CHAPTER 12

1.4K 31 5
                                    

“Ok ngalang ako Sabrina” Wika ni Asteria sa kaibigan ng kulitin nanaman itong magpa check up dahil sa madalas nitong pagka hilo.

“Nah. Sa ayaw at sa gusto mo magpapa check up ka, after ng work natin magpapa check ka.” Anito.

“Fine.” tanging nasambit na lamang ng dalaga sa kaibigan dahil Wala naman na s'yang magagawa. At para narin manahimik na ito.

Lumipas ang oras at natapos rin sa trabaho ang dalawa. Agad na hinila ni Sabrina si Asteria upang maka punta agad sa hospital.

“Malay mo buntis kana pala” ngiting wika ni Sabrina kay Asteria. “Edi ninang na ako.” dugtong pa nito.

Kinabahan naman agad si Asteria sa bagay na iyon. “Pa'no kung Hindi pa handa si Clement sa bagay na 'yon?” tanong nito sa kaibigan upang ikalma ang sarili.

“Hindi n'ya naman ipuputok kung hindi” birong wika nito.

Napa sapo na lamang sa noo ang dalaga. “We're here.” ngiting wika ni Sabrina.

Nang pagka pasok nila sa hospital ay agad na nagpa check up si Asteria. Dahil Hindi raw sila mag tatagal at may gagawin pa ito.

“Good afternoon po, base po sa results kaya po kayo madalas masuka at ma hilo ay dahil 3 weeks pregnant ka po.” ngiting Balita ng doctor.

“I knew it!” pa sigaw na wika ni Sabrina. Agad namang siniko ni Asteria si Sabrina.

“Eto kung maka react kala mo s'ya 'yong buntis.” wika ni Asteria.

“Maselan po ang pagbubuntis mo. kaya iwasan pong mag pagod at gumawa ng mabibigat na bagay.” dugtong pa ng doctor.

Tumango Naman si Asteria bilang tugon. “Salamat po Doc, Mauna na po kami.” Sambit ni Asteria.

Nang maka uwi ang dalawa agad na sinalubong ni Sabrina si Clement.

“Hoy, Clement! Panindigan mo tong kaibigan ko.” wika ni Sabrina. Pipigilan pa sana ito ng kaibigan ngunit hinayaan na lamang n'ya ito. “ha?” naguguluhan na tanong ni Clement. Naabutan Kasi nila itong nasa dorm nila.

“Anong ha? Binuntis mo tong kaibigan ko kaya panindigan mo! 3weeks pregnant, at maselan yang pagbubuntis n'ya Kaya 'wag na huwag mong hayaan na mapagod.” Wika pa ng kaibigan ni Asteria.

Agad na tinignan ni Clement si Asteria at nilapitan ito. “Really?” manghang tanong nito. “oum” maikling sambit ni Asteria. Dahil inis na ito sa kaibigan dahil mas inunahan pa s'ya nito.

“Yes! Tatay na ako!” sigaw nito at napa talon pa sa tuwa. Niyakap nito si Asteria ay Hinimas ang t'yan nito.

“P'wede bang matulog muna ako? Pagod na ako.” wika ni Asteria.

“Sure, Samahan na kita.” sambit ni Clement.

“Wow, ha. PDA talaga!?” wika ni Sabrina sa dalawa.

Inirapan na lamang s'ya ni Asteria dahil Naiinis pa Ito sa kaibigan.

Lumipas ang dalawang buwan ay laging nasa bahay lang si Asteria. Si Clement lamang ang nag t-trabaho dahil hindi n'ya pinayagang mag trabaho si Asteria.

“Baby, hayaan mo na kasi akong mag trabaho. dalawang buwan palang naman tong t'yan ko oh. Pangako pag nasa pitong buwan na hindi na ako mag t-trabaho.” pamimilit ni Asteria kay Clement.

“Etong si Asteria mas'yadong mapilit. 'Wag ka nanga, mamaya malaglag pa 'yang inaanak ko tamo.” Sabat ni Sabrina sa dalawa.

“Epal ka lage eh no?” wika ni Asteria.

“Ikaw nga laging inis sa'kin. Pag labas n'yang anak mo, ako kamukha n'yan.” ngiting wika ni Sabrina.

“Whatever.” Rolled eyes. Wika ni Asteria.

“Baby, 'Wag na. Mas mabuti ng maingat tayo. Ok? Pahinga ka nalang.. aalis na ako may trabaho pa ako, Iloveyou.” Mahinahong wika ni Clement kay Asteria sabay halik sa noo nito.

“Corny n'yo.” wika ni Sabrina.

“Inggit kalang” lintaniya ni Asteria sa kaibigan.

“Kung hindi kalang buntis kanina ko pa kayo pinag umpog.” sambit ni Sabrina sa dalawa. “Umalis kana Clementine, ako ng bahala rito kay Asteria.” Wika pa nito.

“Sige na. Thankyou” wika ni Clement kay Sabrina.

RAINING IN TARLAC Where stories live. Discover now