Kabanata 23

823 46 2
                                    

🍓with🍫


Konti nalang ang mga tao at hiyawan sa mga rides pagkatapos namin sa isang booth.

Nag enjoy talaga ako doon dahil hindi lang dalawa ang nakuha kong stuff toy doon. Apat. Madali lang naman kasi. Babarilin mo lang iyong mga baso na naka-pyramid at kailangan matumba. Ako ang nakakuha sa isa kong stuff toy na Cookie, at tatlo ang kay Sean na binigay na sa'kin. Dalawang strawberry at teddy bear. Buong puso ko iyong tinanggap dahil sayang naman kung sa iba niya ipamigay.

Nilibot ko ang paningin sa mga rides na konti nalang ang tao. Siguro dahil lunch na rin. Gutom na ako pero gusto ko pang sumakay ng isang beses sa vikings. Nakakatuwa lang kasi kapag nasa mataas ka na. Ang intense ng sigawan.

Sa pang-apat na beses, tumunog ulit ang tiyan ko.

Kanina ko pa isinasawalang bahala ang tunog ng tiyan dahil baka hindi ko masakyan ang ibang mga rides mamaya lalo na't mabilis ang oras.

Nilingon ko si Sean sa likod ko na nakasunod sa'kin. Yakap niya ang dalawang strawberry na stuff toy ko habang malaki ang ngiti nitong pinipisil pisil minsan.

"Akin iyan, ha? Binigay mo na sa'kin kanina. Bawal na bawiin." Sambit ko.

Ang mga mata niyang nasa stuff toy ay nalipat sa'kin. "It's ours. Our babies." Aniya habang nakakagat sa kaniyang pang-ibabang labi na parang pinipigilan nitong ngumiti. Hindi siya nagtagumpay roon dahil tuluyang lumabas ang dimples niya.

Tss..

Umirap ako sa kawalan at akmang lalakad na patungo sa vikings, nang mapatigil ako nang bigla nalang niyang hinawakan ang aking braso at iniharap sa kaniya.

"Let's go lunch. I'm hungry, baby.." Baritonong aniya.

My lips parted. "H-ha?"

"I said lunch.." Kumurap siya ng ilang beses.

Tama ang pagkakarinig ko 'di ba? Sabi niya baby. O baka mali lang ang rinig ko dahil sa gutom?

Iwinaksi ko ang nasa isip ko at binasa ang labi.

"What do you want for lunch? My treat." Dugtong niya.

Napatingin ulit ako ng ilang beses sa vikings bago humarap sa kaniya. Since gutom naman na rin ako. Hindi naman siguro masasayang ang oras dahil pagkain naman ang aasikasuhin namin.

"Gusto ko ng ice cream at menudo." Sagot ko. 

"Okay." Tumatango-tangong aniya saka kinuha ang wallet niya sa likod niyang bulsa.

"Cookies and cream!" Pagpapaalala ko sa kaniya dahil baka iba ang bilhin nito.

"Yeah.. I know." Narinig ko pa ang mahina niyang tawa saka tumingin sa ibang direksyon.

Nagsimula na siyang mag lakad kaya sinundan ko siya. Ang lapad ng likod niya. We're still in high school pero ang laki na ng katawan nito. Nag gi-gym?

"Maghanap ka ng table natin. ako na bibili. And here's our babies. Ikaw na muna mag hawak." Aniya at inabot sa'kin ang dalawang strawberry na stuff toy ko.

Tumango ako bago kinuha sa kaniya iyon. Handa na sana akong umalis sa harap niya dahil maghahanap pa ako ng upuan, nang marahan nanaman niyang hapitin ang kamay ko kaya inangat ko ang tingin sa kaniya.

Nakatitig lang siya ng ilang segundo sa'kin. Nangangalay na ang leeg ko pero wala pa rin siyang binabanggit. Ang mga mata niya ay parang nakalock sa mga mata ko dahil hindi niya iyon inaalis.

May sasabihin ba siya?

Ngalay na ngalay na ang leeg ko kaya sinapak ko na ang dibdib niya na nasa harap ko.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now