Prologue

14 4 0
                                    


3rd Person POV


(Dark Kingdom)

"Lord Dreyfus, hinahanap kayo ng babaylan, may importante daw siyang kailangan sa inyo." matapos magsalita ay bumalik naman sa kanyang posisyon ang kawal.

"Papasukin ninyo." utos ng makapangyarihang hari ng kadiliman. Kasalukuyan itong nakaupo sa kanyang trono habang matiim na sumisipsip ng alak sa kanyang baso.

"Mahal kong Dreyfus, sa wakas at nagkita rin tayo." malanding sabi ng babaylan. Bata pa ang naturang babaylan at isa siya sa pinakamakapangyarihang babaylan sa Dark Kingdom.

"Ano ang kailangan mo, Layla? Huwag mong sayangin ang oras ko." mahinahon ngunit may otoridad na ani ng Hari ng kadiliman.

"May nakita ako sa bolang kristal ko, isang vision." tumingin ito ng nakakaloko sa hari bago nagsalitang muli. "At ang nakita ko mula sa Bolang Kristal ko ay ang vision na nagsasabing ikakabagsak mo." at tumawa naman ang babaylan na parang sinapian ito.

Hindi naman natinag ang hari sa rebelasyon ng babaylan kahit na alam nito na totoo ang mga nakikita at hula nito. Dahil totoo at walang palpak sa lahat ng mga vision ang nasabing babaylan.

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" tanong ng nagugulahang Hari ng kadiliman.

"Nakita ko na ang ipinagbubuntis ngayon ng Reyna ng White Kingdom ang 'syang makakapagpabagsak sayo at sa buong Dark Kingdom." parang tinakasan naman ng kanyang dugo sa buong katawan ang hari dahil sa mga narinig. "Ang mga bata na ipinagbubuntis ngayon ng reyna ang tatalo at papatay sayo at sa buong Dark Kingdom." at tumawa itong muli na para bang wala ng bukas.

"Mga? Higit pa sa isa ang ipinagbubuntis ngayon ng Reyna ng White Kingdom?" mas lalong gumulo ang isip ng hari dahil sa sinabi ng babaylan.

Lumapit naman ang bata at seksing babaylan sa hari at may ibinulong sa tenga nito. "Oo, kambal ang ipinagbubuntis ng reyna." bulong nito.

"At basi sa mga nakita ko sa aking bolang kristal, ang kambal na iyon ang makakapagpabagsak sa iyo at sa buong Dark Kingdom. At hindi lang iyon ang mga nakita ko, ipinakita din sa akin kung ano ang kahinaan ng kambal." pumukaw naman sa atensyon ng hari ang mga huling sinabi ng babaylan.

"Ano ang mga nakita mo?" hindi makapag-antay na wika ng hari. Napangisi naman mula sa kanyang kinatatayuan ang babaylan sapagkat tumukob sa kanyang bitag ang hari.



(White Kingdom)

Kasalukuyang nasa isang pribadong kwarto at matiim na nag-uusap ang Reyna ng White Kingdom at ang babaylan na naninilbihan dito.

"Ang araw ay para sa buwan at ang buwan ay para sa araw. Pagsapit ng kanilang ika-dalawampung kaarawan, ang araw at ang buwan ay magiging isa. At ang kanilang nagising na kapangyarihan ay lulukob at siyang makakagapi sa buong kadiliman." makahulugang sambit ng matandang babaylan sa mahal na reyna.

"Anong ibig nyong sabihin?" naguguluhang pahayag ng reyna.

"Kambal ang iyong magiging anak, mahal na reyna. At nagtataglay sila ng kapangyarihan na mula sa araw at buwan. At sila ang susi para matalo natin ang kadiliman." napabuntong hininga naman ang reyna dahil sa mga narinig sabay himas sa malaking umbok sa tiyan nito.

Vesarius Academy: The Sun And The MoonWhere stories live. Discover now