CHAPTER 8

2.2K 43 5
                                    

“What?! Nababaliw ka naba? Asteria naman, ilang beses kana bang niloko ng Steven na 'yon? Isa? Dalawa? Tangina naman Asteria, Hindi kapa ba nadala? Kunting suyo lang okay na agad? Isang sex lang kayo na agad? gan'yan ka naba Katanga?” sermon ng kaibigan ni Asteria sakan'ya pagkatapos sabihin ng dalaga lahat ng nangyare. sinabi rin ng dalaga na may nangyare sakanila kaya ganoon na lamang ang reaksiyon ni Sabrina.

“I'm sorry, alam mo namang Mahal ko pa si Steven 'diba? Promise, last na to. Kapag naulit pa kalilimutan ko na s'ya, please?” Mahinahong sambit ni Asteria kay Sabrina.

“Ilang beses mo nabang sinabi sa'kin yan ha? Ano pa nga bang magagawa ko? Eh pa'no si Clement? Hindi ba kayo n'on? 'wag mong sabihin na Wala lang 'yon Asteria. Ilang beses sainyong may nangyare, akala mo 'diko alam? Ayosin mo 'yang gulong pinasok mo.” sambit pa ni Sabrina sa dalaga.

“I can handle this, Promise.” ngiting wika ng dalaga.

Napa buntong hininga na lamang si Sabrina dahil sa mga nalaman.

Nagka balikan si Steven at Asteria. Alam naman agad ni Clement na nagka balikan na ang dalawa dahil sinabihan na s'ya ni Steven. Napa hampas na lamang si Clement sa manibela ng minamaneho nitong sasakyan ng maalala ang mga katagang sinabi sakan'ya ng binata.

“Hey, kami na ulit ni Asteria. Kaya huwag mong subukan na hawakan pa s'ya. She's mine.” wika ni Steven kay Clement.

Nag mamadaling lumabas si Asteria sa condo para kitain si Clement, gusto nitong mag sorry sa lahat at para narin mag paliwanag, alam nitong gusto s'ya ng binata kaya alam n'yang masasaktan n'ya ito.

Nang maka labas at maka sakay ng taxi si Asteria ay pumunta agad s'ya sa pinaka malapit na restaurant Kung saan ay ang pinaka unang restaurant na kinainan nila ni Clement, na Hindi n'ya alam ay pagmamay ari ng binata.

Nang makarating si Asteria sa restaurant ay agad itong pumara ng taxi at lumabas. Pumasok agad ito sa loob ng restaurant at agad hinanap ng mata si Clement. Nakita naman agad nito kung saan naka upo ang binata.

Nilapitan nito ang binata at umupo sa harap ni Clement.

“Hi” bati ng dalaga sa binata.

“Anong kulang? Hindi ba sapat lahat ng pinakita ko sa'yo para mahalin mo rin ako? Hindi ba sapat lahat ng pinapakita kong pag aalaga sa'yo? Hindi ba sapat lahat lahat para ma suklian mo rin ang pagmamahal ko? Y-you know how much I love you Asteria, I told you. I'm willing to wait. I'm willing to take a risk, Please love me back Asteria, I can do everything sabihin mo lang gagawin ko, mahalin mo lang ako.” Umiiyak at nagmamaka awang wika ni Clement sa dalaga.

“I-i'm sorry Clement, but I can't love you back. I love him. I'm so sorry” naiiyak na wika nito sa binata.

“Why him? Bakit s'ya? Bakit hindi nalang ako? He cheated on you Asteria, ilang beses kana n'yang niloko at sinaktan, bakit s'ya parin? Bakit hindi mo'ko makayang mahalin? Kahit ba k'onti Wala? Hindi mo man lang ba ako minahal kahit na kapiraso man lang?” humahagulhol na sambit nito.

“I'm sorry” Tanging nasambit na lamang ng dalaga at agad na tumayo mula sa kina-uupuan at umalis.

Agad itong pumara ng Taxi para bumalik ng Condo. Habang nasa taxi ito ay hindi nito maalis sakan'yang isipan si Clement.

Hindi ko alam Clement, Sa ngayon Hindi ko pa alam, naguguluhan rin ako. Hindi ko alam kung pagmamahal ba tong nararamdaman ko sa'yo. Patawarin mo sana ako” wika ni Asteria sa hangin habang iniisip ang mga katagang sinambit sakan'ya ng binata.

Nang makarating si Asteria sa Condo ay agad itong pumasok ng ban'yo at nag shower. Habang Dumadaloy ang tubig sa katawan nito, paulit ulit na pumapasok sa isipan n'ya ang mga sinabi ni Clement. Alam n'yang mabuting tao si Clement, pero Hindi nito lubos maisip kung ano nga bang nararamdaman n'ya para sa binata.

Tinapos na nito ang paliligo at agad na lumabas ng ban'yo. Agad itong nag bihis at nahiga sa kama.

Habang naka pikit para matulog ay biglang tumunog ang Cellphone nito, hudyat na may tumatawag sakan'ya. Agad nitong sinagot ang tawag ng Hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag.

“Hello, Clement” agad na sagot nito sa kabilang lin'ya.

“Hindi ako si Clement” sagot ng sa kabilang lin'ya. Agad nitong tinignan ang screen ng telepono at tinignan kung sino ang tumawag..si Steven.

Huminga Ito ng maluwag bago sumagot. “Hi.” Bati nito.

“Don't you miss me? Kumusta pag uusap n'yo ng Clement na 'yon?” wika nito.

“S'yempre miss. Okay naman nag usap na kami, sinabi ko narin na nagka balikan na tayo.” she answered.

“Good. Pahinga kana, matutulog na ako” sambit ng binata.

“Okay, I love—” Hindi pa natatapos sa pagsasalita ay agad ng naputol ang lin'ya.

Inisip na lamang ng dalaga na siguro ay pagod lamang ang binata.

Lumipas ang mga Araw na walang paramdam si Clement kay Asteria, habang si Clement at Asteria naman ay bibihira lamang kung magkita. Kapag kasi inaayang lumabas ni Asteria si Steven ay ang laging rason nito ay may trabaho pa raw kaya iniintindi na lamang ito ni Asteria.

Ngunit lumipas rin ang mga araw na napapa isip si Asteria kung Tama bang binigyan n'ya ng pagkakataon si Steven. Madalas ring sumagi sa isip n'ya si Clement, kung anong ginagawa nito or kung may kasintahan naba ito.

Mahigit dalawang buwan narin ang lumipas na walang paramdam si Clement sa dalaga.

“Oh ano? S'ya nanaman ba nasa isip mo? Alam mo napapansin ko imbes na si Steven ang isipin mo, si Clement 'yang iniisip mo. Miss mo ba? Mahal mo naba? Aminin mo na Kasi na Mahal mo 'yong tao.” sambit ni Sabrina sa dalaga ng maabutan itong tulala at naka tingin sa malayo habang naka upo sa Isa sa mga upuan sa park. Inaya Kasi ni Sabrina na lumabas itong si Asteria Kasi mula n'ong Hindi na sila nag uusap ni Clement ay parang nawalan narin ito ng gana. Hindi rin nito madalas nakakasama si Steven.

“Hindi ah, I love Steven” wika nito na parang hindi sigurado sa sinabi. “hindi ako naniniwala, alam Kong Mahal mo na si Clement sad'yang Hindi mo lang maamin sa sarili mo, at iniisip mo na baka huli kana..na baka may girlfriend na 'yong ta—wait!” naputol ang dapat na sasabihin pa sana nito.

“Oh?” confused. Asteria asked.

“ ‘diba si Steven 'yon? akala ko ba may trabaho s'ya? Eh bakit iba 'yong tinatrabaho? Ayun oh! May kahalikang ibang babae. 'diba yung fiance n'ya 'yan? Akala ko ba hiwalay na sila?” Sabrina said sabay turo Kay Steven at sa babaeng kasama nito.

Natulala si Asteria sa nakita nito at agad na napaluhod at humahagulhol ng iyak.

“Asteria, lalapitan ba natin?” tanong ni Sabrina habang hinahagod ang likod nito para pakalmahin.

Agad na tumayo si Asteria at inayos ang sarili. “Oo” sagot nito.

Agad na naglakad ang dalawa tungo sa kinaroroonan ni Steven at ng babaeng kahalikan nito.

“So, you cheated on me again and again and again. what's new? Bakit pa ako magtataka eh gan'to kanaman talaga 'diba? Ang Tanga tanga ko lang Kasi naniwala ako sa'yo. Ang Tanga Tanga ko lang Kasi mas pinili kita kesa sa lalaking pinapahalagahan ako.” umiiyak na wika ni Asteria ng makalapit sa kinaroroonan ni Steven.

“A-asteria., anong ginagawa mo dito?” utal na tanong nito. “To breaking up with you. Cheater!” sambit nito sabay sampal Kay Steven. Hindi na nito hinayaan pang makapag salita ang binata bagkos ay tumalikod na ito at inaya si Sabrina na umuwi na lamang.

RAINING IN TARLAC Where stories live. Discover now