Chapter 9

843 30 0
                                    

Chapter 9

-Yana-

"Mommy, can you sing a song for us?" Lambing sa akin ni Kuilla. Nakahiga kami sa higaan niya kasama si Kristoff at napapagitnaan nila akong dalawa.

"Hmmm..." Kunwa'y nag-iisip pa ako kung susundin ko ang request niya.

"Please, mommy? Just one song." Sabi naman ni Kristoff. Lumuhod pa ito saka pinagdikit ang dalawang palad and gave me his pitiest face.

Natawa ako. "Ok, ok I will. Come here, baby."

Pinahiga ko uli si Kristoff at niyakap siya sa isang braso ko katulad ng ginawa ko kay Kuilla.

"What do want me to sing for you?"

"The Star!"

Magkasabay pa nilang sabi. Di na ako magtataka na iyon ang ni-request nila dahil iyon ang madalas kong kinakanta sa kanila.

I started to sing the song.

Come, little child

Can you see that star

Shining from afar

Come, little child

Can you see that star

Guiding us wherever we are

When you are feeling down

Just look at me

And reach out your hand

Come, little child

Just think that I am

Smiling at you and holding your hand

For I am the mother star

Sabay pa silang pumalakpak pagkatapos kong kumanta na parang nagchi-cheer sa isang performer.

"Alright, you need to sleep now. You still got school tomorrow,ok?"

Bumangon na ako at kinarga si Kristoff papunta sa higaan niya.

"Yes, mommy!"

I kissed them both at inayos ang pagkakalagay ng kumot nila.

"Wait! Kiss ko muna si Daddy!" Si Kuilla.

"Me too!"

Bumangon uli sila at hinalikan ang mukha ni Kristoff sa picture na nasa side table.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at pilit sinupil ang luha ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maiwasang ma-guilty dahil lumalaki silang di nararamdaman ang pagmamahal ng isang ama. Naaawa ako sa mga anak ko dahil alam kong sabik din silang magkaroon ng isang ama katulad ng mga kaibigan nila na may kompletong pamilya.

Nagkakasya na lang sila sa paghalik sa picture ni Kristoffer.

"Goodnight, daddy!"

"Goodnight, mommy!"

Hindi ko namalayang nakahiga na uli sila.

"Goodnight, sweethearts." My voice almost cracked kaya palihim akong tumikhim.

"Mommy?" Narinig kong tawag sa akin ni Kristoff. "Is daddy watching us from heaven?"

Lumunok muna ako bago sumagot. "Yes, baby."

"So, he can see us kissing his picture, right?"

Kinagat ko uli ang ibabang labi ko saka marahang tumango.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon