P.O.P 39

443 17 8
                                    

#PresentC39

Kagising ko nagbakasali ako na baka nandito si Jao sa kwarto pero wala saan kaya siya natulog kagabi

"Gising ka na pala Kate nako sabayan mo na si Jao sa pagkain" bati ni Nay kalabas ko ng kwarto

Napatingin ako kay Jao na kumakain agad siyang napatingin sa akin iyong tingin niya dati na parang walang pakeelam bakit ganoon? Ano bang ginawa ko

Bago pa man ako makalapit ay tumayo na siya

"Tita may lakad nga pala kami nila Vlad ngayon tapos na kong kumain maliligo na ko"

"Ganoon ba? Osigesige"

Iniiwasan niya ko

Pinilit kong kumain kahit na medyo nawalan ako ng gana panay naman ang kwento sa akin ni Nay at kinamusta niya ko kung nagenjoy ba ko sa pyesta at sa sayawan kagabi.

Naging sariwa na naman sa aking isipan ang mga nangyari kagabi mula sa pagsayaw namin ni Jao hanggang sa bigla-bigla na lang niya kong iwan.

"Anak si Lance nasa kaklase niya may project daw sila pupunta na ko sa barangay magpahinga ka na muna dito bukas pa naman bubuksan ni Dina iyong karinderya"

"Sige po Nay magiingat po kayo"

Habang naghuhugas ng plato narinig kong bumukas iyong pinto hindi nako lumingon pa dahil alam ko naman na si Jao lang iyon.

Hanggang sa maramdaman ko na umalis na nga siya ni hindi man lang ako pinansin o nagpaalam

Nilibang ko na lang ang sarili ko para hindi maisip si Jao naglinis ako sa loob at labas ng bahay hanggang sa dumating sina Kim at Sheena.

"Ikaw lang pala magisa dito Girl" sabi ni Kim

Pinaghanda ko naman sila ng maiinom

"Ano kamusta nakatulog ka naman ba ng mahimbing kagabi?" tanong ni Sheena

"Edi siyempre oo nakasayaw na niya si Stephen tapos pati si Jao nako Kate ang sweet niyo ni Jao kagabi"

Napangiti ako dahil naalala ko iyong time na nasa dancefloor kami pero nawala din ito agad

"Uminom muna kayo" sabi ko at tumabi na sa kanila

"Ano Kate kwento ka naman ano nangyari may sinabi ba sa iyo si Jao?" tanong ni Sheena

"Don't tell me kayo na?"

Sasabihin ko ba sa kanila iyong nangyari o hindi?

"Wala natulog na kami kauwi sinabi? Wala noh ano naman sasabihin ni Jao"

Nagpalitan sila ng tingin

"Parang ang tamlay mo diba dapat masaya ka may problema ba?"

Umiling ako at umiwas ng tingin

"Kate kaibigan mo kami okay lang kung gusto mo magkwento makikinig kami pero okay lang din kung ayaw mo pero mas maganda kung magkukwento ka"

"Kim naman hayaan na lang natin si Kate"

Tinignan ko silang dalawa na naghihintay sa sasabihin ko

"Iniiwasan ako ni Jao" halos mapapikit ako ng sabihin ko iyon

"Hah? Paano nangyari iyon eh okay naman kayo kagabi"

"May nangyari kasi muntik na niya kong halikan tap--"

"Ohmygosh! Sabi ko na nga ba!! Grabe Girl kinikilig ako oh tapos?"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon