CONFESSION
Halos mabali ni Clement ang kutsara na hawak nito ng marinig ang sinabi ni Sabrina kay Asteria.
Hindi kasi alam nito na may naging ex si Asteria sa America. At base sa mga narinig nito mula kay Sabrina ay hindi parin makalimutan nito ang ex niya.
Huminga Ito ng malalim saka tumayo at nag paalam na lalabas muna, agad namang tumayo si Asteria para mag paalam rin sa mga kaibigan at sinundan si Clement sa Parking Lot. Hindi na nag tanong pa ang mga kaibigan nito kung saan naman pupunta dahil busy rin Ito sa kung anong pinaguusapan nila.
Naabutang magsisindi ng sigarilyo ni Asteria si Clement.
“Naninigarilyo ka Pala?” Anito sa binata. “So?” sambit ng binata sa dalaga.
“Wait. are you mad?” confused. Tanong nito. “Bakit ako magagalit?” pabalik tanong nito sa dalaga.
“Puwede bang sagutin mo yung tanong ko. Hindi yung magtatanong ako tapos magtatanong ka rin.” painis na sambit ng dalaga.
“Fine. Bakit naman ako magagalit? Dahil sa mga narinig ko? May tayo ba? May karapatan ba ako? Mahal mo ba ako? Iniisip mo rin ba ako? No. Ni minsan ba sumagi rin ako sa isip mo sa loob ng tatlong taon na hindi mo'ko nakikita? Kasi ako Oo. Mula ng umalis ka hindi ka naalis sa isip ko, yung sinasabi mong sinungaling ako dahil sa nakita mong may kasama akong Babae dito noon ay pinsan ko, Ni hindi mo'ko binigyan ng pagkakataong makapag paliwanag man lang Asteria.” Anito.
Wala ng kahit na isang salita na gustong kumawala mula sa bibig ko. Shit! I feel guilty.
“I-I’m sorry” naiiyak na sambit ko.
“I love you” He sincerely said to her. “You don't need to love me back Asteria. I just want to let you know kaya sinabi ko. And about sa ex mo, Yes, I admit it. nagalit at nag selos ako, Pero katulad nga ng sinabi ko, Wala akong karapatan.” He spoke Coldly. Bago Ito umalis at bumalik sa loob ng restaurant.
Si Asteria naman ay parang na statwa sa kinatatayuan at parang hindi kayang I process sa utak nito lahat ng narinig niya mula sa binata.
Nang makapag isip-isip si Asteria ay pumasok na Ito. Parang ang hirap para sakaniya na humarap pa sa binata dahil sa mga narinig kanina.
“Hoy, Asteria bakit ba ang tagal tagal mo? Saan kaba pumunta?” Sabrina asked.
“Nag pahangin lang.” maikling sagot nito.
Nag kibit balikat na lamang ang mga kaibigan nito.
“Punta na tayong Bar” Trina said. Agad namang sumang-ayon ang lahat.
Agad na lumabas ng Restaurant ang lahat at agad na naghanap ng masasakyan. Si Sabrina at si Asteria ay pinasabay ni Clement sa Ferrari nitong saksakyan. Habang ang iba Naman ay may sariling sasakyan.
YOU ARE READING
RAINING IN TARLAC
RandomRomance | Random WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside |