"Luna, help me." saad nang batang babae habang umiiyak itong nakatingin sakin. Kamukhang kamukha ko ito nung bata pa ako. Pilit naman nitong inaabot ang kamay niya sakin na para bang nanghihingi ito nang tulong.
"Luna, please help your sister. She needs you." naiiyak din na sabi nang babae na sa tingin koy nasa mid 50s na. Nakasuot ito nang gown na parang Reyna ito ng isang kaharian, may suot din itong korona sa ulo na nagpapahiwatig na may mataas itong posisyon. Pero kahit may otoridad siyang tao, mababakas sa mukha nito ang kalungkutan. May pagsusumamo rin itong nakatingin sakin.
"We need you, Luna." boses lalaki naman ang narinig ko. Napansin ko namang may katabi palang lalaki ang babaeng Reyna. Nasa mid 50s din ito at para silang mag-asawa. Malungkot silang nakatingin sa akin.
Pinagmasdan ko naman kung nasaan ako. Napapaligiran ako ng kadiliman pero may sapat na liwanag naman para makita ko ang mga tao sa harapan ko. Apat lang kaming naririto, yung batang kamukha ko at ang mag-asawang sa tingin ko'y Hari at Reyna sa di ko alam na kaharian.
"LUNAAAAA!!!" sabay nilang sigaw tatlo. Napatakip naman ako sa tenga ko dahil sa sigaw nila.
"HINDI MO KAMI TINULUNGAN!!!" sabay na sigaw nila. Matapos nilang sabihin iyon ay biglang may lumabas na dugo sa kanilang mata, ilong, bibig at tenga. Napatakip naman ako sa bibig ko dahil parang masusuka ako sa mga nasaksihan ko.
"LUNAAAAAAA!!!" sigaw nilang muli at bigla nalang nila akong hinabol tatlo. Pero imbes na tumakbo, biglang namanhid ang mga paa ko. Hindi ako makatakbo!!! Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa takot.
Habol ang hiningang napabalikwas ako ng bangon. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil parang naninikip iyon. Nagbabadya namang tumulo ang mga luha sa mata ko kaya dali-dali ko iyong pinahid.
Bumangon na ako at naghanap ng tubig. At sa kasamaang palad, kakalipat ko lang pala dito kaya wala akong nabili maski tubig man lang. Napaupo nalang ako sa may study table nitong kwarto at nilunok nalang ang sarili kong laway para mabasa man lang ang lalamunan ko.
"Sino ba si Luna?" tanong ko sa sarili ko. Maski ako ay naguguluhan din sa panaginip ko. At sino ang mga taong yun na nagpakita sa panaginip ko. At ang bata na kamukha ko, sure akong hindi ako yun kahit na kamukha ko yon. Weird!
Napag-isipan ko namang lumabas muna dito sa dorm ko para makalanghap nang sariwang hangin. Ayoko namang buksan ang bintana sa kwarto ko baka pumasok ang alikabok sa loob. Kung kaya't napagdesisyonan ko nalang na lumabas muna.
Madaling araw na nang makalabas ako dito sa F-class dormitory. Di ko din alam kung anong oras na kasi walang orasan sa kwarto ko at wala rin akong cellphone na dala. Pero mahahalata mo namang madaling araw na kasi medyo may liwanag na mula sa kalangitan at may mangilan-ngilan na ring naglalakad dito sa loon nang Academy.
Sa paglalakad-lakad ko, di ko namalayang nakarating na pala ako sa pinakapusod nitong Academy. May nahagilap naman akong mga tao di kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon. Napagdesisyunan kong maglakad papunta roon. May karatula naman akong nadaanan na may nakalagay na "Welcome to Town Square". Pagpasok ko sa Town Square ay bumulaga sa akin ang maingay na ambiance ng naturang lugar. Marami ang stalls na nakapaligid at may plaza naman sa gitna sa mga stalls. Sa di kalayuan naman ay matatanaw mo ang mall, restaurant, Theater at marami pang iba na makikita rin sa Mortal World. Isa lang ang masasabi ko, and it's FANTASTIC!!!
Masayang naglilibot ako, feel ko kasi nasa Mortal World pa rin ako kasi ang usual na makikita doon ay nandito rin kagaya ng mga malls at madami pang iba. Nagtingin-tingin ako sa mga stalls, may nagtitinda ng mga potions, meron ding nagtitinda nang mga weapons at marami pang ibang tinda. Nakapukaw naman ng atensyon ko ay ang nagtitinda ng streetfoods. Taliwas sa streetfoods na nakalakihan ko, kasi ang mga tinda nila ay kakaiba.
"Bili kana, iha. 15 Çhurva lang ang isa." di ko alam kung anong Çhurva ang sinasabi niya kaya inassume ko nalang na money currency pala nila ito.
"Ahh, wag na po. Busog pa po ako eh." kahit ang totoo'y kanina pa talaga ako nagugutom. Pero parang umatras naman ang sikmura ko dahil sa mga tinda nila na hindi katakam-takam. May Dragon's eye in a stick, may Fried Tadpoles, Goblin's Sauted Leg at marami pang hindi pangkaraniwang mga pagkain.
Kung kanina feel ko na nasa Mortal world pa ako, ngayon ay hindi na. Parang sinampal ako nang katotohanan na nasa Magical world pala talaga ako dahil sa mga nakikita kong hindi pangkaraniwang pagkain ngayon.
Naglakad-lakad pa ako ng mga ilang minuto bago ko napagpasyahang bumalik na sa dorm ko para maghanda na dahil papasok pa ako. Sumikat na rin kasi ang araw at marami-rami na ring tao ang nandito sa Town square.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang backpack ko at bumaba na para pumunta sa cafeteria. Sinabi rin kasi ni Ms. Elaine sakin kahapon na all meals ay covered na nang Cafeteria kaya walang kusina sa mga dorm kasi doon lahat kakain ang mga estudyante.
Pagdating ko ay siksikan na ang pila at halos puno na rin ang cafeteria. Wala akong choice kundi makipagsiksikan nalang kesa naman magutom pa ako. Halos limang minuto akong nalipagsiksikan bago makarating sa unahan. Kumuha ako agad ng plato at kusara't tinidor. Kumuha ako ng sapat na pagkain lang at dali-dali na akong kumain dahil sa tingin ko'y malalate na ako sa first subject ko.
Iba-iba naman ang mga building sa lahat nang classes kung kaya't hinanap ko ang F-class building. Hindi naman ako nabigo at madali ko lamang iyong nakita. Pumasok ako agad at hinanap ang Room number ko na nakalakip sa study load ko. Pagkakita ko'y hindi na ako nag atubili at pumasok na agad. Bumungad naman sa akin ang Professor na kaka-start pa lang na magdiscuss at mangilan-ngilan ding mga estudyante.
"You're 3 minutes late, Miss. I will consider that because first day of the class palang naman. By the way, you may introduce yourself to the whole class." maotoridad na ani nang Professor na nakaharap sakin ngayon. Nakapang business suit ito, mahahalata mong nasa mid 40s na ito kase malapit na siyang mapanot at manipis na lang ang kanyang buhok.
"A-ahh, hello everyone. I'm Ginger Azarcon, 19 years old." nauutal na saad ko. Medyo kinakabahan ako kase lahat sila ay nakatutok sa akin.
"And obviously your attribute is Healing since wala namang ibang ability na nakalakip sa F-class kung hindi Healing ability lamang. So, you may now seat. You can find any vacant seat nalang. There are many vacant pa naman so you can seat anywhere you like."pagkatapos niya sabihin yon ay nagpatuloy na siya sa kanyang dinidiscuss.
Naghanap naman ako nang vacant seat. Halos lahat naman ay vacant at parang mga nasa hindi lagpas sampu lang ang students na naririto ngayon. Napili ko namang umupo sa pinakalikod nang room since wala namang nakaupo maski isa doon.
Nakinig na ako sa discussion ni Sir. History pala ang first subject ko ngayon. Akala ko mabobored ako pero hindi pala. Lahat nang mga narinig ko sa discussion ni Sir ay bago sa tenga ko. At mas nasasabik akong matutunan lahat nang iyon dahil interesado ako sa Magical na mundong ginagalawan ko ngayon.
YOU ARE READING
Vesarius Academy: The Sun And The Moon
FantasíaWelcome to Vesarius Academy, a school full of magic.