GINGERMadilim. Napakadilim. Mistulang nasa loob ako ng isang kawalan at napakadilim nito. Di ko alam kung nasaan ako at nagising nalang ako dito sa napakadilim na lugar na ito. Kahit saan ako tumingin ay nilulukob ito ng dilim. Nararamdaman ko naman ang mabigat na enerhiya na nakalukob sa buong lugar.
May narinig naman akong isang sigaw mula sa kanan ko at may naaninag din akong ilaw mula roon. Mabilis naman akong tumakbo papunta doon. Sa bawat takbong ginagawa ko ay ang pagbilis ng pintig ng puso ko at pagbigat ng nararamdaman ko. Parang ayoko na tuloy makita kung ano ba ang maaari kong makita kapag makarating ako doon.
Naaninag naman ng mga mata ko ang babaeng kamukha ko. Siya iyong babaeng nakita ko sa repleksyon ko sa salamin. Iyong babaeng may dilaw na buhok at mata. Kasalukuyan itong nakikipaglaban sa isang aninong parang halimaw. Nakakamangha lang pagmasdan dahil kamukha ko talaga siya. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang bola ng kapangyarihan na lumalabas sa mga kamay nito. Kulay dilaw ang mga bola na lumalabas sa kamay niya at pinagbabato niya ito sa mga sumusugod sa kanyang mga halimaw. At ang bawat matamaan nito ay namamatay dahil sa sobrang liwanag ng kapangyarihan niya. Ang galing.
Parang tinakasan naman ako ng lakas sa mga sunod kong nasaksihan. Pinapalibutan na siya ng mga halimaw na parang anino. Sunod-sunod syang inatake ng mga ito. Natamaan siya ng isang bolang itim na galing sa mga halimaw at bumagsak siya. Nakatingin sa gawi ko ang ulo niya. Nakangiti. Nakangiti ito sa akin at parang pinapahiwatig ng mga ngiti nito na nagtagumpay siya sa ginawa niya.
"A-academy... V-vesarius..." nahihirapan at utal na saad nito.
Lalapitan ko na sana siya pero bago pa man ako makalapit ay bigla nang sinakop ng kadiliman ang kinaroroonan nila. Nawala na ang mga halimaw at pati na rin iyong babaeng kamukha ko. Wala man lang akong nagawa para mailigtas siya. Nanghihinang napalunod naman ako. Napaiyak na lang ako dahil ang hina-hina ko, wala akong nagawa para tulungan ang babae.
Napabalikwas naman ako ng bangon habang hinihingal. Basang-basa ako at naliligo sa sarili kong pawis habang habol-habol ang hininga ko. Parang tumakbo ako ng milya-milya dahil sa sitwasyon ko ngayon. Bigla namang pumasok sa isipan ko ang panaginip ko. Malinaw pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari. Ang babae at ang mga halimaw. Naalala ko rin ang mga sinabi niya. Vesarius... Academy... Parang pamilyar iyon sa akin, saan ko nga ba nabasa at narinig iyon.
Bigla ko namang naalala ang sobre at ang sulat. Tama, sa sobre ko nga iyon nakita at nabasa. Mabilis ko naman iyong hinanap at mabuti nalang at di ito nawala. Nakita ko ang sobre sa ibaba ng kama ko. Pinulot ko ito at dali-daling binuksan kung anong laman nito. Binasa ko ang nakasulat sa sulat na nakapaloob sa sobre.
Mahal kong Bb. Ginger Azarcon,
Magandang Araw! Malugod ka naming iniimbitahan sa aming paaralan. Dito ay mas mahahasa mo pa ang iyong espesyal na abilidad na bigay ng Panginoong Vesarius. Halina't mag-enroll ka na sa Vesarius Academy, eskwelahan para sa mga batang pinagpala kagaya mo. Nasa likod nitong sulat ang isang mapa papunta sa Academy. Stay safe and good luck!
Nagmamahal,
Professor Y...Bigla namang kumabog ng mabilis ang puso ko matapos kong mabasa ang sulat. Vesarius Academy... isa ako sa mga pinagpala... espesyal na abilidad. Para namang umiikot ang ulo ko sa napakaraming tanong na kahit niisa ay di ko masagot. Dumagdag pa iyong nagpadala ng sulat, napaka-pormal masyado. Si Maria Clara ba sya at di pa rin sya nakakapagmove-on sa panahon. Hello, 21st century na mga ateng!
Napaisip naman ako. Siguro kung pupunta ako dito sa Vesarius chuchu--- na'to, ay baka masagot na ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko. Tama! Pupunta ako ngayon sa Academy at magpapa-enroll ako ngayon. Baka dun ko mahanap ang sagot sa mga katanungan ko. At baka dun ko din mahanap ang babaeng dumadalaw sa mga pananginip ko, ang babaeng kamukha ko.
Hinay-hinay naman akong naglalakad sa sala palabas ng bahay. Ayokong makagawa ng kahit na anong ingay at baka magising ang mga tao sa bahay. Ayokong malaman nila na aalis ako at baka ayaw pa ako payagan.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng may marinig akong boses sa likod ko na tinatawag ang pangalan ko.
"At san ka naman pupunta Luya, aber." nakataas ang kilay na tanong ni Joanna sa akin. Napabaling naman ako sa itsura niya. Sabog ang mukha nito at parang kakagising lang. Napakaputi naman ng mukha nito. Napakadami kasing anek-anek na inilalagay nito sa mukha, ewan ko baka night cream lang iyon kaya maputi ang mukha niya. Galing itong kusina at kakagaling lang uminom ng tubig dahil basa pa ang gilid ng mga labi nito.
"Ah, dyan lang sa may kanto sa labas, maghahanap ng boylet. Sama ka?" mapanuyang tanong ko dito. Umasim naman ang napakaputi nitong mukha. Parang ayaw ata sa ideya ko.
"Wag na, di ako pumapatol sa mga cheap na tambay. Atsaka ba't may dala kang bag." maang na tanong nito at napakunot pa ang noo. Patay! Lagot na!
"M-magcacamping kasi kami, alam mo na Girls Scout thingy. Irerecruit ko na din iyong mga boylet na tambay sa kanto para may kasama ako sa camping namin. Heheheheh." pagsisinungaling ko sabay pilit na tumawa. Mukhang nakumbinsi naman siya at napatango-tango pa.
"O sya, goodluck sa camping niyo. Kung kailan ka pa tumanda tsaka ka pa sumali sa mga pakulong ganyan. Matutulog na ako, isarado mo nalang ang pinto paglabas mo, Luya ha. Wag tatanga-tanga!" utos nito sabay hikab pa. Nag-umpisa na itong maglakad pataas. Hudyat na rin iyon para makalabas ako ng buhay dito sa impyerno ni Auntie na kapatid ni Fiona na asawa ni Shrek.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas ako ng gate. Nilasap ko naman ang presko at malamig na hangin. Alas tres palang kase ng madaling araw kaya malamig pa ang hangin at medyo madilim pa. Nilapag ko naman ang bag na dala ko at hinanap sa loob ng bag ang mapa na gagamitin ko. Nang mahanap ko na ay mabilis ko itong dinampot at isinarado na ang bag.
Isinukbit ko na ang bag na dala ko at tinignan ng mariin ang map. Sinuri ko ito at hinanap kung saang daan ako magsisimula. Naglakad na ako at nagtiwala na lamang sa mga paa ko kung saan man ako nito dadalhin.
Pero bago pa ako makapagsimulang maglakad ay napatingin muli ako sa bahay at sa tindahan ni Auntie. Hays, mamimiss ko itong bahay at ang lugawan ni Auntie. Dito na kasi ako lumaki't nagkaisip kaya mamimiss ko talaga ito. Mamimiss ko rin ang mga bulyaw at sigaw ni Antie at ang pangit na mukha ni Joanna. Mamimiss ko silang lahat, pamilya na rin kasi ang turing ko sa kanila kahit na di nila ako tinuturing na kapamilya nila.
Pinahid ko naman ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko. Gosh, ang drama ko!
Napabuntong hininga na lamang ako at pinagmasdang muli ang bahay sa huling pagkakataon ng may mga ngiti sa labi. At itinuon ko na ang atensyon ko sa daan. Handa na akong pasukin ang bagong mundong naghihintay sa akin. Exciting!
YOU ARE READING
Vesarius Academy: The Sun And The Moon
FantasíaWelcome to Vesarius Academy, a school full of magic.