GINGERKanina pa ako palakad lakad dito at di ko na alam kung saang lupalop na ako ng mundo. Tirik na tirik na rin ang araw at sa tingin ko'y alas dyez na ng umaga.
Juskolord, kanina pa ako lakad ng lakad dito. Sumasakit na rin ang mga paa ko at kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. Send nudez--- I mean help huhuz.
Kanina pa ako lakad ng lakad at ikot ng ikot dito sa mall. Ito kasi ang huling destinasyon na sinasabi dito sa mapa. Padabog naman akong umupo sa isa sa mga upuan dito sa mall. Ako ba niloloko nitong map. Haler, mag-eenroll ako sa isang Academy at di ako magliliwaliw dito sa loob ng mall. Kailan pa naging eskwelahan ang mall, aber!?
Inis naman akong napapadyak, naiiyak na rin ako. Pinagtitinginan na rin ako ng mga tao dito sa loob. Nahihiya akong tumayo at tinignan nalang ulit ang mapa na hawak ko, kunwari busy ako at may ginagawa. Naglakad na ulit ako at sinundan ang tinuturo ng mapa. Di ko namalayang dinala ako nito sa isang boutique at nakaharap ako sa dressing room nila dito. Base sa mapa, ito na ang pinakahuli at daanan papuntang academy. May nakalagay kasing ekis doon so meaning dito na talaga ang daanan. So ano to, portal ganern!? Pag ako talaga pinaglololoko nung Professor Y na 'yun, babangasan ko talaga siya.
Dahil wala na akong magagawa, pumasok nalang ako sa nag-iisang dressing room nila at bumulaga sa akin ang naglalakihang mga salamin nila na nakadikit sa mga dingding. So saan ang daan papuntang academy, aber!?
Padabog naman akong umupo sa sahig nitong fitting room at sumandal sa salamin. Akala ko pa naman masasagot na ang mga katanungan ko. Masasagot na rin ang katanungan ko tungkol sa babaeng nagpapakita sa panaginip ko. At ang tungkol din sa Vesarius Academy... isa ako sa mga pinagpala... espesyal na abilidad.
Tsk, sino namang maniniwala na may nag-eexist na ganung eskwelahan, atsaka special ability!? Naku, di rin totoo ang magic. Ngayon ko lang napagtantong niloloko lang pala ako nung sulat. Sino namang normal na tao na maniniwala na may magic!? Wala, ako lang na abnormal pa. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis at iritasyon.
Naramdaman ko namang lumiwanag ang salamin na nasa likuran ko. Kulay green ang nilalabas na ilaw nito. Dali-dali naman akong tumayo at hinarap ang salamin, baka namamalikmata lang ako. Pero totoo, dahil kitang-kita ito ng dalawang mata ko. Nakatapat naman sa akin ang liwanag nito at para akong inaalisa. So ano 'to, body scanner!?
Iniscan ng salamin ang buong katawan ko. Mula ulo hanggang paa ay may dumaang kulay berdeng liwanag. Wow... napakahigh-tech naman nitong salaming ito. Para saan ito, para malamang di kami nagshop lift ng mga damit nila?
Pagkatapos ako maiscan ay may lumabas na liwanag mula dito. Mas maliwanag ito ngayon at nilulukob nito ang buong katawan ko. Napapikit na lamang ako dahil sa sobrang liwanag na nakakasilaw. Para rin akong hinihigop nito. Literal na hinihigop talaga ako ng salamin, walang halong joke. Hinihila ako nito at hinihigop papasok sa salamin.
"Aaaaaahhhh." mariing sigaw ko ng maramdaman ng katawan ko na mahuhulog ako. Niyayakap ng malamig na hangin ang buong katawan ko at hinihila ako ng isang napakalakas na pwersa. Napapikit na lamang ako dahil sa posibilidad na mangyari kapag tuluyan akong nahulog. Sa pagkakaalam ko ay nasa harap lang ako ng isang nagliliwanag na salamin. Pero bakit ganito... bakit nahuhulog na ako. Sure na ba talagang mahuhulog ako, MAMA tulonggg!! Hindi MNET ASIAN MUSIC AWARD 'yan huh!? Kundi MAMAAAA koooo!?
Malakas na pwersa naman ang tumama sa likod ko. Pero hindi naman ako masyadong nasaktan, sa tingin ko ngay sa tubig ako nahulog at hindi sa lupa. Pero bakit ba ako nahuhulog kanina, wala naman akong naaalala na tumalon ako dun sa mall.
Niyakap ng lamig ang buong katawan ko dahil na rin sa basang-basa ako sa tubig. Tumayo na ako at palinga-lingang pinagmasdan ang paligid ko. Wow, just wow mga bhie! Naniniwala na talaga ako sa magic pero hindi sa poreber kasi walang FOREVER!? Yung JaDine nga naghiwalay so wala nga talagang forever, bleeee!
Nagagalak na pinagmasdan ko naman ang mga tanawin sa paligid. Naglalakihan at kumikinang na mga puno at halaman sa paligid, napakalinaw at napakalinis rin nang tubig na nasa harapan ko. Para itong lawa pero hindi naman malalim, napakalinaw pa ng tubig nito na pwede na akong manalamin dito. Nakaawang ang bibig na tumingin ako sa paligid. Sobrang nakakamangha talaga ang lugar na ito. Pero teka lang, ano bang klaseng lugar ito!? Sakop pa ba ito ng earth?
Bumulaga naman sa harapan ko ang naglalakihang kulay gintong gate. Sa gitna nito ay may naka-engraved na 'Vesarius Academy: School for the Gifted'. Eto na nga ata ang academy na tinutukoy sa sobre. Nagagalak naman akong umahon sa tubig sabay napapalakpak pa. Napatingin naman ako sa damit ko, basang-basa ako. Paano ako nito makakapag-enroll sa ganitong itsura. At saan na ba iyong bag ko!?
Naiinis na pinulot ko naman ang makukulay at maliliit na batong nakita ko at pinagbuntunan ng galit ang puno sa di kalayuan. Paano na ako makakapag-enroll nito kung ngayon pa lang eh mukha na akong basang sisiw!
Pinagbabato ko ang puno gamit ang mga batong napulot ko kanina hanggang sa kumalma ako. Napaigtad naman ako ng may marinig akong dumaing mula sa puno. Luh, mukhang may natamaan ata akong maligno o engkanto.
Natatarantang lumapit naman ako sa puno at tinignan kung sino ang natamaan ko."Tabi-tabi po, sorry po kung nagambala ko po kayo." may bigla namang tumawa mula sa likod ng puno. Natatarantang tinignan ko kung sino mang engkanto ang nasa likod nitong malaking puno. Tumambad naman sa akin ang isang napakagwapong nilalang. Naiilang na lumapit ako rito.
"Do you really think na engkanto ako huh." mapanuksong saad nito pero inirapan ko nalang siya at nilipat ang atensyon ko sa ibang bagay. Ayokong makipagtitigan sa napakagwapo niyang mukha at baka mahalay ko pa sya sa isip ko, char!?
"Your face looks hilarious kanina. Nakakatawa ang itsura mo habang nahuhulog ka sa lawa pero okay lang Miss maganda at seksi ka naman e." namilog naman ang mga mata kong tinignan sya. Nakita niya ba iyong kahihiyan ko kanina. At ako maganda at seksi, psh! maliit na bagay.
Namula naman ang mukha ko sa mga sinabi niya. Aba, namumula ba ako sa hiya o sa kilig. Kinalma ko naman ang sarili ko bago ko binaling ang atensyon ko sa isang anghel na estranghero sa harapan ko.
"Ahm, may nakita ka bang bag habang nahuhulog ako kanina." tanong ko habang matiim na nakatitig sa kanya. Napakibit balikat naman siya senyales na hindi niya alam.
"O-okay. Sige una na ako, magpapa-enroll pa ako sa Vesarius Academy e." paalam ko at nginitian siya. Tatalikod na sana ako ng magsalita siyang muli.
"Basa ka miss... papatuyuin ko muna ang damit mo." sa isang kumpas ng kampay niya ay may pumalibot saking mainit na hangin at di nagtagal ay natuyo na ang mga damit ko. Take note, pati underwear! Walking dryer pala ito eh.
Ihininto na rin niya ang pagkumpas sa kamay niya at nawala na rin iyong mga hangin kanina. Nanlalaki ang mga matang napatingin naman ako sa kanya. Hindi na dapat ako mabibigla e kasi alam ko namang magical ang lugar na ito pero nakakamangha lang malaman na may taglay na kapangyarihan ang lalaking ito.
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. "I think galing ka sa Mortal World. Pero it's okay, you can get into the magic thingy. Okay, see you around the campus, baby girl." pinat naman niya ang ulo ko bago niya ako iniwan at pumasok na sa gate ng University.
OMG! Sasanayin ko na talaga ang sarili ko patungkol sa magic na nakapalukob sa lugar na'to. At BABY GIRL!? What the effing heck----
Pero I like it!! I love you na agad kuyang stranger. Saranghaeyo *finger heart*
YOU ARE READING
Vesarius Academy: The Sun And The Moon
FantasyWelcome to Vesarius Academy, a school full of magic.