Chapter 25

34 2 0
                                    

Jun's POV

Lumipas ang isang linggo, patuloy pa rin kami sa pag-asang sasama si Hikari sa amin. Hindi namin alam kung hanggang kailan pa ba kami mananatili dito. Pero alam naming bilang na ang oras at ang araw namin.

"Bakit ayaw niyo siyang puntahan?" Pambubulabog ni Mia sa katahimikan

"Ayaw niyang makipag-usap sa amin" sagot ni Kei habang nakaupo sa sofa

"Ahh, pinatatagal niyo lang to" pagsusungit ni Mia

"Bigyan lang natin siya ng panahon" sabi ni Akira habang nagse-serve ng tea

"In another words, kailangan niya ng space. Hahahaha!" Pinagtawanan ni Tadashi si Akira at binuhos naman niya kay Tadashi yung tea

"Aaaaarrrrraaaaayyyyyyy!!!!!" Sigaw ni Tadashi

"Manahimik nga kayong dalawa!" Parang kanina relax na relax lang si Kei, pero ngayon para na siyang magwawalang oso

"Yes sir" sagot nilang dalawa

Natapos rin kaming magmeryenda at may bigla na lang nagdoor bell kaya ako na ang nagbukas ng gate.

"Kamusta na kayo dyan? Naghanda ako ng party para sa birthday ni Aprille este Hikari. Bahala na kayo kung ano ang gusto niyong itawag sa kanya. Ilang araw na rin siyang nagmumukmok sa kwarto niya at hindi namin siya mapatahan. Siguro kayo na ang bahala! Magbabakasyon lang kami sa Hawaii ng asawa ko" tinapik niya ang balikat ko at may binigay na susi, tapos sumakay na sila ng kotse.

Isinara ko ang pinto habang dala-dala ang susi na binigay ng Dad ni Aprille este Hikari. Sinalubong naman nila ako.

"Sino yun?" Tanong ni Akira

"Ano yang dala mo? San mo naman gagamitin yang susi?" Tanong ni Cheska

"Oo nga, para saan ba yan?" Nagtatakang tanong ni Tadashi

"Ahh, ehhh--" naputol bigla ang pagsasalita ko

"Magbabakasyon daw sa Hawaii ang mga magulang ni Hikari at tayo ang mag-aalaga sa kanya" sagot ni Kei

"Huh?" Nagtatakang sagot ni Ryuu

"Paano mo nalaman Kei? Di ba ang sabi ng Dad niya ay may birthday party daw si Hikari?" Tanong ko sa kanya

"Hindi totoo yun, kanina nagpunta ako sa bahay nila dahil sinabihan ako ng Mama ni Aprille o Hikari na tayo ang mag-aalaga sa kanya. Ang mga maid naman ay day-off ngayon" pagpapaliwanag niya sa amin

"Ano pa bang hinihintay natin? Tara na?" Pag-aaya ni Akira

"Let's go!" Hinila ako ni Sakura hanggang makasakay sa Van

Si Ryuu ang nagda-drive samantalang nasa tabi ng driver's seat si Cheska. Kaming apat ni Akira, Tadashi at Sakura ang nasa pangalawang linya. At ang iba ay nasa likuran na. Nakarating kami sa malaking mansyon nila Hikari. Kung ikukumpara mo yung bahay niya nung nasa SA pa kami, mas triple ang laki nito.

Bumaba kami ng Van at walang katao-tao ang labas. Sobrang tahimik parang nasa haunted house lang kami.

"Ibig sabihin wala talagang kasama dito si Aprille? Baka naging multo na siya dyan sa loob" pagpapatawa ni Yahiro

"Tumigil ka nga!" Sabat ni Kei at kumatok na sa pintuan. Bigla naman bumukas ang pintuan at kinalibutan ang ilan sa amin.

"Wag kayong matakot! Nasa loob lang naman niyan si Hikari" pagmamayabang ni Yahiro

Pumasok kami sa loob at sobrang tahimik ng buong paligid. Wala kang maririnig kundi mga yapak namin. Nakarating kaming lahat ng maayos sa tapat ng kwarto ni Hikari. At agad kumatok si Kei.

"Buksan mo 'tong pinto!" Naubos ang pasensya ni Kei at sinipa niya ng malakas ang pinto kaya nasira ito. Nadatnan naming nakahiga siya sa kama. Nakahinga kami ng maluwag.

"Hikari! Pwede naman natin tong pag-usapan" tumakbo si Akira sabay yakap kay Hikari na nakataklob ng kumot. Agad naman siyang napatigil at nag-iba ang aura.

"Wala siya dito" tinanggal niya ang nakataklob na kumot sa higaan ni Hikari at unan lang pala ang nandoon.

"Nasan ka ba? Magpakita ka na!" Nauubos na talaga ang pasensya ni Kei

"Hihihihihi" bigla kaming kinilabutan

"Alam ko kung nasaan ka! Hindi kami nakikipaglaro sayo" umiinit na ang ulo ni Kei kaua hinanap niya kung saan-saan si Hikari. Ganon din ang ginawa ng iba.

Sniff-sniff

Parang may narinig akong tunog ng umiiyak. Kaya sinundqn ko kung saan nangagaling ang tunog na yon. Nakarating ako sa isang kwarto at dito nga nanggagaling ang kakaibang tunog na yon. May nakita akong parang nagtatago sa likod ng sofa kaya pinuntahan ko sya.

"Huli ka"

"Kkkkkeeeeeeiiiiiii!" Bigla niya akong sinunggaban at aksidente niya akong nahalikan sa pisngi. Napansin kong nasa pintuan si Kei at gulat na gulat sa nakita niya. Tumumba agad ako at nagdilim ang paningin.

Sakura's POV

Nag-aalala ako kay Jun baka kung anong manguari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring di maganda sa kanya. Dapat talaga sinamahan ko na siya sa paghahanap.

"Jun! Jun! Gumising ka na! Nag-aalala na ako sayo" pumatak na ang ang luha ko at laking gulat ko nang magising siya.

"A-anong nangyari?" Tinapik-tapik niya yung ulo niya

"Masakit ba ulo mo? Eto tubig" inabot ko sa kanya yung tubig at pagkatapos napatingin siya kay Kei na inaalagaan si Hikari may sakit daw kase.

"Jun!" Parang nalaglag ang puso ko noong mawalan nanaman siya ng malay. Nagsilapitan naman sila

"Jun! Jun! Gumising ka!" Sigaw nila

Bigla nanaman siyang bumangon at nagkusot ng mata.

"Anubayan? Ang init" tinanggal niya ang ilang butones ng polo niya kaya nagtaka kami.

"Ayos ka lang? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya

"Bakit sa pisngi niyo lang ako hinalikan? Para naman kayong Kinder Garden" nalaglag ang puso naming mga babae pwera lang kay Hikari may sakit kase eh. Tinamaan nanaman ata kami sa paglabas ng inner Jun niya.

"K-kei? Ano nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Hikari

"Yan ang isang sakit ni Jun, kapag nahahalikan siya ng mga babae ay nalabas ang pangalawa niyang katauhan. Nagiging mala-Kei siya minsan dahil sa charm niya. Tinatawag namin yang inner Jun" pagpapaliwanag ni Ryuu

"Hahahahaha! Inner Jun? Hahahaha" pinagtawanan niya lang kami, kung wala ka lang sakit. Nako! Tumingin ako kay Jun at patuloy pa rin siya sa paglabas ng charm niya. Hindi naman ako papayag na may ibang babaeng lumapit sa kanya kaya inalis ko silang lahat sa dadaanan ko.

"Jun" napalingon siya sa akin at finally magagawa ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap.

"Hey babe! Gusto mo bang tumabi sa akin?" Tinapik niya yung sofa at agad ko naman siyang sinunggaban pero pinigilan ako ni Ryuu at Megumi.

"Ano bang problema niyo? Pagkakataon ko na to!" Sigaw ko sa kanila.

'Sorry, nakasanayan lang'

Pagkatapos kong basahin ang sinulat ni Megumi ay umalis na sila at pinuntahan ko na uli si Jun <3

"Junn!" Sigaw ko sa kanya at agad konh sinunggab ang first kiss ko. Nawalan naman siya ng malay

"Hay!  Sana habang-buhay ka na lang yang pagiging inner Jun mo para palagi kanh HOT" nakita ko siyang bumangon uli, ang bilis naman nito magkamalay.

"A-anong nangyari?" Tuwang-tuwa ako, dahil madodoble na ang pagiging inner Jun niya.

"Juuunnn" agad naman siyang tumakbo pero syempre hinabol ko siya

"Tulong! Hindi talaga ako sanay pagdating sa ganito! RYuuuuuu!"

[A/N]

Hello! Ansaya ko :-D matatapos na rin ang fanfic ko. Isa itong achievement. Yes!

Thanks for reading!

Mkay bye!


Special A: Our S●A Story [Completed] Tagalog SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon