Kabanata 22

881 59 8
                                    

🍓with🍫

"Anong susuotin ko, tangina!" Ginulo ko ang sariling buhok.

Sabado na at ngayon ang napag-usapan naming lakad ni Sean.

Kinabukasan ng pagpunta namin sa building ng mama niya ay hindi talaga ako nito tinigilan. Nagpaplano na siya ng kung ano ang mga gagawin. Salita siya ng salita at tatanongin ako kung gusto ko rin ba ang mga pinaggagagawa niyang list.

Bukod sa mga pagkain, puro rides ang nandoon pero pansin kong puro pangmabababa lang. Walang ferris wheel, Rollercoaster at iba pang pangmatataas. Hindi ko na iyon pinansin dahil baka nakalimutan niya lang.

Kanina pa ako rito. Hindi ako makapili ng susuotin. Gusto ko 'yong mapopogian siya sa'kin. Pero paano ko magagawa iyon, e, mukha akong babae. Ang hirap talaga.

Nakakalat na ang mga damit ko sa sahig kakahalungkat. Ang papangit ng mga damit ko.

Ilang minuto pa akong naghalungkat sa closet ko at buti nalang may nakita akong maayos-ayos.

"Bahala na nga!"

Agad akong naghubad ng saplot at sinuot ang faded loose jeans na nahanap ko at white t-shirt. Pinatungan ko na rin ng light pink na jacket dahil baka lamigin ako. Sean said na baka gabihin kami kaya baka malamig.

Nang makita sa salamin na maayos na ako. Agad akong tumungo sa drawer ko at inilabas ang camera.

As usual, I'll save the memories.

Balak ko sanang mag mirror shot pa pero hindi ko na iyon nagawa dahil narinig ko ang boses ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Klew! Nandito na si Sean Bin! Huwag ka na masyadong mag-ayos dahil kahit anong ayos mo, ang asim mo tignan!"

Ang aga naman ng mokong na 'yon?

"Wait lang, 'ma! Epal ka talaga! Pakisabi hintay lang! Hindi pa ako tapos itago ang kaasiman ko!" Ginatongan ko ang sinabi niya.

Wala na siyang sagot sa'kin pagkatapos ng ilang segundo kaya humarap na ulit ako sa salamin dahil baka umalis na ito at bumaba.

Inayos ko ang damit at nag spray ng perfume na konti. Binili ko talaga itong Strawberries and Champagne perfume ng Victoria Secret para sa kaniya. Alam kong gustong gusto niya ng strawberry kaya ako itong si tanga, bumili rin para lang magustohan niya ang amoy ko.

Nang makitang maayos na ang sarili sa reflection, nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa'kin si Mama na mukhang papunta rin ata sa kwarto ko para tawagin ulit siguro.

Nanlalaking butas ng ilong niya akong bago hinablot ang kamay ko at hinila sa kwarto niya.

"Ma, bakit? Sabi mo hinihintay na ako ni-"

"Oo, kanina ka pa hinihintay pero hindi mo naman sinabi na hahayaan mo lang na ganiyan ang buhok mo!" She cutted me.

"H-ha?"

Hinawakan ko ang buhok na nakalugay at takang tinignan si Mama.

Wala akong makitang mali sa buhok ko.

Inirapan niya ako at binuksan ang drawer niya. Naghintay ako ng ilang segundo hanggang sa my binato siya sa'kin na scrunchie na may light pink ribbon na maliit.

Gagawin ko dito?

Tinignan ko siya ng nagtataka pero inirapan niya lang ako.

"Mag-ipit ka." Aniya saka walang lingon na lumabas ng kwarto.

Napakamot ako sa noo ko. "Maganda naman itong buhok ko! Tss!"

No choice, inipit ko ang buhok sa likod ng kalahati. Hinayaan kong hindi Italian ang nasa batok na buhok ko.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now