Chapter 4

5 4 0
                                    

"Ugh!! Nasaan na ba kasi ang bwesit na bag na 'yon!" pagmamaktol ko habang hinahanap sa paligid ng lawa ang bag na dala-dala ko lang kanina.

Mahigit sampung minuto na akong naghahanap at nalibot ko na ang buong lawa pero ni anino nang bag ay di ko nakita.

"Nandito ka lang pala. Muntik na ako maduling sa kakahanap sa'yo!" pagmamaktol ko sa sarili ko habang pinupulot ang mga gamit na nakakalat para ilagay sa bag ko. Nakita ko ito sa may batohan di kalayuan sa lawa.

Pinagpag ko muna ang damit na suot ko at inayos ang maliit na gusot dito tsaka isinukbit na sa balikat ko ang bag na dala ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tinahak ang daan papuntang Encantadia--- charizz lang!

Hinarang naman ako ng guwardya na nakabantay sa may gate nitong Academy. "May imbitasyon ka 'bang dala, iha?" tanong nito habang matiim akong tinignan mula ulo hanggang paa. Ito namang si Kuya parang hinusgahan naman ang buong pagkatao ko sa wagas na head to foot na tinginan niya.

Dali-dali ko namang binigay sa kanya ang sobre na may lamang sulat na galing kay Professor Y. Mabuti na lang at nakita ko itong sobre sa may batohan malapit sa lawa na hinulogan ko kanina. Buti na lang din at di 'to nabasa kung hindi, lagot talaga ako nito!

Matapos basahin at suriin ni Manong Guard ang sulat ay ibinalik naman niya agad ito sakin.

"Nakikita mo ba ang maliit na building na 'yon di kalayuan dito? Doon ang admission office. G mo ba?" tumango naman ako bilang tugon kahit na ang totoo ay nalilito ako. I'm so bad pa naman when it comes to directions pero bahala na si batman nito.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa building na itinuro sakin ni Manong Guard. Infairness, magaganda din ang mga facilities at buildings dito, ka-vogue ang Harvard nito. ems lang!

Nakarating na ako sa may 1st floor nitong building na pinasukan ko. Ibinaba ko muna ang bag na dala ko at lumapit sa babae na nasa harapan na sa tingin koy receptionist nitong building nato para magtanong.

"Good Afternoon po, Ma'am." bati ko dito. Napatigil naman sa kanyang ginagawa ang babae at mabilis itong napatingin sa akin. Ngumiti naman ito bilang tugon.

"Magpapa-enroll po sana ako. Heto po ang letter na natanggap ko." inabot ko naman sa kanya ang sobre. Binasa naman niya ang sulat sa loob nito.

"For the enrollment matter, you can go to Room 304 and they can accomodate you about this matter." sweet na saad nito habang may ngiti sa kanyang mga labi. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik at kinuhang muli ang letter.

Isinukbit ko nang muli ang bag sa balikat ko at hinanap ko na ang Room 304. Nang makita ko na ito ay dali-dali akong pumasok dito.

Bumulaga sa akin ang malawak na espasyo sa loob. Nagulat ako kasi kung makikita mo sa labas ay normal na kwarto lang ito pero pagpasok mo sa loob ay parang mansyon sa laki at lawak ang buong kwarto. Puro puti rin ang makikita mo sa loob. May maliit na lamesa naman sa gilid na pawang kulay puti rin. Mula sa mesa ay may makikita kang babae na nasa mid 20s na busy sa kanyang sinusulat.

Tumikhim naman ako para maagaw ko ang kanyang atensyon. Mahigit dalawang minuto na akong nakatayo ron, wala namang upuan sa kwarto na pwede kung upuan. Talagang mesa lang sa may sulok ang makikita mong gamit sa loob.

Ngumiti naman ang babae at hinay-hinay itong lumapit sa akin. "Ms. Ginger Azarcon, right?" nakangiting saad nito. Woah, don't tell me mind reader ang isang 'to?

"Yes, you're right. I'm a mind reader. And I already sense that you are coming here that's why hinanap ko agad ang Attribution Tablet pero dahil mabagal ako maghanap kaya di kita napansin. Sorry." ang cute niya pala. Nakapony-tail siya habang nakasuot nang gray na cardigan at black pants with matching stilletos. Ngayon ko lang din napansin na may dala pala siyang isang kahoy na malapad na parang tablet. Attribution Tablet ata ang tawag niya doon?

"Ahh, okay lang po." sabay ngiti na wika ko.

"I'm Elaine, and today I will be the one to accomodate your enrollment." hinawakan naman niya ang kamay ko at iginiya niya ako papunta sa table niya. At sa isang kumpas ng kamay niya ay may lumitaw na upuan sa harap ng desk niya. Umupo naman ako doon at umupo na rin siya sa harapan ko.

"So, simple lang naman ang gagawin. Ilalagay mo lang ang buong palad mo dito sa Attribution Tablet. At ilang segundo lang ay ipapakita na nito kung saang class ka nababagay." tumango naman ako bilang tugon.

Pinahiran ko muna ang kanang kamay ko dahil namamawis na ito dahil sa kaba. Kalma lang, dae!

Inilagay ko na ang buong palad ko sa Tablet at bigla itong nagliwanag. Uminit naman ang palad ko pero hindi naman siya nakakapasong init. Sakto lang, parang masarap pa nga sa pakiramdam eh.

Matapos ang ilang segundo ay nawala na ang ilaw at inalis ko na rin ang kamay ko sa tablet. Kinuha naman ni Ms. Elaine ang tablet mula sa mesa ang mariin itong tinignan.

"Voila! Here's the result." nagagalak na saad nito at itinapat sakin ang hawak na tablet nito na ngayo'y may nakasulat na. Amazing!

Name: Ginger Azarcon
Attributes: Healing Ability
Class: F

Binasa ko naman ang mga nakasulat sa Tablet at pagkatapos ay naguluhan ako. Ano ba meaning non? Nahalata naman ni Ms. Elaine na parang kumunot ang noo ko at parang naguguluhan kaya nagpresenta siyang i-explain sa akin kung ano ang meaning non.

"There are 5 classes all in all dito sa Academy which is ang A, B, C, D and ang F class na kinabibilangan mo. Nahahati ang class based sa ability mo. You belong to the A-class if you possessed the Four (4) elementals in this world which is ang Fire, Earth, Water and Wind." tumango-tango naman ako sa mga sinasabi ni Ms. Elaine.

"Then ang B-class is composed of the sub-elementals which is ang Wood, Lightning, and Ice. Ang C-class naman ay composed of Rock and Metal elements while ang D class ay composed of Super strength, Mind-reading, Telekenesis, Invisible and other abilities. They are in the D-class since abilities lang sila and madali lang imaster ito unlike sa Elementals na mahirap talaga i-control." explain ni Ms. Elaine sakin.

"How about sa F-class po?" maang na tanong ko.

"F-class is composed of the healing ability only. That's why nasa lowest class ito dahil everyone has healing ability, we can heal our ownselves." nakangiting sagot nito sa tanong ko.

"So, if may Healing ability pala ang lahat. Then it means po na not just one lang ang powers nang iba?" curiosity hits me talaga kaya tanong ako nang tanong. Mukhang nag-eenjoy naman si Ms. Elaine sa pagsagot sa mga tanong ko eh. Baka naaaliw lang siya sa curious na mukha ko na nakatingin sa kanya. Atsaka haler, trabaho niya to so dapat lang na sagutin niya tanong ko.

"Yes, anyone can possessed multiple and different abilities and elements. To those na nasa A-class, hindi lang isa sa mga apat na elements ang powers nila. They also possessed sub-elements and abilities. Parang rankings lang yan eh. For example, if you have Healing ability and Telekenesis, then automatic ka na mabelong sa D-class. Pero if you have Lightning and Metal elements plus Telekenesis and Healing Ability then automatic na belong ka sa B-class. So what more pa kaya if andun ka sa A-class diba?" nahihilo na ako sa mga impormasyong ibinabato sakin ni Ms. Elaine. Pero naiintindihan ko naman lahat ng mga sinasabi niya. Ang powerful pala nung mga nasa A-class noh? How I wish makaakyat ako sa rank na'yon pero malabo na since decided na ang ability ko. Di ko nga alam na may ability pala akong ganito. Atsaka di ko din alam pano i-master ang powers ko, what more pa kaya if multiple abilities meron ako? Baka natigok nako nun.

"I haven't told you this pa pala. There are overall 6 classes ang Academy na'to. Pero 5 classes lang nagco-conduct nang classes since walang students ang S-class which is ang Legendary class." agad namang pumukaw sa kuryosidad ko ang mga sinabi ni Ms. Elaine.

Vesarius Academy: The Sun And The MoonWhere stories live. Discover now