"S-class? Legendary class? Ano po 'yon?" maang na tanong ko. Kahit pigain ko pa utak ko, wala talagang pumapasok na ideya kung ano ba talaga meaning sa lahat ng mga sinabi ni Ms. Elaine sakin ngayon. S-class? Ano yorn? S-class by Straykids lang alam ko eh? Awieee, eme lang po.
"Yes. May last class pa at ito ang S-class. Kaya ito tinawag na Legendary class kasi top-tier ang power na bumubuo nang klase na'to." tumango tango naman ako bilang tugon na nagpapahiwatig na interesado at naiintindahan ko ang lahat nang mga binibigkas ni Ms. Elaine sakin.
"S-class is composed of the Moon and Sun power."dugtong niya
"Bakit walang students sa S-class? Meaning ba 'non ay walang sinumang tao ang nandito sa Academy ay may kapangyarihan at nagtataglay nang Sun and Moon power?" napapadyak naman si Ms. Elaine sa tuwa na parang nanalo sa lotto. Parang timang naman to!
"Yes, tama, korique ka dyan!" nagagalak na ani niya sabay kurot sa pisngi ko. Arouch naman!
"Kung ganon nga po, bakit wala pong may powers na ganun? Siguro napaka powerful po 'non siguro." tanong ko.
"Sabi sa propesiya 19 years ago, mayroong nagtataglay nang kapangyarihan na yon. Pero long story na 'yon at nakalakip na yon sa history nitong White Kingdom. Malalaman mo rin 'yun sa History class mo." wika niya habang nililigpit sa desk niya ang Attribution Tablet.
"Heto ang susi sa dorm mo. Magkaiba ang dorm nang bawat classes. Andun na rin sa dorm room mo ang uniform na susuotin mo bukas." nakangiting saad ni Ms. Elaine sabay abot sakin ang kulay pilak na susi para sa room ko. Inabot ko naman ito at inilagay ko agad sa bulsa ko.
"Pero di ko po alam kung saan papuntang dorm po eh." awkward na smile naman ang iginawad ko sa kanya sabay kamot sa ulo ko. Madali lang talaga ako maligaw. Kahit pagpunta nga dito sa Academy ay halos abutin na ako nang siyam-siyam eh. huhu
"Ganon ba? Don't worry, I can help you with that matter." nakangiting saad nito. May sinabi naman siyang parang chant at walang segundo pa nga ay may biglang lumitaw na liwanag sa harapan niya. Mga 2seconds lang ang itinagal nang liwanag at may lumabas na fairy sa liwanag na 'yon.
Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para malamang di talaga ako namamalikmata. Totoong fairy talaga ang nasa harapan ko.
"This is my guardian. Her name is Ditcy. Since my attribute is Ice, so, ang fairy guardian ko is Ice fairy." lumipad lipad naman sa hangin ang fairy na si Ditcy na parang nagpapakitang gilas ito. Ngumiti naman ako kasi ang cutie nito, gusto ko rin nang fairy guardin. huhu
"So, siya magiging guide ko papuntang dorm?" tanong ko habang nakatutok pa rin kay Ditcy na masayang lumilipad. Tumango-tango naman si Ms. Elaine na palatandaang magiging guide ko nga si Ditcy papuntang dorm.
Lumipad na papuntang pintuan si Ditcy kaya sumunod na rin ako. Pero kumaway muna ako kay Ms. Elaine bago umalis. Nasa may pintuan na ako nang bigla siyang magsalita.
"Don't forget that classes starts tomorrow. Goodluck, Ms. Ginger!" pahabol na sabi nito. Ngumiti naman ako sa kanya at isinarado na ang pinto nitong Admission room.
Humugot muna ako ng napakalalim na hininga bago maglakad papunta sa dorm ko. Hindi na mahagilap ng dalawang mata ko kung nasaan na si Ditcy. Saan na ba 'yon?
Nakalabas na ako ng building nang makita ko siya. Hinabol ko naman siya agad. Bumagal naman ang lipad niya nang makita niya ako. Ang bilis naman kasi lumipad nitong fairy na'to eh, sarap tirisin.
"Nagsasalita ka ba?" tanong ko dito. Umiling naman ito bilang sagot. Ahh so hindi pala sila nagsasalita, sayang naman. Gusto ko pa namang makipagdaldalan sa magiging fairy guardian ko kung meron man.
Tahimik lang akong naglalakad habang sinusundan si Ditcy. Namamangha kasi akong pinagmamasdan ito. Mga 5-6 inches lang ang haba nito. Nakasuot ito ng white na flowy dress na abot hanggang tuhod nito. Puti rin ang buhok nito na hanggang balikat lang ang taas. Kumikinang naman ang pakpak nito dahilan sa pixie dust na nakapalibot dito na nagsilaglagan rin pag lumilipad siya. Ngayon ko lang din napansin na matalas pala ang tenga niya. May suot din itong make-up na purong puti din. Puti na maskara, eyeshadow at lipstick. Kaya siguro white lahat ay dahil Ice Fairy siya.
Natigilan naman ako nang huminto si Ditcy sa paglipad at nakalutang lang ito sa hangin. Nakatingin naman ito sa harapan niya. Nakarating na pala kami sa F-class dormitory nang di ko namamalayan kasi pinagmamasdan ko lang si Ditcy habang lumilipad. Tinignan ko naman ko saan ito nakatingin. Tinitignan pala niya ang sign board na may nakalagay na 'F-class'.
"Thank you, Ditcy." masayang saad ko dito. Ngumiti naman ito at humalik sa pisngi ko bago kumaway at nagpaalam na. Nakiliti naman ako sa paghalik ni Ditcy sa pisngi ko, ang kyot lang kase. Lumipad na ito paalis at kumaway naman ako sa kanya pabalik.
Nang mawala na ito sa paningin ko, humarap na ako sa building nitong dorm. Humugot muna ako ng napakalalim na hininga bago pumasok rito.
Mabilis ko namang nahanap ang room ko kasi nasa 2nd floor lang nitong building ang room ko. Atsaka maliit lang ang nakatira o naka-okupa dito sa F-class dormitory. Dahil siguro sa madalang lang ang estudyante sa F-class.
Pumasok naman ako sa room ko at hindi na ako nagulat sa lagay nitong dorm ko. Expected ko na agad na wala masyadong gamit sa room ko. Maliban sa bed, may isang study table, isang maliit na cr, maliit na cabinet at wala nang iba pang gamit. Normal na kwarto lang talaga ito.
Kung ganito ang sitwasyon sa F-class, ano pa kaya ang lagay sa ibang dormitory class? Ang fancy siguro or para bang Hotel type na room. Namotivate naman akong magchange class pero malabo na siguro since di ko nga alam paano gamitin itong powers ko, magkaroon pa kaya ng multiple powers para lang magchange nang class?
Humiga na ako sa kama nitong kwarto ko. Hindi masyadong malambot ang kama. Okay lang naman din as long as may natutuluyan ako. Atsaka sanay naman din ako sa kahirapan noh. Sino namang di masasanay kung nakatira ka nang 19 years sa puder nang bruhilda mong Auntie at chaka na pinsan. Minsa nga sa may aso ako natutulog eh o di kayay sa tindahan niya ako natutulog pag may nagawa akong mali. Talagang sanayan lang yan!
Nag inat-inat naman ako ng katawan. Sa wakas at nakahiga na rin ako. What a day, indeed! Nakakapagod ang araw na ito. Marami ang nangyari sa loob lang nang isang araw. Nabago rin ang buhay ko sa loob lang din nang isang araw. Makakaya ko kayang harapin ang bagong buhay na ito? Pinili ko naman ito at paninindigan ko ito. May nagtutulak rin sa isang parte nang sistema ko na tama ang naging desisyon ko ngayon, na mag-aral dito sa Academy. Hindi dahil magiging maayos lang ang buhay ko dito ay dahil na rin may nararamdaman at matutuklasan akong bago sa pagkatao ko. Ano kaya 'yon? Excited na em!
Dahil sa labis na pagod ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Vesarius Academy: The Sun And The Moon
FantasyWelcome to Vesarius Academy, a school full of magic.