Chapter 10

906 41 3
                                    

Chapter 10

-Marqus-

"Alam mo sumusobra ka na!" Nangangalaiting sigaw sa akin ni Giulianna. Nandito na kaming dalawa sa loob ng kotse ko. No choice na siya, di ba? (Insert evil laugh)

"Kunting-konti na lang talaga!" Sabi pa niya.

"Bibigay ka na?" Kaunting-kaunti na lang bibigay din siya sa akin.

"What?!"

"I mean, bibigay na ang pasensiya mo?" Kambyo ko.

"Alam mo pala eh!"

"Kung gusto mo bumawi ka sa akin." Peace offering ko.

"At pa'no naman, aber?"

"Kiss mo din ako. E di patas na tayo, di ba?" Nakangising sabi ko.

Alam kong mauubos na talaga ang pasensiya niya kasi lumalaki na ang butas ng ilong niya at naging tuwid na linya na ang mga labi niya. Kaya kumabig ako ng kaunti.

Kaunti lang naman. "Smack na lang pala." Nag-beautiful eyes pa ako.

"Arrgh! You're so childish!"

"Nope! I'm manish..."

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko.

"I'm not a child anymore, I'm a man."

Ok. I'm dead. Para kasing may laser gun na ang mga mata niya.

Pinasibad ko na ang sasakyan bago pa mag-walkout si Giulianna. Hindi ko na muna siya aasarin, baka kasi lumipad na sa mukha ko ang sapatos niya.

Dinala ko siya sa isang seafood restaurant na nasa gitna ng manmade lake. Siyempre nag-research muna ako bago ko siya dinala dito. Maganda ang scenery sa paligid at ang landscape kaya pwedeng-pwede sa mga romantic couple...like us. Ehem.

Inalalayan ko siya papasok like a true gentleman that I am. Pinilit niyang ipahawak sa akin ang siko niya, nahiya naman ako kaya napilitan akong hawakan siya doon. Gentleman nga, diba?

Ok, ok, fine. Ako na ang nagpumilit. Happy?

Binati kami ng ngiting-ngiti na waitress at iginiya sa isang booth. Pinaghila ko muna siya ng upuan at hinintay siyang maupo bago ko kinomportable ang sarili ko.

Binigyan kami ng tig-isang menu.

"What do you want to have?" Tanong ko kay Giulianna.

Pero hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa labas. I don't know what's interesting outside other than me.

"Do you want octopus?" Seafood resto nga, di ba?

Wala pa ring sagot. She's really angry with me.

"How about dolphin? Seahorse?"

Wala pa rin.

"How about shark?"

Still no answer. Na-da.

Tumingin ako sa naka-antabay na waitress at seryosong nagtanong. "Do you have one whole barbeque shark in a stick?"

"Po?" Na-confuse yata ang waitress.

"You know, tinusok na buong pating at inihaw? No? Alright, si nemo na nga lang."

Narinig kong bumunghalit ng tawa si Giulianna at halos mamilipit sa katatawa. Napangiti ako.

Gotcha.

"Pagpasensiyahan mo na 'tong kasama ko, miss. Na-food poison kasi siya kanina lang." Sabi pa niya sa waitress sa pagitan ng pagtawa habang hawak-hawak ang tiyan.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon