Chapter 1 - Sign

6.7K 53 15
                                    

A thought of his name makes me want to puke. Kasi pag na-iisip ko yun parang nahihilo ako. Parang may kung anong ipis sa tiyan ko. Sh*t. What's this?

Bumabalik lahat ng ala-ala nung gabing iyon na hindi ko gustong maalala. Isang gabing nawala yung ka inosentehan ko. Bakit kaya ako nagpaloko pa dun? Alam ko naman na dakilang Casanova yun sa school. Tanga lang po.

Dati isa pa akong inosenteng tao. Two weeks ago just to be specific.

I live by rules. Gustong-gusto kong pumasok everyday sa school. My parents and my friend Caryl have been supporting me.

Pero ngayon, parang it all changed because of that stupid and regretful night. Para ako ngayong may sakit o ano na di ko alam. Fudge.

"Rae, Ok ka lang?" Narinig kong bulong sa akin ng isang babae.

Lumingon ako para hanapin kong sinu yun. Si Caryl pala. And she's staring at me. Weird? She's just concern.

"Yeah ayus lang ako" Bulong kong sabi tapos humarap na ako sa board para makinig. Chemistry subject namin ngayon.

"Tamlay mo kasi. Ayos ka lang ba talaga? " Tumango ako at lumingon ulit sa teacher namin. Concern talaga bestfriend ko.

After a few seconds. Tumunog na yung bell ng napakalakas. Na ikinagulat ko. Para akong napatalon dun ah. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa chest ko tapos huminga ng malalim at kinalma ko yung sarili ko.

Nagligpit na ako ng mga gamit ko. Nilagay ko yung iba sa bag ko tapos yung libro bitbit ko then walked out sa classroom syempre with Caryl.

"Ok kalang ba talaga ha? Parang spaced-out ka or something lately. Dapat excited ka dahil seniors na tayo next year. Isang year nalang oh. Yeah dude. woooh." Sabi nya. Ang kulet nya lang ah. Pero di ko namalayan napa-smile nalang ako dahil dun.

"Oo naman. Happy ako noh. Ano ka ba." Sabi ko habang ngiti-ngiti parin.

"Parang di naman eh. Di convincing best. Tignan mo ah. Kakasimula lang ng class nung monday at thursday na tayo ngayon pero parang may sakit ka o kung ano man since last week. tapos ngayon mukha ka pang zombie na di makahanap ng utak na kakainin."Sabi ni Caryl. Ang daldal nya lang noh?

"*Rolls eyes* What a word Caryl. Zombie pa talaga ha? It's not a nice shot best." I said.

"Totoo naman ah? Based yan sa mga nakikita ng mga mata ko." She said. Oh crap.

"Alam ko." Sabi ko sa kanya and smiled pero nawala din nung nahagilap ng mga mata ko ang isang lalake.

Christian Tan. Naka-lean pa yong mokong ahh. Model lang ang dating? Naka ganong position lang siya dun sa may locker with crossed arms na nakikipag-usap sa mga ka tropa nya at lahat ng mga babae nakatingin lang sa kanya. Di ko alam kong bakit ganun sila kung makatingin pero parang alam ko na agad kong bakit.

Matangkad siya. Malinis tingnan kahit naka jeans lang siya ngayon at naka T-shirt na brown. Para talaga siyang model kong tingnan.

Nang inayos na nya ang kanyang postura. Naglakad na siya papunta sa direksyon ko tapos our eyes met for quite a second. Then iniwas nya yung tingin niya tapos naglakad. Akala ko dadaan lang pero bakit may tapik pa sa balikat ko? Nangingig ako dun ah.

Then parang out of nowhere na may something sa aking tiyan.

"Rae! Ok ka lang?" She asked and looked at me. Nagpapanick na.

"Ok lang talag-" Sasabihin ko na sana sa kanya na ayos lang talga ako pero di ko natapos kasi i feel like i'm gonna throw up. Tumakbo agad ako sa Cr, malapit sa locker at dun ko lahat nilabas.

The Casanova's Baby! (Underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon