🍎🍎🍎
BEEP! BEEP!
Excited namang lumabas ang mga bisita ni Matt palabas para salubungin ang kotse.
Clang.
Dali-daling binuksan ni Troy ang gate habang hindi nawawala ang ngiti at sabik sa kanilang pakiramdam.
Habang sa loob ng kotse ay hindi mapigilang mamasa ang mata ni Tim sa saya habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid, kaibigan, ka-barkada, ka-dugo habang iniintay siyang bumaba.
Apat na taon. Isip niya.
Through video-call, or skype, lang sila nakakapagusap pero iba pa din ang pisikal na presensya nila. Dahil sa kalokohan niya. Ilang taon din siyang nawalay sa Papa niya at mga kapatid niya.
Sa ilang taon, doon niya naramdaman ang pagiisa, nakapagisip siya, nakapagmuni-muni. Naging mature.
Ngunit habang pinaparada ni Raven ang kotse, pansin niya sa apat na taon, halos wala ding pinagbago ang bahay. Pati ang itsura nila, wala ding gaanong nagbago.
Siya lang ang marami.
Blag. Step.
Tunog ng pagsara ng pintuan ng kotse pagtapak niya sa sementadong parking lot ng bahay nila. Hinarap niya ang mga taong dapat magwewelcome sa kanya at hindi mapigilang mapakamot sa likod ng ulo.
"..Hi...?"
"..."
Tila tumigil ang mundo habang pinagmamasdan nila si Tim na gwapong-gwapong bumaba sa kotse.
Hapit sa kanyang maskuladong katawan ang isang itim na sando, ang pinalit niya matapos mantsahan ni Raven ang suot niyang damit.
Kaya litaw na litaw tuloy ang malapad niyang balikat, ang barako niyang biceps at namumutok niyang dibdib. Dumagdag pa noong tinaas niya ang kamay at kumamot, dahil lumitaw ang manipis niyang buhok sa kili-kili na tila kaysarap dilaan.
Gulp.
"Ahmm...welcome to me..?"
Awkward na sabi ni Tim dahil naweweirduhan na siya sa katahimikan nila. Bigla namang natauhan ang lahat.
"Kuya...!"
"Tan!"
"Pre.."
Yakap ni Tim sa kanyang bunsong kapatid na tila batang humahagulgol sa kanyang dibdib.
Tinanguan niya ang kanyang Tito at Tita. Ang barkada. Ang kanyang mga pinsan.
Nginitian niya si Troy na malapad ngayon ang ngiti at wari niya ay pigil na pigil nang yumakap sa kanya.
Binalingan niya ang kanyang Papa na namamasa ang mata.
"Pa.."
"Welcome back, Tim.."
...
Clank.
"What..? May dumi ba sa mukha ko? Hehe.."
Pabirong sabi ni Timothy sa tahimik na mga tao habang nasa dining table. Hindi nakatakas sa paningin niya ang palihim at direktang titig nila sa kanya.
"W-Wala..haha nagulat lang kami hehe.."
"Oo nga hahaha..! Pumogi ka kasi pre hahaha. Ganyan ba talaga pag galing abroad?"
"Syempre, ako pa ba hahahaha..!"
Tila nawala naman ang awkwardness sa paligid dahil sa sinabi ni Brent at Tupe. Muling napuno ang hapag-kainan ng tawanan at kuwentuhan.
"Kuya Tim..?"
"Hmm? Bakit Ken?"
"Nasan pasulubong mo samin?"
Natawa naman si Tim sa sinabi ni Ken. Habang si Ken naman ay hindi mapigilang matulala saglit dahil sa tawa ni Tim.
"Hahaha ipapadala nila Lolo dito, madami kasi, wag ka magalala bibigyan kita hehe.."
"Talaga?"
"Eh yung samin, kuya Tim?"
"Lahat kayo meron hahaha.."
Natatawang sabi ni Tim sa kambal.
"Ang tagal nyo namang kumain, kanina pa naiintay ang alak sa garden hehe.."
Biro ni Raven habang nakatayo na at nilapag na sa lababo ang kanyang plato. Natatawa, habang hindi pansin ang isang matang nakatitig sa kanya, pinapanood ang bawat galaw niya.
Ang mga lalaki naman ay tila bumilis ang kain.
"May inuman pala? Mauna na kayo don, umpisahan nyo na.."
Sabi naman ni Tim at gusto munang kausapin ang kanyang dalawang kapatid at Papa na tahimik lang na kumakain. Nakita naman itong iba at tumango lang.
"Tim, iho, mauna na kami, bibisita nalang kami bukas, masyado na kasing gabi at masama sa baby hehe.."
"Sige po, Tita.."
"Mauna na din kami, Matt, Tim, enjoy kayo. Kayo na bahala sa mga anak ko hehe. Welcome back sa pinas haha.."
"Thanks, Eloise. Ingat kayo sa paguwi.."
"Sige, Tim, hatid ko muna tong tatlo sa kanila. Balik nalang ako.."
"Sige po, Tito. Ingat po kayo.."
Matapos ang kainan, nauna nang umuwi ang dalawang buntis na si Eloise at Tina. Pati na din si Diane ay sumabay na ng uwi, dahil baka pauwi na din ang asawa niya.
"Kuya Kalix, uuwi na din kayo?"
"Hatid ko lang tong kapatid ko, babalik ako at madami tayong paguusapan haha.."
"Syempre, madami din akong gustong i-consult sayo haha.."
"Bye, Kuya Tim.."
Sabi naman ni Kim habang malagkit na tinititigan ang katawan ni Tim. Hindi niya din pansin ang pagtinis ng kanyang boses, na siningkitan lang ng kapatid niyang si Sandra.
"Tara na.."
"Ingat kayo.."
Clank.
"Huu..."
Sinara ni Tim ang gate at napa buntong hininga, saka pumasok muli. Dinig sa garden ang tawanan at tugtugan.
Andon ang magbabarkadang si Brent, Tupe, Chester at Lester, Ken, at magkapatid na River at Raven.
Pagpasok niya sa kusina ay nadatnan niya ang dalawang kapatid na si Tristan at Troy habang tinutulungan ang ama na magligpit.
"Pa, Tan, Troy.."
Nag-angat naman ang tingin ang tatlo.
Agad niyang binuka ang bisig na tila naghahanap ng yakap.
Agad tumalima ang dalawa niyang kapatid na si Troy at Tristan na pawang sumubsob sa matipunong dibdib ng kanilang kuya.
"Pa.."
Namasa naman ang mata ni Matthew habang pinagmamasdan ang tatlo niyang anak na makumpleto muli.
Hindi niya mapigilang yumakap pagkatapos ng apat na taong pagkahiwalay sa kanyang panganay.
Mahirap maging isang single-dad ng tatlong binata. Lalo na kay Matt na pinagsasabay ang trabaho sa opisina at bahay dahil silang tatlong anak nalang niya ang natitira sa kanya.
Mabuti nalang ay andyan si Tim, ang kanyang panganay noong panahon na yon. Siya na din ang nagsilbing pangalawang tatay sa mga kapatid niya. Kaya ganon nalang ang gulat niya ng umalis ito ng bigla bigla.
Sniff. Sniff.
"Sorry Pa, Troy, Tristan.."
"Tim, huwag kang mag-sorry. Kahit anong dahilan mo non, maiintindihan ko. Ang mahalaga, kumpleto na ulit tayo.."
"W-Wag ka na ulit aalis kuya, please..."
"Namiss kita, kuya.."
Nabibiyak na boses ni Tristan at ang nangangatog na boses ni Troy.
"Promise bunso..."
🍎🍎🍎
BINABASA MO ANG
Allure
RandomWarning: SPG (Mature Content). Inc*st. And many more. Umuwi si Timothy sa kanilang bahay sa Apple Street pagkatapos mamalagi sa ibang bansa ng ilang taon, upang dito na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Maraming nagbago, lalo na sa kany...