Chapter 7

929 41 0
                                    

Chapter 7

-Yana-

Parang gusto kong sampalin ng isandaang beses ang sarili ko. Nakakabwisit talaga ang lalaking 'yon!

Dahil ba hinalikan ka niya o dahil nagustuhan mo ang halik niya?

Hayy!! Basta nakakabwisit siya!

Tiningnan ko ang hawak kong vase na may chrysantemum. Nagdadalawang isip ako kung itatapon ko o hindi pero nanghihinayang ako sa bulaklak kaya tinabi ko na lang. Infairness, naisipan niyang huwag tanggalin ang ugat.

Mahilig talaga ako sa halaman. Tuwing umaga, kung hindi ako magja-jogging, gardening ang inaatupag ko. Bukas ko na lang ito itatanim. Lalagyan ko na lang muna ng kaunting tubig para hindi malanta.

Teka bakit kanina ko pa 'to pinag-tutuunan ng pansin?

For god's sake, Giulianna, bulaklak lang 'yan.

Napailing na lang ako sa sarili ko. Daig ko pa ang teen-ager na first time makatanggap ng bulaklak mula sa crush niya.

So, inaamin mong crush mo siya?

Ahh..shattap!

Lumabas muna ako ng kwarto bitbit ang vase para lagyan ito ng tubig. Nadatnan ko sa sala si yaya Mely na nanunuod ng tv. Napakahilig talaga nito sa soap opera. Tulog na ang mga bata kaya wala na itong ginagawa. Binati ko siya at dumiretso sa kusina. Nilagyan ko ng kaunting tubig ang vase mula sa gripo.

Muntik ko pang mabitawan ang vase ng lumitaw sa harap ko si Mely. May hawak itong tubig sa baso.

"Ano ka ba naman, Mely. Aatakihin ako sa'yo sa puso ng maaga. Ba't bigla ka na lang lumilitaw d'yan?" Sita ko sa kanya.

Natawa ito sa akin sabay turo sa bulaklak ko. "Ang ganda naman niyan ate Yana. Parang yung bulaklak dun kila Nanang Dora."

"Ah ito ba? May nagbigay sa akin kanina para itanim ko daw. Nanghinayang naman ako kung itatapon lang, di ba?" Hindi ko na sinabing galing kay Marqus. Kumuha ako ng tubig at uminom.

"Sabagay tama ka diyan, 'te. Pero narinig kong nagbubunganga si Nang Dora dahil may nagbunot daw ng krisantemam niya. Di ba ganyan yun?"

Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko sa sinabi ni Mely. Ibig sabihin basta na lang kinuha ni Marqus itong bulaklak sa tanim ni Nanang Dora. Napailing na lang ako sa kalokohan ng lalaking yun.

"Oo, ganito nga 'yon. Siguro may baliw na nang-trip sa bulaklak niya." Sabi ko na lang sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kay Mely at dumaan muna sa kwarto ng mga bata. Inayos ko ang pagkakakumot sa kanila at hinalikan ang mga ito sa noo.

Napadako ang paningin ko sa picture ni Kristoff na nasa side table nila na napapagitnaan ng dalawang higaan. Actually, picture namin iyong dalawa. Nakaupo siya at ako naman ay nasa likod at nakayakap sa leeg niya. Pareho kaming nakangiti. Pinalaki ko ang size para mas mukhang buhay ang ala-ala ni Kristoff.

Nilagay ko iyon doon noong nagsimulang ma-curious ang mga bata kung nasaan ang daddy nila. Noong una'y mahirap ipaliwanag sa kanila na wala na ang daddy nila pero kalauna'y natanggap na rin nila. May mga pagkakataong hindi maiwasan na magtanong pa rin sila o kaya'y magpa-kwento tungkol sa daddy nila. Tuwing gabi'y kasama sa routine nila ang pag-kiss sa picture ng daddy nila kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil wala akong maiharap na father figure sa kanila.

Tinapunan ko muna ng huling tingin ang picture bago tuluyang lumabas ng kwarto ng kambal.

Bumalik na ako ng kwarto. Naisipan kong pumunta ng veranda para pahamugan ang bulaklak. Ipinatong ko iyon sa table at naupo saka nanalungko.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon