P.O.P 4

1.4K 39 4
                                    

#POPChapter4

"Himala! Teka nilalagnat ka ba? Ang aga mo ata nagising ngayon?" Sabi ni Kuya karating ko ng kusina







"Nasanay ka talaga sa Kambal mo na tulog mantika" sabi ni Mommy





"Hindi ko nga alam bigla na lang ako nagising tapos di na ko makatulog" sabi ko






"Ayos iyan magandang routine iyan Kambal pagpatuloy mo lang ah?"






"Kumain na kayo at baka malate kayo yung Daddy niyo maaga umalis may seminar daw sila"











Hindi ko alam kung anong sumapi sa katawan ko at nagising ako ng maaga siguro dahil kay Franz? Kasi magkakasama na kami sa iisang school at classmate pa kami? Hay! Basta Goodvibes dapat ngayon! First day ni Franz sa school gagawin ko ang lahat maging masaya at maayos lang ang First day niya.























Pagkatapos kumain ay umalis na kami ni Kuya siyempre bilang dakilang boyfriend ng aking bestfriend sinundo muna namin siya nagulat nga siya noong makita ako.







"Bes! Yes naman! Kasabay ka na namin" sabi ni Angela




"Himala nga eh! Ang agang nagising" sabi ni Kuya







Bigla naman akong tinignan ng makahulugan ni Angela na alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.

















Nakarating kami agad ng school medyo maaga pa nga siguro naninibago din ako.








"Una na ko sa inyo pupuntahan ko pa si Insan" pagpapaalam ni Kuya sa amin





"Bye Nathan! Pakabait ka ha"

"Bye Kuya"







Kaalis ni Kuya biglang kumapit sa akin si Angela.








"Hulaan ko si Franz ang dahilan kung bakit nagising ka ng maaga noh?" tanong niya na parang kinikilig











"Siguro" nakangiti kong sabi









"Bes ha! Grabe na iyan pero huwag mo masyado ibigay lahat ah? Sige ka sa huli baka ikaw rin ang masaktan"








Napangiti ako sa sinabi ni Angela may point naman siya.






"Oo na Bes Crush ko lang si Franz okay?"






"Joseph nga diba?"





"Pati ba naman ikaw Bes? Halos lahat Joseph na ang tawag sa kanya para maiba Franz na lang ang tawag ko sa kanya" sabi ko








Bigla akong sinapak ng bestfriend ko "Kaloka! May alam ka pang ganyan ha? Sa bagay may point ka para special ang dating" sabi niya at nagapir kami






















"Bes si Franz!"





"Huh?"







Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon