CHAPTER 13

964 25 1
                                    

“Asteriaaaaa” sigaw ni Sabrina ng pagka pasok nito sa loob ng dorm nila.

“Ano ba!? Kung maka sigaw ka naman akala mo’y emergency. bakit ba?” tanong ni Asteria. “Huwag kang mabibigla, nakita ko si Clement may kasamang ibang babae tapos na curious ako kaya sinundan ko tapos naka akbay pa si Clement sa babaeng 'yon at ang Malala pa hinalikan n’ya pa ito sa noo.” mahabang lintaniya ni Sabrina.

Mangiyak-ngiyak na napa upo si Asteria sa sofa. Natahimik ito sa mga tinuran ni Sabrina sakan'ya.

“Wala kaman lang bang sasabihin? Ano ng Plano mo? Mag-isa mong palalakihin 'yang bata—Single mom gan’on?” sunod-sunod na tanong ni Sabrina.

“S-sigurado kaba sa nakita mo?” utal at umiiyak na saad nito.

“Oo! Mag sisinungaling ba naman ako sa’yo? Wala talagang pinag kaiba 'yang si Clement sa ibang—”

“—sabrina! tumigil ka nga muna.” saad nito sa kaibigan.

“Edi titigil n—”

“Hi love” ngiting bati ni Clement ng pag pasok sa dorm nila Asteria sabay Lapit sa dalaga at halik sa noo nito. Napatigil naman si Sabrina at tinitigan lamang ito.

“Are you okay? Anong nangyare? May problema ba?” sunod-sunod na tanong nito kay Asteria ng mapansin na umiiyak ito. Bumaling ito kay Sabrina ng Wala s'yang makuhang sagot mula kay Asteria. “Sab?” saad nito.

“Oh? Bakit ako!?” Ani nito.

“Sabrina” ulit nito.

“Fine! Gagawa gawa kasi ng Kalokohan tapos—”

“What? What do you mean?” he asked.

“Sinasabi na nga 'diba? Pa what what kapa! Nakita kitang may kasamang ibang babae Clement, wag kanang mag sinungaling. Sinundan ko pa kayo, magka holding hands pa kayo at hinalikan mo pa ito sa noo.” Wika nito.

“What? Wait. You mean my Li’l sister?” tanong nito.

“Ha? Anong kapatid? Kapatid mo 'yon?” naguguluhang tanong nito habang si Asteria ay nakikinig lamang sa usapan nila.

“Yes, meron akong kapatid at s’ya 'yong nakita mong kasama ko.” wika nito at napa iling na lamang. Bumaling ito kay Asteria. “Hey, baby. Wala akong Babae, kapatid ko lang 'yon. I'm sorry kung hindi ko nasabi na kikitain ko 'yong kapatid ko, umiyak kapa tuloy.” pag klaro ni Clement para kalmahin si Asteria.

Tumingin ng matalim si Asteria kay Sabrina.

“hehe. Peace” sambit ni Sabrina sabay Peace sign. /*Clears throat “Clement, Asteria. Alis muna ako ah. Baka kasi need n'yo ng time sa isa't isa. Babye!” wika nito sabay takbo palabas.

RAINING IN TARLAC Where stories live. Discover now