Chapter VI - Friends

4K 41 2
                                    


🍎🍎🍎

Dela Fuentes House.

Busy ang mga tao sa bahay ng mga Dela Fuentes. Andito ang ilang mga kapit-bahay, kamag-anak at kanilang barkada.

Ang mga kababaihan at asawa naman ay nasa sala at nagchichikahan. Ang asawa ni Marky, nanay ni Topher na parehong buntis ay kausap naman ang nanay ng kambal. Ang kapatid ni Ken na babae, na kasalukuyang nagseselfie kasama ang kanyang ate.

"Tito Matt! May dali kaming miryenda..!"

Isang maligagalig na sigaw ang napaangat ng ulo ni Matthew galing sa pinto ng kusina. Doon ay apat na binatang barkada nila Tristan at Troy ang sumisilip.

"Kayo talaga Ken, nagabala pa kayo.."

Malumanay na sabi niya sa pinaka-maliit sa kanila. Cute itong bata na akala mo naligaw sa barkada dahil sa liit at kinis nito. May lahi itong japanese kaya paminsan-minsan ay tinutukso ito ng katropa dahil sa liit nito. Soft-spoken din ito at tila laging malamlam ang mata.

"Wala yon Tito hehe.."

Sagot naman si Topher o Tupe base sa tawag ng karamihan habang nakaakbay kay Ken. Siya ang pinakamatangkad sa magbabarkada, moreno, pinoy na pinoy ang itsura, at mapaglaro ang dating.

"Basta Tito payag ka, iinom kami hehe.."

"Oo nga Tito baka naman haha.."

Magkasunod na tawa ni Chester at Lester, ang kambal sa barkada. Payat sila pareho ngunit bumawi naman sa tangkad. May pagka-moreno ang kulay ng balat at parehong magulo ang may kaiklian nilang buhok.

"Kayo talaga..! Wag kayo magalala, nagpabili nako sa tito Marky niyo.."

Ang tinutukoy niya ay ang kapatid niyang si Marky, tatay ni Raven at pinaka-bunso sa kanilang magkakapatid.

"Yonn..! Kaya favorite ka naman Tito eh hehe.."

Panlalambing ng apat sa kanilang Tito. Hindi naman talaga sila magkadugong apat kay Matthew, pero dahil magkakaibigan na sila sa tatlo niyang anak simula pagkabata, tinuring na din niya itong pamilya.

Hindi nga lang niya minsan kinakaya ang kakulitan ng mga binata dati tuwing lahat sila ay nagsasama.

"Umakyat na kayo doon kila Troy sa taas! Magluluto pako hehe.."

Pagtataboy niya sa apat. Agad namang nagsipulasan ang apat, habang hindi nawawala ang harutan. Lalo na sa pang-aasar nila kay Ken na kanina pa inis na inis sa kanilang tatlo.

Pag-akyat palang ng apat ay siyang dating isang matangkad na lalaki. Maputi ito at kamukha ni Matthew.

"Kuya Matt, asa likod na yung alak. Nagpadeliver nadin ako ng yelo."

"Salamat Marky.."

Tinanguan nalang niya ang kapatid na may kasamang isa pang lalaki. Malaki ang katawan, matangkad at matipuno. Seryoso ang mukha na tila laging may pinoproblema.

"River. Punta ka sa taas, andon mga pinsan mo..!"

Paalala niya sa lalaki, ang nakakabatang kapatid ni Raven.

"Sige po Tito."

Seryoso lang niyang sagot na nagpailing kay Matthew. Sadyang nasanay na siya sa pagiging loner at introvert ng kanyang pamangkin. Kahit sa mga pinsan at barkada nito, lagi lamang itong nakikinig at paminsan-minsan lang ang imik.

"Tulungan na kita Kuya.."

Sambit ni Marky na nagpatango kay Matthew. Inabala nila ang sarili sa pagluluto habang naguusap.

"Si Kuya Marvin, hindi talaga makakapunta..?"

Tukoy niya sa panganay sa kanilang magkakapatid.

"Bukas pa uwi ng mag-anak eh. Nagtext naman siya eh.."

"Ahh ganon, sayang naman.."

Samantala..

"Tan..! Tulong! Binubully nanaman nila 'ko.."

Sumbong ni Ken pagakyat ng maabutan si Tristan papasok sa kwarto nila Troy para makinood ng movie sa loob kasama si Brent at Troy.

"Sinong bumubully sa Baby Ken ko..?"

Silip ni Troy sabay hila kay Ken at mahigpit na na-headlock sa kanyang bisig. Napaikot naman ang mata ni Tristan sa pagdating ng apat.

"T-Troy..! Hindi ako makahinga..!"

Ma-dramang sabi ni Ken na tila nauubusan ng hangin at naluluha pa.

"Tsk! Binubully daw eh sarap na sarap ka nga sa akbay ko eh.."

Pangaasar ni Tupe kay Ken. Inirapan naman siya ni Ken sabay piglas sa magaang headlock ni Troy.

"Ano pinapanood nyo..?"

Kuryosong tanong ni Lester pagpasok niya habang nakita ang hubad-barong katawan ni Brent sa higaan ni Troy.

"Nagkantutan pa ata kayo Troy at Brent ah.."

"Gago haha..!"

Asar at biro Chester ng makita si Brent na sabay na nagpamura kay Troy at Brent.

"Hyaa....!"

"Hahahahah...!"

"Tangina ang bibigat nyo..!"

"Puta pre hahahaha.."

Blog!

Agad namang dinaganan ni Ken ang hubad na katawan Brent na sinundan pa ng dagan ni Chester, Lester, Tupe at Troy. Nagsiksikan sila sa kama ni Troy habang nagkikilitian.

Napaikot naman ang mata ni Tristan sa nakita at napaisip.

'Ako lang ata ang mature sa barkada..'

"Gago ka Chester..! Ahhh..hahahha..!"

"Ano?! Ako si Lester, Tan hahaha..!"

Sigaw ni Tristan ng hilahin siya ng isa sa kambal. Nakalimutan na niya ang naisip na maturity, dahil nakigulo nadin siya sa harutan nilang anim.

"Tama na tangina niyo hahah..!"

Lupaypay na sabi ni Ken sa limang pare-parehong pagod sa kakatawa.

"Ayss mga tropa..makukumpleto na ulit tayo ah.."

"Oo nga hehe..nakakamiss si Kuya Tim.."

Buntong hininga nila habang finocus ang panonood sa TV.

"Oy River..! Pasok ka.."

Anyaya ni Troy ng mapansin ang isang bulto ng tao sa kanilang pinto. Hindi nila ito napansin dahil sa kakulitan nila.

"Sige."

Umupo lang si River sa lapag, sa paanan ng kama at tinuon ang mata sa pinapanood ng anim.

Napahagikgik naman silang pito at napailing dahil sa aksyon ni River. Sadyang sanay na sila sa pagiging introvert ni River.

🍎🍎🍎

AllureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon