Chapter 6
Pansin nang mga kagrupo ni Renzo na mukhang hindi ito nakafocus sa kanilang praktis. Palagi itong may malalim na iniisip.
"'pare what's your problema?" pajoke na tanong ni Marcus
"Yeah, seems like you’re thinking too much, you know you can spit it out dude." segunda ni Robin
"Nah i'm alright" sagot naman niya saka lumayo sa umpukan ng mga kagrupo. Hindi niya alam na sinundan pala siya ni Bob.
" Alam mo di mo maiiwasan na magtanong sila." sabi nito
" Ha?!" kunwari ay hindi niya narinig ang mga sinasabi nito.
" You can tell me your problem Renz" sabi nito
"I can't" sagot niya
" Bro don't you trust me anymore?"
Napilitang umamin si Renz kay Bob kunsabagay ay isa ito sa pinakamabait sa kanilang grupo. Isa rin ito sa itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan at nakilala na nito si Elise. Pinayuhan siya nitong intindihin nalang ang kanyang kasintahan at pagbigan nalang muna ito dahil valid naman ang rason nito sa pagtanggi.
" I know she loves you Renz." sabi nito
" and I know that you feel hurt dahil tumanggi siya sa offer mo, pero alam mo sa tingin ko she also feels twice as much as the hurt you are feeling now dahil alam niya nadisappoint ka niya. So cheer up dude, dapat pagbutihan mo at kausapin mo siya dahil mahal mo siya at dahil mahal ka niya.
Hindi siya nakasagot sa mga sinabi nito pero napaisip siya.
Kahit na kinausap na siya ni Bob ay di parin mawala ang sakit nanararamdaman ni Renzo kay Elise. Sa loob ng dalawang linggo ay dalawang beses palang niya itong tinatawagan kahit na araw araw siya nitong pinapadalhan ng text message at email at lagi nitong sinasabi na miss na niya ito at mahal siya nito.
"You're driving me crazy, I miss you" pagbasa ni Renz sa isang message ni Elise sa kanya. “Really then why don’t you visit me here in the Philippines” sarcastic na bulong niya.
Game day.
Excited si Elise na mapanood ng live sa internet ang laro ng kanyang kasintahan. Pilit niyang tinatawagan ang cellphone ni Renzo para sana bigyan ito ng word of encouragement bago ito sumabak sa laro ngunit walang sumasagot.
Tuwang tuwa siya nang manalo ang kanilang koponan(Azukals) sa unang laro nito sa Toyota Cup. Agad niyang tinawagan si Renzo ngunit walang sumasagot sa cellphone nito. Ilang araw at linggo na rin na hindi siya nakakatanggap ng tawag , text o email mula dito. Hindi rin nito sinasagot ang mga email niya.
“Sagutin mo na please” nagmamakaawa na siya habang nakahawak sa kanyang cellphone.
Victory party kaya nila bat ayaw niyang sagutin?tanong niya sa sarili.
Ilang oras nadin niya itong tinatawagan ngunit walang sumasagot hanggang sa napagdesisyunan niyang antayin nalang ang tawag nito hanggang sa paghihintay ay nakatulugan na din niya ito.
Tuwang tuwa ang team ni Renz sa pagkapanalo habang si Renz naman ay nagfile ng leave para pumunta sa UK.
“ Go fix your problem dude” sabi ni Marcus
“Tama dapat magbati na kayo, fix your relationship” sabi ni B0b.
Ilang araw din pinagisipan ni Renz kung ano ang dapat niyang gawin. Araw araw din siyang nakakatanggap ng text message kay Elise.
Chapter 7
Araw ng Sabado day off ni Elise at napagdesisyunan niyang tumambay nalang sa bahay dahil nag aalala pa din siya kay Renz. Hinihintay parin niya ang tawag nito kahit text man lang dahil mag iisang buwan na din itong di nagpaparamdam sa kanya kahit nang matapos ang game nito ay di nito binalik ang mga tawag niya.

BINABASA MO ANG
Love Me Not
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon na meet ni Elise ang kanyang super ultimate great at bongang bongang crush niyang super sikat na footballer na si Renzo Walters. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya lalo na at bigla itong nagpakita ng motib...