P.O.P 33

568 19 5
                                    


#PresentC32

Ang Lakas ng Ulan

Ang Lakas ng Alon

Sobrang dilim ng paligid

Nakakatakot ang kidlat at kulog

Napatingin ako sa paligid nasa may dagat ako

Bakit ganoon? Bakit ako lang mag-isa wala akong kasama ramdam ko na tumutulo na yung mga luha ko

Kaya naman lumangoy na ko pailalim

Natigilan ako sa paglangoy ng biglang may tumama sa ulo ko dahilan para mahilo at manlabo ang paningin ko

Nahawakan ko pa ito at tumambad ang dugo sa kamay ko

Palubog ako ng palubog ng bigla na namang maumpog ang ulo ko

"Ah! Tulong! Tulungan niyo ko"

"Kate! Kate gumising ka" naramdaman kong may tumatapik sa akin kamulat ng mata ko si Jao ang nakita ko

Panaginip lang pala naramdaman kong ang hapdi ng mga mata ko mayamaya naramdaman kong may tumulo sa pisnge ko umiiyak na pala ako

"Kate okay ka lang?"

"Jao" umupo ako at niyakap siya

Nanatili pa rin akong umiiyak naguguluhan ako tila isang bangungot ang napanaginipan ko niyakap naman ako ni Jao at hinihimas niya ang likod ko

"Kate anong napanaginipan mo?"

"Kate magsalita ka naman"

Isang nag-aalalang Jao ang kayakap ko ngayon hindi ko marinig sa boses niya ang pagkasungit

Kumawala na ko sa yakap pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak nagulat ako nang punasan ni Jao ang mga luha ko

"Kate tama na nandito lang ako hindi kita pababayaan" seryosong sabi niya habang nakahawak sa mukha ko

"Ah!" mas lalo akong umiyak paano ba naman biglang bumuhos ang malakas na ulan at may kasama pang kidlat parang yung napanaginipan ko lang

"Sshh.. Kate" niyakap ulit ako ni Jao kaya naman niyakap ko rin siya

Nakatingin lang ako sa kawalan lutang ang isip hindi ko alam kung parte ba ng nakaraan yung napanaginipan ko kanina͵ iyon ba ang dahilan kung bakit natagpuan nila akong palutang-lutang sa dagat?

Pero bakit ganoon? Wala ba talaga akong kasama nag-iisa lang ba talaga ako ni hindi ko nga alam paano ako napunta sa may dagat

Nanatili lang kaming magkayakap ni Jao isinandal ko na nga ang ulo ko sa balikat niya hindi ko na inisip kung nakakahiya ba sa kanya basta hindi pa rin ako mapakali dahil doon sa panaginip ko

"Kate"

Tila natauhan ako nang tawagin niya ang pangalan ko ilang minuto na rin ang lumipas baka nangangalay na siya sa posisyon namin kaya naman kumawala na ko sa yakap

Pinunasan ko na yung mga luha ko tapos na rin ako sa pag-iyak nagsawa na siguro yung mga mata ko hindi ko nga alam bakit ako naiyak dahil ba sa takot? Siguro

Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin

"May naalala ka na ba?"

Tumango ako

"Ano?"

"Ang gulo nga ng panaginip ko basta nakita ko na lang yung sarili kong nasa gitna ng dagat tapos malakas yung ulan͵alon pati na rin kidlat at may kasamang kulog. Ang dilim ng paligid hindi ko nga alam kung bakit nag-iisa ako tapos lumangoy ako pailalim napatigil ako sa paglangoy nung may tumama sa ulo ko dahilan para mahilo at manlabo yung paningin ko nahawakan ko pa nga yung ulo ko tapos may dugo ito. Papalubog ako ng papalubog hanggang sa maumpog na naman yung ulo ko hanggang doon lang"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon