Chapter 1

1.5K 47 0
                                    

Chapter 1

-Yana-

Tumatagaktak ang pawis nang maisipan ko ng bumalik ng bahay. Running had been my stress reliever ever since Kristoff and Kuilla were born hanggang naging kasama na rin ito sa routine ko, at the same time it keeps me fit. Once or twice a week pumupunta ako dito sa Seafront.

May mangilan-ngilang tao lang nandito ngayon. Katulad ko ring mga nagjo-jogging. May magkasintahan na nagdi-date. May mga namamasyal kasama ang alaga nilang aso. Minsan sinasama ko ang kambal para ipasyal dito. Masarap kasi ang hangin dito. Sariwa. Hindi tulad sa Manila na maruming hangin ang malalanghap mo.

Lumipat kami dito sa Subic Bay para kahit paano'y makalimot sa pinakamapait na alala na nangyari sa buhay ko anim na taon na ang nakakaraan. Pagkatapos ko manganak sa kambal, pinilit ako ni Georgia na umuwi sa bahay ng magulang namin. Malaki ang utang na loob ko sa kapatid ko dahil siya ang umalalay sa akin sa panahong lugmok ako. Mga panahong gusto ko ng sumuko. Siya ang nagpamulat sa akin na kailangan kong magpakatatag dahil may mga anak ako. Sila ang nagsilbing lakas ko para ituloy ang laban ng buhay.

Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin pag naaalala ko ang nangyari. Tila paulit-ulit akong pinatay ng makita ko ang sunog na bangkay ng asawa ko. Ni hindi mo makilala ang itsura kung di lamang sa wedding ring na suot nito. Dahil sa stress, napaaga ang panganganak ko kaya si Georgia na lang ang nagasikaso ng lahat simula sa funeral hanggang sa cremation ng asawa ko.

Napabuntong-hininga ako. Tumigil ako saglit at tumingala. Pilit pinipigilan ang nagbabadyang mga luha. Kinalma ko muna ang sarili ko at pilit na winaksi ang masasamang alaala bago ko tinuloy ang paglalakad.

Biglang kumulimlim ang kalangitan. Tila nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Di na ako magtataka kung uulan mamaya.

Tiningnan ko ang oras. Maga-alas siyete na ng umaga. Mamaya pa magigising ang mga bata lalo na Linggo ngayon.

Sun-date naming mag-iina ngayon. Every weekend I make sure to spend time with my kids kahit na busy ako.

I manage a coffeeshop sa kabilang kanto. Pinundar naming magkapatid iyon. Pero ng mag-migrate ang kapatid ko kasama ang napangasawa niya, sa akin na niya iniwan ang pamamahala.

Nasa tapat na ako ng gate ng mapansin ko ang magarang itim na kotseng nakaparada sa harap ng katapat naming bahay. Nakapagtataka dahil sa tagal na panahon na tumira kami dito ay wala akong nakikitang nakatira doon maliban sa mga katiwala. Tanging ang matandang mag-asawa lng ang nakatira doon ayon sa yaya ng mga bata. Nagkibit-balikat na lang ako. Siguro may bago ng nakabili ng bahay.

Pumasok na ako sa loob. Sinilip ko ang mga bata sa kwarto nila. Mahimbing pa rin ang tulog. Nagshower muna ako. Dumiretso na ako sa kusina pagkatapos para maghanda ng almusal. Day-off ngayon ni Mely, ang yaya ng mga bata kaya ako ang in-charge ngayon.

Maya-maya pa'y nakarinig na ako ng malilit na mga yabag. Nakita ko si Kuilla na pilit hinaharangan si Kristoff. Naguunahan sila kung sino ang unang makakalapit sa akin.

"I win!". Sigaw ni Kuilla habang patakbong yumakap sa binti ko.

"Cheater!" Kristoff pouted his lips pero yumakap na rin sa kabilang binti ko.

Natawa na lang ako. I kissed them both. "Good morning, sweethearts, ok that's enough. Go brush your teeth then you can eat your breakfast na."

"Yes, Mommy!" Sabay na sagot ng dalawa.

"Mommy, are we going to the beach today?" Tanong ni Kristoff.

"Yes, honey." I ruffled his hair na alam kong kinaiininisan niya.

"Mommy, stop messing with my hair!". Natawa ako.

Pagkatapos mag-almusal ay ni-ready ko na ang mga dadalhin namin at nilagay sa loob ng kotse. Binihisan ko na ang mga bata. Excited pa rin sila kahit every weekend naming ginagawa ang pagpasyal sa kanila.

Beep. Beep. Nasa pinto na ako ng tumunog ang cellphone ko.

Hinanap ko sa sa loob ng bag ang cellphone ko. Nagtext ang kaibigan kong si Dianne. Isa itong nurse sa isang kilalang private hospital dito.

--Mare, dalhin mo naman ang mga inaanak ko dito sa bahay. Namimiss ko na sila. Dito na rin sila matulog. I made cookies for them.

Wala pa itong asawa't anak kaya spoiled ang mga anak ko sa kanya.
--Hmm ok sige, Mare. Text kita pag papunta na kami.

Di ko pa nabababa ang cp ko, nagreply agad ito.

--Oki. Can't wait to see the kids hehe. Ingat kayo. Tsup!

Pinasok ko na ang cp sa bag ko.

"Mommy!" Tawag sa akin ni Kuilla habang nakaangat ang mga braso. Nagpapakarga.

"Big girl ka na nagpapakarga ka pa rin. Ako big boy na di ba, Mommy?"

Natawa na lang ako. Ang bibo talaga. I kissed them both at kinarga si Kuilla then pumasok na kami sa kotse.

Hindi na kami natuloy pumunta ng beach ng magsimula ng pumatak ang ulan kaya naisipan ko na lang silang dalhin sa Mall. Pinaglaro ko na lang sila. Nang mapagod ay nagyaya na silang umuwi. Doon na rin kami kumain ng lunch. Dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng ilang pang-stock sa bahay. Buti tumila na ang ulan.

Papunta na kami ng parking lot ng mabangga ako ng nagmamadaling lalaki. Sumambulat ang mga pinamili ko. Sa inis ko hindi ko napigilang singhalan kung sino man ang bumangga sa akin.

"Hey! Watch where you're going!"

Hindi man lang ito humingi ng paumanhin. Hmp, ang yabang nito ah.
Atleast tumulong itong mamulot ng mga nalaglag.

Pero tila ako nakakita ng multo ng mapagmasdan ko ang mukha ng lalaki. Naistatwa ako. Tila pinako ako sa kinatatayuan ko.

Imposible.

Alam kong imposible pero parang gusto ko pa ring makumpirma kung siya ba talaga ito.

"Kristoff.."

Hindi ko mapigilang sambit. Kumunot ang noo nito na parang sinasabing 'who the hell you are talking about?'.

Silly me. Siyempre hindi siya iyon. Gusto ko sanang tanungin ang lalaki kung anong pangalan nito o kung may kakambal ba ito o kung naniniwala ba ito sa reincarnation pero padabog na ibinigay nito ang mga pinamili ko saka tumalikod.

Bastos. Arogante. Antipatiko. 'Yun ang tamang deskripsiyon sa kanya. Bwisit. Malayong malayo sa ugali ng asawa ko. Mabait. Gentleman. Maasikaso. At marami pang ibang magagandang katangian. Para sa akin isa siyang perpekto.

Pero hindi ko maikakaila ang pagsikdo ng dibdib ko ng mapagmasdan ko siya. Kamukhang-kamukha ni Kristoff ang lalaki. Ang mapungay na mata, matangos na ilong, makapal na kilay. Pangahang mukha na bumagay sa features ng mukha nito. Ang pagkakaiba lang ay ang buhok nito at ang eyebrow gap nito. Napansin ko din ang peklat nito sa bandang kanang noo nito pero hindi naman iyon nakabawas sa sex appeal nito.

Wait. Stop comparing him with your husband. Kastigo ng isang bahagi ng utak ko. Tama. Wala na ang asawa ko at walang pwedeng pumalit sa kanya kahit isang libong clone pa yan. Nag-iisa lang siya sa mundo. Pero bakit sa sulok ng kamalayan ko ay tila umaasam ako na makita uli ang lalaki?

Nilingon ko ang direksiyon na pinuntahan ng lalaki pero wala na ito.

Bumalik ang tamang huwisyo ko ng tawagin ako ng mga anak ko. Ang mga anak namin ni Kristoff. Sila ang buhay na alala na nagpapaalala sa akin ng matamis naming pagmamahalan. Di ko maiwasang bumalik ang pangungulila sa asawa ko. Tila isang paalala ang lalaking iyon sa akin. Tumingin ako sa langit.

Heart, kung nasaan ka man, miss na miss na kita.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon