Chapter 11

1K 44 10
                                    

Chapter 11

-Yana-

Pagkatapos makausap ang kapatid ko sa telepono ay nagkulong lang ako sa office ko. Wala akong nagawang productive dahil nakatunganga lang ako the remaining hours.

Paano ako makakapag-trabaho kung okupado ni Marqus ang utak ko? His smiling eyes, his full lips, his scent, his gentlemanly gestures, his corny and cheesy lines. Tila nakatatak na iyon sa sistema ko at sa tingin ko'y hindi na mapapagkit pa.

Aaminin ko, kinilig ako ng yayain niya akong kumain sa restaurant. Kunwari lang ang pinakita kong galit sa kanya pero in reality, lumulukso ang puso ko habang kasama ko siya. Ayoko sanang magpahawak ng siko sa kanya para alalayan ako dahil alam ko ang epekto ng hawak niya sa katawan ko pero sadyang mapilit siya. At hindi nga ako nagkamali. Daig ko pa ang nakuryente ng high voltage wire.

Nakaramdam ako ng panghihinayang ng maudlot ang kiss namin kanina at hindi ko sigurado kung anong magiging reaksiyon ko pag nangyari 'yon. Ang pagnakaw nga niya ng halik sa akin ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin at hindi pa ako handa nun ha. Pa'no pa kaya kung prepared ako?

Oh god, how can I get him out of my mind?

Pagpatak ng alas-singko ay lumabas na ako ng opisina at nagpaalam na kay Mabel. Nagtaka ako kung bakit ngiting-ngiti ito sa akin at humahagikgik pa.

"Anong nangyari sa'yo?" Amuse kong tanong sa kanya.

Hindi ito sumagot. Sa halip ay may inginuso sa labas. Sinundan ko ang tingin niya at muntik ko pang mabitawan ang dalang bag ng makita sa labas si Marqus. Nakasandal ito sa gilid ng kotse niya at nakahalukipkip.

"Anong ginagawa niya dito?" Takang tanong ko.

"Malamang, ma'am, hinihintay ka. Thirty minutes na siya d'yan eh." Natatawang sagot ni Mabel na parang kinikilig pa.

Hindi ko na nagawang magpaalam uli kay Mabel at lumabas na. Pagkalabas ko ng pinto ay tumingin sa direksiyon ko si Marqus at ngumiti sa akin ng malapad na parang ang saya-saya niya ng makita ako.

Tila nag-rigodon na naman ang puso ko ng makita ang gwapo niyang mukha.  Pasimple kong pinasadahan ang katawan niya at nai-imagine ko na ang abs niya sa suot na damit. Naka-t-shirt lang ito na medyo hapit sa katawan at dark jeans. May suot pa itong aviator.

How can he damn so sexy in just a simple outfit?

Naglakad siya palapit sa akin.

Tinanggal niya ang suot na shades nang nasa harap ko na siya at hindi ko mapigilang tumingin sa tila nanghihipnotismong brown eyes niya.

"Hi." Nakangiting bati niya.

"H-Hi." Bahagya pa akong nautal. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka." Relax na relax nitong sagot.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "May sasakyan ako noh, besides malapit lang ang bahay ko." Tanggi ko. But deep inside sumasang-ayon ang malanding konsensiya ko.

"That's not a problem. I'll drive you home using your car." Ngumiti na naman siya kaya naramdaman ko na naman ang pag-sirko ng puso ko.

What is happening to me?

"Pa'no yung car mo?"

"E di babalikan ko. So, ano, tara na?" Inilahad nito ang palad.

"Uhm, bahala ka." Hindi na ako tumanggi dahil alam kong hindi din ito titigil hangga't hindi ako pumapayag.

Nagtaka ako ng hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. Napatingin ako sa nakalahad niyang palad. Tinitigan ko muna iyon bago alanganing ipinatong ang kamay doon. Ang laki ng ngiti niya ng gawin ko iyon bago ako inakay papunta sa kotse ko. Hiningi niya ang susi sa akin at ipinagbukas ng pinto. Hinintay muna niya akong makaupo sa passenger seat bago umibis at naupo sa harap ng manibela.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon