CHAPTER 2

3.5K 100 2
                                    

WELCOME BACK ASTERIA🧡

“Alam mo Asteria kanina kapa d’yan, mula pagdating natin rito sa Tarlac, Hindi kamanlang nag enjoy. Kaya nga kita dinala rito para makalimutan mo naman yung ex boyfriend mo. Hoy! 2 years na kayong Wala, Mahal mo parin hanggang ngayon?” mahabang lintaniya ng kaibigan ni Asteria sakaniya ng makapasok sa kuwarto nito.

“Tss!” Tanging nasambit na lamang ng dalaga.

Ano naman kasing gagawin ko rito sambit nito sa sarili niya.

“Mamaya sasama ka sa'kin ah? May invitation tayo mula kay Trina. Yung kaibigan natin noong elementary tayo, Birthday niya ngayon. Gaganapin Ito sa pinaka malapit na restaurant rito. At bawal ang tumanggi.” Anito.

“But—”

“—No more buts.” Pagtatapos nito sa sasabibin pa sana ng kaibigan.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga sa mga narinig sa Kaibigan niya.

“Magpaganda tayo ah? Ikaw ang mag make-up sa’kin” sambit pa ni Sabrina.

“Oo na, Oo na. Basta manahimik kalang, Ang dami mong sinasabi. Umalis kana nga muna masiyado kang maingay.” Anito.

“Wow ah, Yes po. Aalis na, kala mo kung makapag paalis ka hindi mo'ko kaibigan, I hate you na” pag dadrama nito.

“Hindi bagay, Alis na.” Sambit pa ng dalaga.

Nang makaalis na si Sabrina ay agad na bumalik si Asteria sa pagiisip sa ex boyfriend nito. Nasa U.S Ito at he cheated on her.

Napakaraming Plano natin na binuo tapos sa iba mo rin pala Ito tutuparin. Napakarami nating Ala-ala pero binalewala mo yun ng may makilala kang isang Babae na mas nagpapasaya sa'yo. Ang sakit sakit parin hanggang ngayon.

Hindi na namalayan ni Asteria ang oras kaya Hindi niya narin namalayan ang oras.

Nasa kalagitnaan pa Ito ng pagiisip ng biglang pumasok ang kaibigan nito na hindi man lang kumatok.

“Asteriaaaaaa!!!! Ano na!? Magmumokmok kanalang ba talaga rito magdamag? Mula pag Alis ko kanina ganiyan na ganiyan ang itsura mo. Ngayon pagbalik ko ganiyan kaparin, anong oras na oh. Wake up! Marami pang lalake sa mundo, Hindi lang yang ex mong tarantado.” Naiinis na bungad nito kay Asteria.

Bumangon Ang dalaga sa pagkaka higa at nag bihis. Hindi na nito Pinansin ang mga sinabi ng kaibigan dahil Alam niyang talo lang siya rito.

Nang matapos sila sa paghahanda ay bumaba na sila sa Hotel kung saan sila tumutuloy, Nag abang sila ng Taxi na masasakyan para makapunta sa restaurant Kung saan gaganapin ang birthday celebration ng kaibigan nilang si Trina, May Asawa na Kasi Ito kaya Hindi na nila nakakasama, ngayon nalang yata nila Ito makakasama.

Pagkatapos raw nila sa restaurant ay dederetso pa silang Bar para mag inuman.

Nang makasakay sila sa Taxi ay sinabi na nila Kung saan sila. Nang makarating sila sa Restaurant ay biglang naalala ni Asteria si Clement. Biglang nanumbalik lahat ng Ala-ala nito sakaniya.

Pagkapasok ng pagkapasok nila sa restaurant ay sinalubong agad sila ng kaibigan nila. May ibang na invite rin Ito pero sigurado ang dalaga na iilan sakanila ay classmates lang rin nila n'ong elementary.

“Gurl, musta na? Ikaw Sab, Single parin ba? Ikaw Naman Ash(Asteria), Still him? Kahit na linoko kana. Hay naku.” Anito.

“Paupuin mo kaya muna kami Trina noh? Chismis agad eh.” sambit ni Sabrina.

Nang maka-upo na ang lahat ay nag si-order na ang mga Ito. Habang nag kukuwentohan sila ay biglang may dumating na binata na siyang pumukaw ng atensiyon ng lahat.

RAINING IN TARLAC Where stories live. Discover now