P.O.P 16

2.4K 50 20
                                    

#POPChapter16

Kagising ko nakaramdam ako ng hapdi sa mga mata ko kaya nahirapan akong imulat ito siguro dahil kakaiyak kagabi nagtungo ako sa banyo para maghilamos.

Napatingin ako sa salamin medyo namamaga pa rin yung mata ko paano na lang pag nakita to nila Mommy at Daddy.

May bigla namang kumatok kaya agad akong lumabas para buksan ito sana hindi si Mommy o kaya si Daddy to.


"Kambal" si Kuya lang pala

Naningkit yung mata niya..

"Okay ka na?"

"Siguro"

"Nga pala umalis ng maaga sina Mommy at Daddy pasalamat ka hindi nila nakita yang maga mong mata"

Napabuntong hininga naman ako buti na lang talaga.

"Edi salamat"

"Tara kain na"

"Susunod na lang ako Kuya magsusuklay lang ako"

"Sige sabi mo iyan ah"

Tumango na lang ako..

Inayos ko yung sarili ko at kinuha yung phone ko naalala ko na naman siya matapos makita yung wallpaper ko kaya agad ko tong pinalitan. Hay! Hindi ko akalain na nakapagtapat na pala ako kay Franz kagabi.

Napapikit ako. Nathalee itigil mo na ang pagtawag sa kanyang Franz.. Joseph na lang tutal naman iba na ngayon kaysa noon.. Unang araw ng pagmomoveon mahirap pero kailangan.


Si Kuya at Angela lang ang may alam sa nangyari mabuti na yung ganoon kaysa malaman pa ng iba tsaka kasalanan ko rin naman umasa at nagmahal ako.


Bago pumasok ng room napapikit ako sana kayanin ko na hindi siya pansinin sana kayanin kong hindi siya tignan at sana kayanin ko lahat.

Kaya mo yan Nathalee.. Kaya mo yan dumilat ako at huminga ng malalim tsaka pumasok..

Nakatingin silang lahat sa akin siyempre dahilan ng eskandalong nangyari sa akin noong JS malamang sariwa pa sa utak nila yung nangyari.

Bigla naman nagkasalubong yung tingin namin biglang bumilis yung tibok ng puso ko Nathalee tama na! Gustuhin ko mang makipagtitigan sa kanya pero alam kong hindi na dapat ako rin naman ang masasaktan sa huli. Umupo na ko sa tabi niya ramdam ko pa rin ang malalagkit na tingin nila sa akin napakagat na lang ako sa labi kaya ko to.. Kaya ko to..

"Hoy! Kung makatingin kayo kay Nathalee wagas ah! Mind your own business nga wala naman kayong mapapala sa kakatitig niyo sa kanya" narinig kong sabi ni Angela napatingin ako sa kanya isang ngiti ang ginanti ko

Mayamaya ay nagsimula na yung klase pinilit kong makinig kahit na lumilipad yung isip ko at minsan sa sobrang tigas ng ulo ko napapatingin ako sa kanya pero agad din namang iiwas.

Pagsapit ng Lunch agad naman akong nilapitan ni Angela.

"Kamusta ang First day?"

Napakunot noo ako "First Day?"

"First day sa pagmomoveon slash! First day sa pagiwas sa kanya"

Yun pala ang ibig sabihin ni Bes mga kalokohan niya talaga.

"Ikaw talaga Bes eto mahirap pero kinakaya ko naman"

"Bes tumitingin din siya sayo eh"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon