nito. Oo nga pala kaya maikli yung Author's note dun sa isang chapter kase inaantok na ko xD. Malapit na nga pala magpasukan tsk! Nakakainis nga gusto ko pa magbakasyon. Bahala na! Geh geh, i hope you like this chapter. Keep voting!!!

#OSASkeispov

Mkay bye!!!

Special A: Our S●A Story [Completed] Tagalog SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon