P.O.P 13

1.8K 48 12
                                    

#POPChapter13

Lumipas ang mga araw lalo kaming naging close ni Franz simula noong lagnatin ako nagbago na lahat madalas na kaming magkulitan at magasaran panay nga ang busit sa akin ni Bes. Habang si Kuya panay ang tingin sa amin nagalit nga siya noong nalaman niyang nilagnat ako dahil kay Franz mukhang hindi boto si Kuya kay Franz para sa akin. Ineenjoy ko na lang ang pagiging magkaibigan namin ni Franz malay mo dumating yung araw na magustuhan rin niya ko handa naman akong maghintay.

"Okay class you'll be having a role play that will be consider as your project I had divided you into two groups first group will be Joseph͵Nathalee͵Miyuki blah.. blah... blah.." pagaannounce ni Ms.Macahilig

Magkagroup na naman kami ni Franz? Naks naman! Napatingin ako sa kanya seryoso siyang nakikinig tapos bigla siyang napatingin sa akin.

"Magkagroup na naman pala tayo" sabi ko

"Yeah nakakasawa ka na nga" pabirong sabi niya

"Mas nakakasawa ka kaya" ganti ko at inirapan siya

"Class you're going to present the play on last week of February before the JS Prom and your Final exam so goodluck to all of you͵ you may now go to your group"

Grabe ambilis ng panahon december na agad and speaking of december malapit na ang Christmas pag malapit na ang Christmas malapit na rin ang Birthday ni Franz pinanganak kasi si Franz noong Christmas kaya pag Pasko double celebration sila.

Lumapit naman kami ni Franz sa mga kagroup namin.

"Cinderella yung play natin sino sa tingin niyo ang bagay sa role na yun?" Tanong ni Stacey na siyang leader namin

Nagtinginan naman kaming magkakagrupo hanggang sa mapatingin silang lahat sa akin.

"Oh anong tinitingin-tingin niyo diyan?!"

"Ikaw na lang Nathalee! Bagay mo yung Cinderella promise we'll work for it" sabi ni Stacey

Wala akong experience pagdating sa mga roleplay na iyan kasi kapag may roleplay halos extra lang role ko tapos ngayon ako yung magiging bida? No!

"Ayaw ko" sagot ko

"Nathalee tanggapin mo na yung role tama si Stacey bagay mo yung Cinderella" biglang sabi ni Franz

"Ayan pinakiusapan ka na ng bestfriend mo" sabi ng isa pa naming classmate

Bestfriend si Franz? Siguro kasi lagi kaming magkasama kaya siguro akala nila magbestfriend kami pero parang ganoon na nga.

Tinignan ko siya.

Nakangiti lang siya..

Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Franz..

"Okay fine! Basta wag kayong magreklamo pag di ko magawa yung pinapagawa niyo sa akin kasi wala naman talaga akong experience sa mga ganitong bagay"

"No problem Nathalee kami bahala sa iyo oh next sino ang pwede maging Prince?"

Sana si Franz na lang.. Tinignan ko siya bigla naman siyang umiling parang alam na niya yung nais kong sabihin.

"Si RJ na lang kaya tutal magaling naman to sa drama"

Napatingin kami kay RJ okay naman siya may looks naman and mabait naman siya yun nga lang di kami ganoon kaclose.

"Okay lang sa akin ewan ko lang kay Nathalee" sabi ni RJ

"Okay lang sa akin" sagot ko eh sa no choice gustuhin ko man si Franz ang prince ko mukhang ayaw naman niya alam niyo naman may pagkamahiyain si Franz at iba ang hilig noon.

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon