Chapter 12

1.9K 104 46
                                    

Chapter 12

-Marqus-

Nagising ako sa tunog ng alarm sa cellphone ko. Sinadya ko talagang mag-alarm ng alas-kwatro dahil sasabayan ko si Giulianna na mag-jogging. Sinabi niya kasi kahapon na magjo-jogging siya ngayon at wala siyang ideya na sasamahan ko siya. Bumangon na ako at umunat-unat. Tinungo ko ang banyo para gawin ang morning routine ko at pagkatapos ay pumunta ako sa veranda para abangan ang paglabas niya.

Masyado yata akong inspired ngayon. Paanong hindi e alam ko ng gusto rin ako ni Giulianna just based on how she responded in my kiss last night. I smiled at the thought. Naaamoy ko ng malapit ko ng makamit ang matamis niyang 'oo'. Pero ayoko pa ring magpaka-kampante.

Masyado yata akong maaga dahil mag-iisang oras na pero hindi pa rin siya lumalabas. Tumayo na ako ng makita kong bumukas ang ilaw sa sala niya. Mayamaya'y nakita ko nang bumukas ang pinto niya kaya wala na akong inaksayang oras at kinuha ang susi ng kotse niya saka bumaba. Daig ko pa ang inlove na teen-ager sa inaasal ko pero hindi na 'yon mahalaga.

Pagbukas ko ng gate ay sakto namang kakalabas lang din niya ng gate nila. Halatang nagulat siya ng makita ako. Kitang-kita ko ang magandang kurba ng katawan niya sa kanyang jogging outfit. Hindi halatang dalawa ang anak niya dahil flat na flat ang tiyan niya.

"Hey." Nakangiting bati ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Hi! Ang aga mo yata?"

Nagsimula na siya sa mabagal na pag-jog kaya sinabayan ko na siya.

"Gusto lang kitang sabayan para may kasama ka."

"Sanay na sanay na akong walang kasama noh."

"Hangga't nandito ako sasamahan kita." Nagpatiuna ako habang nagjo-jog ng patalikod para nakaharap ako sa kanya. Wala pa namang mga sasakyan na dumadaan dahil maaga pa.

Natawa siya sa ginawa ko. "Hanggang kelan lang ba ang bakasyon mo dito?"

"Just one month. But it depends. I might spend my lifetime here if you allow me." Sabi ko sabay kindat.

"Ganun?" Nakataas ang kilay na tanong niya pero may amusement sa mga mata niya.

"Yup!"

"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?"

Natawa ako. Medyo napagod na akong tumakbo patalikod kaya sumabay na uli ako sa kanya.

Pagdating namin sa seafront ay naglakad na lang kami. Wala pang gaanong tao dahil masyado pang maaga pero may mangilan-ngilang nagjo-jogging din katulad namin.

Nakita kong pasikat na ang araw kaya hinawakan ko siya sa braso.

Nagtatakang napatingin siya sa akin. "Bakit?"

Hindi ako nagsalita, sa halip ay iginiya ko siya sa railings para makita rin niya ang magandang view.

"Ang weird mo kamo." Natatawang sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Bakit gustong-gusto mo ang sunset and sunrise?" Tanong niya.

Kumibit-balikat ako. "I don't know really. I just find it beautiful, fascinating. And I want to share its wonder to you. I'll tell you someday once I find it's real meaning to me."

I know I sounded corny and I was expecting her to laugh at me, pero ngumiti lang siya. Hindi ko maiwasang titigan ang nakangiting mukha niya. Napakaganda talaga niya kahit basa siya ng pawis. May ilang hibla ng buhok na nakawala sa pagkakatali niya at hindi ko na napigilan ang sariling hawiin iyon at ipitin sa likod ng tainga niya kaya napatingin siya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon