GINGER's POV"GINGER!!! BUMANGON KA NA NGA DIYAN. TULUNGAN MO AKO DITO SA TINDAHAN, MARAMING CUSTOMER NGAYON KAYA BILISAN MO. NAPAKATAMAD MO TALAGANG BATA KA! DAGDAG PALAMUNIN KA LANG TALAGA DITO SA BAHAY." narinig kong bulyaw ni Auntie mula sa labas ng kwarto ko. Kinakalampag niya ang pinto ng kwarto para talaga magising ako.
I sighed then rolled my eyes. Iritang bumangon na ako at isinukbit sa balikat ko ang tuwalyang gagamitin ko sa pagligo. "Opo, auntie. Palabas na po." sagot ko pabalik at pumasok na sa banyo para maligo.
Tumahimik naman siya sa labas ng kwarto ko. Senyales iyon na umalis na sya. Napakibit balikat na lamang ako at nagsimula nang maligo.
Tinignan ko naman ang sarili ko mula sa repleksyon na nagmumula sa salamin habang sinusuklay ang basa kong buhok. Kulay abong mga mata at kulay puting buhok na bumagay naman sa maputi at makinis kong balat. Pero napaka old fashion lang ng datingan kasi puti iyong buhok ko at kulay abo ang mata ko, ano ako matanda? or si Storm sa X-Men?
Nakakapagtaka lang din kung bakit ganito ang kulay ng mata at buhok ko. Nakuha ko ba 'to sa mga magulang ko? E hindi ko nga sila nakilala eh. Hindi din naman kasi sinasabi sa akin ni Auntie kung sino ang mga magulang ko at kung bakit ganito ang kulay ng buhok at mga mata ko. Noong sanggol pa lang daw kasi ako ay napulot niya lang ako sa tapat ng bahay nila kaya wala siyang nagawa kundi kupkupin nalang ako. Mukhang hindi kapani-paniwala diba!? Basta paniwalaan niyo nalang si Auntie. Gaslighting talent 'non eh.
At nakakalungkot lang din isipin na sa murang edad ay inabandona na agad ako ng mga magulang ko. Pero di naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila bagkus ay nagpapasalamat pa nga ako kasi kung wala sila ay wala din ako dito sa mundo.
Kay Auntie na rin ako lumaki't nagkamalay pero ni kahit na minsan ay hindi nila ako tinuring na kapamilya nila. Ni katiting na pagmamahal at atensyon ay di nila maibigay man lang sa akin. Pero okay lang nasanay na rin ako at tanggap ko naman. At ako naman ang bida sa kwentong to eh at mga side character lang sila so wapakels akoa sa kanila. (evil laugh)
Napaigtad naman ako sa gulat nang maging malabo ang repleksyon ko sa salamin at napalitan ito ng bagong repleksyon. Hindi ako ang nasa salamin ngunit kamukhang-kamukha ko ang babae na nasa repleksyon. Parang ako ito na hindi dahil kulay dilaw ang maikli at mahaba nitong buhok na hanggang bewang ang haba taliwas sa akin na hanggang balikat lang ang taas.
Ang mas lalong nakaagaw ng pansin ko ay ang kulay dilaw nitong mga mata. Nagsusumamo at parang nangungulila ang mga mata nito at parang sinasabi ng mga mata nito na tulungan ko sya. Makikita din sa mga mata nito ang takot, pighati at kalungkutan.
Naaawa ako sa repleksyon na nakikita ko ngayon sa salamin. Pero dahil sa labis na takot at pagkagulat ay tumayo na ako at hinayaan ko nalang ito.
Huminga muna ako ng malalim bago dumiretso sa pintuan palabas ng kwarto. Pinipilit ko ang sarili ko na paniwalain na guni-guni ko lang ang lahat ng iyon at hindi totoo ang lahat ng mga nasaksihan ko kanina.
Oo, tama! Guni-guni lamang iyon at hindi iyon totoo, baka gutom lang ako kaya kung anu-ano na ang mga nakikita ko. Crazy mirror!
Bumaba na ako ng hagdan upang makarating na agad ako sa tindahan ni Auntie na nasa unang palapag nitong bahay. Panghuling baitang nalang ng hagdan at makakarating na ako sa unang palapag nitong bahay ng mahagip ng mga mata ko si Joanna, ang Unica iha ni Auntie. Naglalakad ito papunta kung nasaan ako ngayon, mukhang aakyat ito sa taas. Malayo pa lang ay nakataas na ang kilay nitong drawing at halatang naiirita dahil nakita ako. Akala mo naman maganda!
Kahit malayo pa lang sya ay nakikita ko na ang maputi nitong mukha, mukhang may-ari ata ito ng factory ng harina. Mukhang nasampal naman ng pitong milyong engkanto ang mga pisngi nito sa sobrang pula. Mapupula din ang makakapal nitong labi at sobrang taas naman ng drawing nang kilay niya na di ko na mareach sa sobrang taas. Pero ang hindi ko talaga mareach ay ang malapad niyang noo at ang mataas niyang hairline. Naiimagine nyo ba mukha niya? Kung oo, feel free to comment down below if nasuka din ba kayo hehe.
Napatawa nalang ako sa itsura ng mukha nito ng palihim. Crazy Joanna!
"Tinitingin-tingin mo dyan, Luya!? Nagagandahan ka na naman sa akin no?" nakataas ang kilay at may mapanuyong ngiti sa mga labing saad nito. Ay! Ang hangin din pala ng bwukanang beech na ito!
"Umaga pa lang ay napakaganda mo na talaga, Joanna. Pak! natural beauty kahit saang angulo." napasuka naman ako ng palihim sa mga sinasabi ko. Di ako sinungaling at plastik na tao pero pagdating sa babaeng ito ay nagiging ganun ako.
Kapag kasi binara at nilait ko 'tong babaeng lamang lupa na'to, 'tyak isusumbong ako nito sa nanay niyang kapatid ni Shrek. And worst, di na naman ako pakakainin nun ng isang linggo. Kaya lesson learned, wag awayin at gambalain ang mga kampon ni Satanas.
Ngumiti lang ng pagkatamis-tamis si Joanna sakin at nilagpasan na ako at nagpatuloy na ito sa pag-akyat sa hagdan. Ganun talaga ang takbo ng buhay ko dito sa puder ni Auntie, kung di ka makikipagplastikan ay mamamatay kang gutom.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretso na sa tindahan ng bruhilda kong Auntie.
"Ibigay mo ito doon, atsaka doon din at ito naman sa Table number 5." turo ni Auntie at ibinigay na ang order ng mga pesteng customer. Charurut lang!
Nagkapatong-patong naman ang mga bowl na nakalagay sa tray kaya wala na akong makita sa harap ko. Pero dahil sanay na ako sa ganito ay di na mahirap sakin, talagang sanayan lang 'yan. Dinala ko na ang mga order sa dapat ay paglagyan nila.
Napaupo naman ako at pinahid ang namumuong pawis sa noo ko. Nakakapagod. Sana pasukan na para makaalis na ako dito sa lugawan ni Auntie. Pagmay-pasok kasi ay di niya ako pinapatulong dito sa lugawan niya pero pag weekends at ngayong summer ay whole day ako kagaya ngayon. Nakakapagod. Sumasakit ang likod ko huhu. I need massage!
"Oi, isarado mo na itong tindahan pagpumatak na ang 10 o'clock. Matutulog na ako dahil maaga pa akong mamamalengke bukas." tumango na lang ako at bumalik ulit sa pagliligpit ng mga plato sa lamesa.
Pumasok na si Auntie sa loob at magbubeauty rest na daw sya. Di ata siya na inform na wala naman siyang beauty kung hindi rest lang. Echoserang froglet!
Magsasara na sana ako nitong lugawan ng may humintong itim na van sa harap mismo nitong tindahan ni Auntie. Wala na kaming pagkain, aba at bad timing naman sila.
Akma na sana akong lalapit sa van at sabihan silang wala na kaming tinda ng may lumabas ditong apat na lalaking nakaitim. Ano 'to!? Men in Black? So ano sunod, kikidnapin nila ako? Tapos sisingilin nila si Auntie ng pera kapalit ko. Pero for sure di ako 'nun tutubusin, mas magdidiwang pa 'yun dahil wala na ako sa mga buhay nila.
Bigla naman akong kinabahan. Para nang sasabog ang puso ko dahil sa kaba. Jusko po, ayoko pa mamatay huhu. Ba't kasi sa dinami-rami ng tao, ako pa napagdiskitahan nilang kidnapin. So ano 'yun, random selection tapos ako ang napili nilang kidnapin? Pwede ba 'yun?
Pwede ko naman din silang pakiusapan na si Auntie or di kaya'y si Joanna nalang kidnapin nila. Or pwede din iyong dalawang bruha nalang ang kunin nila. Ayaw pa nila nun, buy 1 take 1 na sila. Nagsasale na kaya ngayon kasi summer na.
Lumapit naman ang isa sa kanila patungo sa direksyon ko na sa tingin ko'y ang lider nila. Gusto kong tumakbo para makahingi ng tulong pero ayaw naman makisama ng pisteng mga paa ko. Nanatili lang akong nakatayo at hindi makagalaw habang nakatutok pa rin ang mga mata ko sa lalaking naglalakad papunta sa direksyon ko. Kung ito na ang oras ko, malugod ko na itong tatangapin. Ang excited naman kasi ni Lord na makapiling ako sa langit e.
Nanatili pa rin akong nakatayo sa pwesto ko. Nakalapit na ang lalaki sa kinaroroonan ko. Napakunot naman ang noo ko ng may iniabot itong sobre sa akin. Parang may sariling buhay naman ang mga kamay ko na mabilis itong inabot. Sinipat ko naman ng tingin ang sobreng kulay ginto, kulay ginto din ang logong nakasealed sa gitna nito. At mukhang logo ito ng isang sikat at mamahaling eskwelahan.
Magtatanong na sana ako kung para saan itong sobre ng pagbaling ko ng tingin ay nawala na silang apat pati na rin ang van na sinakyan nila. Weird.
Napakibit-balikat na lamang ako at isinarado na ang tindahan at dumiretso na sa kwarto ko.
Habang nakahiga ay sinisipat ko ng tingin ang sobreng ibinigay sa akin nung lalaki. Binasa ko naman kung anong nakalagay sa logo 'Vesarius Academy: School for the Gifted'. Ngayon lang ata ako nakarinig ng ganitong eskwelahan dito sa probinsya namin.
Dahil sa matinding pagod ay mabilis akong dinalaw ng antok habang hawak ko pa rin sa kamay ko ang sobre.
YOU ARE READING
Vesarius Academy: The Sun And The Moon
FantasyWelcome to Vesarius Academy, a school full of magic.