Chapter 5

1K 47 3
                                    

Chapter 5

-Yana-

Di ko alam kung matatawa ako o maaasar sa lalaking yun. Napaka-presko. Ang laki ng bilib sa sarili. Pero sabagay may ipagmamalaki naman siya. Gwapo ito at kayang magdala ng damit. Kahit siguro magsuot ito ng sako, eh gwapo pa rin ito.

'So inaamin mong naga-gwapuhan ka sa kanya?' Tanong ng isip ko.

'Kamukha siya ng asawa ko, kaya gwapo rin siya sa paningin ko.' Depensa ng isang bahagi naman nito.

Nung pinagmamasdan ko siya, wala talaga akong makitang pagkaka-iba nila kahit ang boses nito. Mas malaki lang ng kaunti ang katawan nito kaysa kay Kristoff. Kung pumikit ako at magsalita ito, iisipin kong si Kristoff ang kaharap ko.

Pero wala akong recognition na mababasa sa mukha nito. Nang tumitig siya sa akin, hinihintay kong sabihin niyang, "hi, heart, ako 'to si Kristoff." Pero natapos na ang pag-uusap namin ay wala man lang itong sinabing ganun.

Tinanong niya kung saan ako nagta-trabaho at sinabi kong ako ang may-ari ng shop. Maya-maya'y tumayo na ito at sinabing may 'mission' ito na kailangang simulan. Siguro isa itong doctor at meron silang medical mission dito.

Nang magdaop ang mga palad namin, may naramdaman akong tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Hindi kaya reaksiyon lang iyon ng katawan ko dahil alam nitong kamukha ng lalaki ang asawa ko?

Kahit napaka-presko nito ay hindi ko siya magawang paalisin sa harap ko. Parang may kung anong humihila sa akin papunta sa kanya.

Oh god, wag naman sanang mangyari ang iniisip ko.

Ayokong magkaroon ng anumang feelings sa kanya dahil baka nadadala lang ako sa pagkakapareho nila ni Kristoff. Paano ko ba mapipigilan ang sariling huwag mahulog sa kanya?

Malayo ang ugali nilang dalawa ni Kristoff.

Si Kristoff, gentleman, mabait, malambing, selfless at ayaw nitong nakakasakit ng damdamin ng iba.

Si Marqus, brusko, presko, antipatiko, arogante, etc.

Pero bakit pareho ang reaksiyon ko sa kanila nung una ko silang makilala?

Nabuhay nga kaya ang asawa ko sa katauhan niya? O eto ang paraan ni Kristoff para iparating sa akin na pwede na uli akong magmahal ng iba?

Pinilig ko ang ulo ko. Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip.

Tumingin ako sa orasan. 3:35pm na. Tinabi ko muna ang ginagawa ko at isinubsob ang mukha ko sa mga palad ko. Pilit kina-klaro ang isip ko.

Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto ng office ko.

"Yana? Mare, andiyan ka ba?" Narinig kong tawag ni Dianne sa akin. Tumayo ako at tinungo ang pinto.

"Sabi ni Mabel, kanina ka pa daw diyan sa loob. Hindi ka pa raw nagla-lunch?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Dianne pagbukas ko ng pinto. Nakapang-nurse uniform na ito sa kanyang pambaba.

Oo nga pala, di pa ako nananghalian. Bwisit kasing lalaki iyon, hindi tinatantanan ang isip ko.

"Masyado akong na-absorb sa ginagawa ko eh. Papasok ka na ba?" Tanong ko.

"Yup. 5pm ang duty ko eh. Dadaan sana ako dito para tumambay at makpagkwentuhan sa'yo ng matagal-tagal kaso nakatulog uli ako." Sabi niya.

Niyaya ko siyang maupo sa dining area. Nagpakuha ako ng juice at bread para sa aming dalawa.

Uminom muna ako ng juice. "Hmp, sayang naman. Kelan ba ang day-off mo uli?"

"Next week uli. Puntahan na lang kita sa bahay mo." Kinuha nito ang cellphone sa bag ng may nagtext.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon