PROLOGUE:
"what?" maraming tanong ang nasa isip ko pero yan lang yung naitanong ko.
Naguguluhan ako. Bakit ganito? May problema ba? May nagawa ba ako?
"I told you. I am breaking up with you." yan. Yang salitang yan. Kanina pa ako nasasaktan dahil dyan.
Konti na lang. As in konti na lang talaga.
"why? May nagawa ba ako?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. I cried in front of him.
I look at him. Wala akong pakialam kung harap-harapan man akong umiyak sa kanya. I want him to know how hurt I am right now.
"I am sorry Kassy." he said habang nakayuko.
"look at me! Damn it! Look at me!" I said, shouting. Pero nananatili parin siyang nakayuko. Pinaghahampas ko na siya sa braso at dibdib niya gamit ang mga kamay ko pero wala parin. Ayaw pa rin niya akong tignan.
Ayaw na akong tignan ng lalaking mahal ko.
Ayaw na niya sa akin.
Iiwan na niya ako
Hindi na niya ako mahal.
"bakit... bakit ganito? May...may na..nagawa ba ako?" I asked. Unti-unti ng bumagal ang mga hampas ko sa kanya. Unti-unti na rin akong nanghihina. Ramdam na ramdam ko na ang paghihina sa katawan ko pero hindi ng puso ko.
Cause deep in my heart, I am still hoping. I am still hoping that this is just a big joke. Baka may maganda siyang surprise sakin sa huli at joke lang tong pinagsasabi niya ngayon.
Pero kung totoo man to, umaasa parin ako. Umaasa parin ako na magbago ang isip niya at bumalik siya sakin, na hindi siya makikipaghiwalay.
Oh God. Please.
Tahimik parin siya. Hindi siya sumagot. Tanging mga hikbi ko lang ang maririnig. Nang hindi parin siya sumagot, nagsalita uli ako.
"sabi mo, forever tayo. Bakit ka nakikipaghiwalay?" tinignan ko siya. Nag-angat na siya ng tingin at tinignan ako sa mga mata.
"I dont believe in forever Kassy. You know that from the very beginning. I'm sorry." he said. His words hit me. Tama. This guy never believes in forever. Akala ko nabago ko na qng pananaw niya sa salitang yan.
Pero hindi pala.. Bigo ako. Bigo akong iparealize sa kanya na may forever.
"please. Please dont leave me. Kahit... kahit hindi na tayo.. Kung gusto mong makipaghiwalay, then sige. Papayag na ako. Basta wag ka lang mawala sa buhay ko.." I beg. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sa yakap ko lalo pinaramdam sa kanya na ayokong mawala siya. Na nagmamakaawa ako para magstay lang siya. Sa yakap ko pinaramdam na mahal ko siya.
"you know my rule Kassy. Once I broke up with my girlfriend, I also intend to stay away from her for good." nanigas ako sa sinabi niya.
So, he really wants to be out of my life? For good?
Naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko. He's trying to let go of the hug. And he succeeded.
"ganun na lang ba kadali sayo ang makipaghiwalay at iwan ako?" yumuko ako ng itanong ko yun. Hindi ko na yata kaya ang tignan pa siya sa mga mata. Sobra na kasi eh. Sobra na akong nasasaktan.
"I'm sorry." yan lang yung sinabi niya. Sorry. Ni hindi nga niya na sagot yung tanong ko eh.
I look at him again. This time, galit at sakit na ang nararamdaman ko.
"sorry?! Yan na lang ba ang sasabihin mo?! Sorry?! Bakit ha?! Tingin mo ba mababawasan ng lintik na sorry mo ang nararamdaman ko ngayon?! Do you really think that sorry is enough?! Pusang gala! Ni hindi nga nasagot ng sorry na yan ang mga tanong ko eh!" sabi ko. Lumakas uli ang boses ko. Umiiyak parin ako dahil sa sakit at the same time gusto kong pumatay dahil sa galit.
"you promised me! Damn it! You promised me that you'll stay with me no matter what! You promised me na hindi mo ko iiwan! You promised me the happily ever after.. you promised me that we'll be together, forever.." pinaghahampas ko na naman siya sa dibdib habang sinisigawan. Sana. Sana kahit papaano mapagaan ng mga hampas ko yung nararamdaman ko.
Pero hindi eh. Andito parin. Masakit parin.
His hand touched my hands while his other hand lifted my chin. He looked at me in the eyes and I did the same thing too.
"promises are meant to be broken Kassy. There is no forever nor happily ever after. Stop being in fantasy because that wont happen in real life. And you're asking me why I am breaking up with you? Well I will answer that for you to shut your mouth up. I. DONT. LOVE. YOU. No. I DIDNT LOVE YOU FROM THE START." he said. Naramdam ko yung lamig na bumabalot sa mga mata niya.
Those words. Yung mga sinabi niya.
Dun na gumuho ang mundo ko.
My mind stopped functioning.
My body became numb.
My heart broke into pieces.

BINABASA MO ANG
Evidence of Forever
Teen FictionSa mga nagsasabing WALANG FOREVER, pwes wag kayong BITTER. Dahil patutunayan nina Chaela at Shin na nag-eexist ito na may kasama pang HAPPILY EVER AFTER.