P.O.P 31

470 19 4
                                    

#PresentC31

Kate's POV

"Kate pakiserve naman to doon oh salamat"

"Sige po Nay"

"Magandang Buhay eto na po ang order niyo"

"Kate"

"Bakit?"

"Halika dito" sabi ni Kim wala pa namang bagong customer at kumakain naman lahat ng nandito kaya lumapit muna ako sa kanila ni Sheena na nasa isang sulok

"Sama ka sa amin bukas makalawa ha?"

"Saan?"

"Manonood ng basketball sa plaza"

"Hay nako Kim pati ba naman si Kate dinadamay mo sa pagkaharot mo pasensya ka na Kate" sabi ni Sheena at nakatanggap siya ng sapok kay Kim bakla talaga

"Para naman makapamasyal ka alam mo na tsaka para masanay ka na din dito sa lugar natin hindi lang naman basketball ang lakad natin bukas makalawa siyempre itutour ka muna namin ni Sheena dito sa barangay"

May punto naman sila hindi ko pa nga masyadong kabisado ang lugar na to tanging ang bahay lang nila Nay at Karinderya ang alam ko mas mabuti din siguro na maging pamilyar ako sa lugar na to.

"Okay lang kung ayaw mo Kate" sabi ni Sheena

"Ah hindi okay lang sa akin sige sasama ako"

Napangiti naman silang dalawa mabuti na lang at nagkaroon ako agad ng kaibigan na katulad nila

"Mabuti iyan! Ipagpapaalam ka namin kay Kapitan akong bahala" sabi ni Kim

Ipinagpaalam nga nila ako kay Nay

"Alam mo naman Tita gusto rin maexplore ni Kate ang lugar na to kaya naisip namin ni Sheena na ipasyal siya bukas makalawa pagkasara ng karinderya lalarga na kami"

Napatingin sa akin si Nay kaya ngumiti ako

"Sige na nga basta huwag niyong papabayaan iyang si Kate alam niyo naman"

"Kami na pong bahala ni Kim sa kanya Tita huwag po kayong mag-alala" sabi ni Sheena

"Salamat Nay" ngumiti naman si Nay pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagtrabaho

Habang naglilinis sa karinderya hindi maiwasan ng dalawang to na tanungin ako siguro dahil sa kalagayan ko

"Wala ka pa rin bang matandaan Girl?"

"Wala pa eh"

Bakit ganoon? Kagising ko noong isang araw wala na kong matandaan kahit ano ni pangalan ko nga hindi ko rin alam pati kung anong nangyari basta ang sabi ni Nay natagpuan daw nila kong palutang-lutang sa dagat

Pinipilit kong alalahanin lahat pero wala ang hirap sumasakit lang yung ulo ko

"Sorry Kate"

"Hindi okay lang"

"Huwag ka mawalan ng pag-asa Kate darating din naman yung araw na maaalala mo lahat siguro sa ngayon ienjoy mo muna kung asan ka at kung anong meron ka" sabi ni Sheena

Tama siya siguro may nakaplano naman sa buhay ko sa ngayon haharapin ko na muna ang kasalukuyan

"Ohmygosh!"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon