With you na nga ba?

75 4 0
                                    

Chapter 5:       (Vhong POV.)

Nagising ako dahil sa taong nakapatung sakin.  "arayy ko" sabi ko at itinulak sya. Yun naman ang dahilan para masilayan ang mukha ng taong iyun.

"Luhh!!!!" gulat kong sabi at napa tayu sa kama. Nakita kong na sa sahig sila mc at lassy. Tapos si Vice yung naka higa sa katawan ko.

"anyare?" sabi ko. Hinawakan ko naman ang katawan ko at sinilip ko ang short ko.

"kompleto paba ang alaga ko?" silip kong sabi.  "oi hindi ko yan pinakilaman, ikaw na nga itung pabigat kagabi ako pinag iisipan mo pa ako ng masama" napa lingi naman ako sa nag salita.

Nagising pala si vice. Nakahawak sya sa ulo nya at nakatingala sakin.

"ano bang nangyari?" tanong ko. "Iwan ko sayo pinahirapan mo ako" sabi nya at tumayo.

Sinipa ang dalawa dahilan para magising. Pag kagising nila agad na umalis sa kwarto.

Anyare ba????

Flashback...

"Subukan mo Lang akong sukaan, papatayin talaga kita" inis na sabi ni Vice habang akay akay si Vhong.

"tulongan kita... Ako bahala sayo" lasing na sabi ni Vhong. "Tulongan mo kaya ako na makalakad ka ng maayus" sabi naman ni vice habang bitbit si Vhong.

Habang nasa likod naman sila lassy at lasing na nag aakayan.

Binuksan na ni vice ang kwarto ni Vhong at hiniga sa kama. sa bigat nito bigla naman napa higa si vice sa katawan ni Vhong.

Hindi na sya nakaka tayu dahil sa lasing nadin sya.  Pumasok nadin sila Lassy at Mc at nahiga sa sahig...

End of Flashback....

"Ano uminom kayo!!??" sigaw ni Chichay. "Bat kaba sumisigaw, sumasakit ulo ko sayo" sabi ko naman habang humihigop ng sabaw.

"tama Lang yan... Tigas ng ulo mo, sabi ko namang wag kang iinom pag hindi ako yung kasama mo" inis namang sabi ni chichay.

"Oo na... Tika nasaan napala yung tatlo, manang ipag handa nyo din sila ng sabaw, sure akong lasing pa yun hanggang ngayon" sabi ko naman.

"ganyan na nga kalagayan mo sila pa yung infusion mo dyan ka na nga naiinis ako sayo" sabi ni chichay at umalis.

"lahat ba talaga kayo masungit sakin?" naka simangot kong sabi.

"oh bat ganyan ang titig mo?"  masungit nasabi ni Vice sakin. "dinalhan lang kita ng sabaw, oh" bigay ko. Kinuha nya naman.

"Tika asan pala yung dalawa?" tanong ko. "ayun natulog ulit, ang tapang naman kasi nung alak" sabi nya at naupo.

"Oh sabi nyo gusto nyong makatulog" sabi ko. "oo nga gusto namin makatulog hindi sumakit yung ulo" sabi naman nya at hinigop ang sabaw.

"gusto MO Bang sumama?" nakatingin na sabi ko.  Iwan ko pero hindi ko mapigilan na hindi makatitig sakanya.

"Saan naman? Oi masakit pa ulo ko ha" sabi nya. "bili tayo ng bangos" sabi ko.

"bat sasama pako?" sabi nya at tumitig ng masama. "iwan gusto kitang kasama ehh" sabi ko at tumayo.

"tara na!!!" sabi ko at hinila ang kamay nya.  Hindi ko binitawan ang kamay nya hanggang sa palengki.

"oi señeorito Vhong" bati sakin ng mangingisda.

"Mang kaloy, bibilhin ko napo yang bangus nayan" bungad ko. "lahat?" tanong ni vice. Kinindatan ko nalang sya.

"mang kaloy mamaya nalang namin kukunin, pupunta lang kami don" turo kong sabi.

"Saan?" tanong ni vice at muli ko syang hinila sa dalampasigan.  "Ikaw ha kanina kapa nakahawak sa kamay ko" pagbitaw nya..

"ang lambot kasi ng kamay mo" sabi ko naman. "ano bang gagawin natin dito?" tanong nya.

"Wala lang gusto lang kita ipasyal dito ulit...bakit ayaw mo?" sabi ko at napa nguso. "may magagawa paba ako eh andito na tayo" inis namang sabi nya.

"pano mo yan nagagawa?" tanong nya sakin na ikinalingi ko. "alin?" tanong ko.

"yung tumulong ng tumolong... Hindi kaba natatakot na isang araw kabibigay mo wala ng matira sayo?" sabi nya.

"hindi naman yun sumagi sa utak ko, alam mo kasi yung mga tao dito, simple Lang sila... Kahit na Hindi nila mabili yung mamahaling mga gamit masaya lang sila"

"kong baga, makakain lang sila ng tatlong bises sa isang araw... Okay na sila, kaya naging insperasyon ko sila"

"mabababa lang sila kong lumipad, pero dahil sa mabababa nayon nakakalipad naman ako ng mataas kaya, para sa pag tanaw ng utang na loob, binabalik ko Lang sa kanila ang nararapat na sakanila"

"Siguro napaka swerti ng mga taong natutulongan mo pati yung mga tao dito kasi napaka bait MO, ang bilis mong mahingan ng tulong, siguro maraming nag kakagusto sayo dito nho" tanong nya at napa tulak ako.

"sino sino naman ang mag kakagusto sakin dito ehh halos lahas ng nakatira dito lalaki, at kong may babae naman matatanda na at may Kanya kanyang pamilya na" natatawa kong sambit.

"ehh Di si Chichay" bigla naman akong napa ubo. "kinakapatid ko yun, napaka bata nun sakin... Never ko yun pinag nasaan nho" natatawang sambit ko.

"Ehh ikaw siguro ang dami mong manliligaw?" sambit ko matapos tumawa. "huh? Hindi naman ako ligawin, Mga naiinis sakin yun marami" sabi naman nya.

"wee ni isa wala?" pahapyaw ko. "wala nga... Lahat kasi sakin takot, maliban Kay daddy at sayu, iwan ko nga eh bakit hindi ka manlang natakot sakin" sabi nya.

"bat naman ako matatakot sayo? Maganda ka kaya. Kaya imposible walang nag kagusto sayo, tyaka siguro oo nakakatakot ka hindi dahil sa itsura ha kundi sa ugali" seryuso kong sabi.

"alam mo nung unang nakita kita, yung muhka mo napaka sungit tapos nong tumagal kana dito, para bang nakita ko yung lungkot sa mukha mo"

"kong ako sayo, e share mo yang lungkot nayan, bahala ka pag yan sumubra dyan sa dibdib mo naku napaka sakit nyan, sabog na sabog" sabi ko.

"Ehh tiba mayaman ka? Hindi kaba masaya?" sabi ko naman. "Mayaman ako oo, pero masaya? When kaya?" sabi naman nya.

"what do you mean?" tanong ko. "Pano ako sasaya kong pakiramdam ko iniiwan ako ng lahat? Yung mommy ko nga hindi nakatiis sakin ehh, yung daddy ko pakaya na ang turing sakin isang katulong" ngarag na yung buses nya pero sa itsura nya parang pinipigilan nyang tumulo ang luha nya.

"ehh di bumitaw kana..." sambit ko.

Interested in your place Where stories live. Discover now