P.O.P 34

518 26 6
                                    

#PresentC34

A/N: Sa mga nagrerequest ng Franz POV Chill lang kayo enjoy niyo muna si Kate at ang kaniyang mundo I do have a better plans :)




Nagising ako na wala na si Jao sa kama niya ang aga na nagigising ng lalakeng to ah teka! Ang bango naman bigla tuloy kumalam yung tiyan ko ang bango talaga ng luto ni Nay makabangon na nga para makatulong

Saktong pagbukas ko ng pinto si Jao agad ang bumungad sa akin

"Goodmorning Kate" nakangiting sabi niya

Iba na talaga ang ihip ng hangin kitam! Binabati na ko ni Jao ngayon what a change

"Goodmorning" nakangiting sabi ko

"Halika dito" bigla niya kong hinila papunta sa kusina ano bang trip ng lalakeng to

Bakit wala si Nay? Akala ko nagluluto siya

"Tikman mo nga yung niluluto ko"

"Ikaw yung nagluluto?" gulat na tanong ko

"Para naman wala kang bilib sa akin tinuruan din ako ni Tita magluto noh naglalaba kasi siya eh sa nagising ako ng maaga naisipan kong magluto"

"Naks! Iba ka talaga Jao" sabi ko at kinurot yung pisnge niya

"Aray ha!" bigla niyang ginulo yung buhok ko

"Jao naman"

Tawa siya nang tawa

"Pwede ka na palang umextra sa mga horror movies" pangaasar niya eh sa anggulo ng buhok ko ngayon

"Huwag ka ngang magulo diyan mabuti pa gisingin mo na si Lance" inaayos ko kasi yung niluto niya masarap naman

"Yes boss!"

"Oh Kate gising ka na pala akala ko si Jao ang nagluluto?" sabi ni Nay na kakapasok lang ng bahay

"Si Jao nga po inaayos ko lang marunong din palang magluto si Jao Nay hindi man sinasabi"

"Masyado kasing tahimik iyang si Jao nako ang bango niyan ah ginising na ba si Lance?"

"Pinagising ko na po kay Jao"

"Anak bakit ang gulo ng buhok mo?"

"Nako Nay si Jao po pinagtripan ako" inayos ka na muna ang buhok ko nakakahiya din naman kasi

"Goodmorning!" bati ni Lance

"Ako na!" kukuha na sana ako ng mga plato pero inunahan ako ni Jao nakakapanibago talaga ang lalakeng to

"Kuya Jao ikaw ba iyan? Bakit parang ang sipag mo ngayon tapos hindi ka na masungit?"

Nagkatinginan naman kami ni Jao tapos bigla siyang tumawa

"Bakit Lance hindi ba pwedeng maging masipag muna ako kahit ngayon lang? Bagay nga nagbabago tao pa kaya" nakangiting sabi ni Jao kahit papaano ay napangiti rin ako

"Baka naman inspired ang pamangkin ko" sabi ni Nay

"Tita talaga kumain na nga po tayo"

Bago magsimulang kumain ay napatingin kami sa isa'tisa una siyang ngumiti kaya naman ngumiti na rin ako

Ang gaan sa pakiramdam ng ganito mukhang nakuha ko na rin ang loob ni Jao

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon