Chapter TwO

118 1 3
                                    

a/n : pasensya na po natagalan ang bagong chapie nitong story na to...delete po kasi yung mga nagawa kong chapie nun kaya kailangan isulat ulit...

at akala ko po ksi walang magbabasa ng story na to...

any ways eto na po ulit ang love me not...

===============================================================================

Chapter 2

Nakangiting sumakay ng Taxi si Renzo. “Downtown London please.” turan nito sa taxi. Hindi niya makalimutan ang ginawa niyang paghalik sa babaeng ngayon palang niya nakilala. Nagka interest siya dito nang makita niya ito sa airport sa Pilipinas habang nakikipagbiruan sa kapamilya nito bago umalis. Noon pa man una niya itong makita ay humanga na siya dito dahil mukhang mahal na mahal nito ang kanyang pamilya at gayon naman ang mga kapamilya nito sa kanya. Nagulat pa siya nang makitang ito mismo ang katabi niya sa eroplano kaya naman nagpakilala siya dito at kinilala niya ito. Napangiti uli siya ng maalala ang itsura nito kanina ng makita nang babae na siya ang katabi nito. Gulat na gulat ito ngunit nakabawi din. Naalala din niya ang mukha nito kaninang ninakawan niya ito ng halik. Gulat na gulat din ito at tila di namaka alis sa kinatatayuan.

“Is It destiny or is it not?” napatanong siya sa kanyang sarili sabay ngiti.

“Maybe yes…” kalaunan ay sagot din niya sa kanyang sarili sabay ngiti ng masmaluwang.

Ang naiwang si Elise ay tila namaligno at dina makagalaw pagkatapos niyang manakawan ng halik ni Renzo. She was stunned. Di niya tuloy alam ang gagawin kung hahabulin niya ito o kung tutunganga nalang. Nakalimutan din niya na may sumusundo pala sa kan ya at naghihintay na ito na lumapit siya sa kotse.

“Are you ok?” tanong nito sabay tapik sa balikat sa kanya ni Loiusa ang host family niya sa UK.

“ You look stunned? Who’s that guy any way? I he your boyfriend?”, magkakasunod na tanong nito sa kanya.

“Hello ma’am, I’m Elise Gem, I’m Ok, his a friend.” sagot niya ng nakangiti dito.

“How was your flight? It must be tiring.” sabi ni Louisa habang nakasakay sila sa kotse. kailangan nilang bumiyahe ng dalawang oras bago makarating sa bahay ng mga Wade.

“Actually I didn’t feel tired at all, I enjoyed the flight and I never expected that it was so much fun to ride an airplane” sagot niya ng may enthusiasm.

“E kasi naman katabi ko ang napakagwapong si Renzo, kahit na buong taon akong bumiyahe basta siya ang katabi di ako mapapagod” ehehehe

Matapos ang dalawang oras na biyahe ni Elise at ng  kanyang amo na si Lousia ay nakarating sila tahanan ng mga Wade. Mayaman ang kanyang amo. PInakilala siya kanyang alaga na si Aimee. Naging maayos ang kanyang unang lingo. Mabait at masunurin ang kanyang alaga at mabait din ang mga magulang nito sa kanya. Naging maayos din ang unang lingo niya sa clase niya sa Photography. Tuwing Monday, Wednesday aat Friday ang kanyang pasok at 2 oras lang iyon kaya naman nakakatulong pa siya sa bahay at naalagaan pa niya ang bata ng maayos.

Unang off ni Elise matapos ang isang lingo. Nagprisinta ang kayang mga amo na ipasyal siya sa London. Maaga pa ay lumuwas na sila. Nakita niya na napakalinis ng paligid, napakaganda ng mga istruktura. Hindi niya napansin ito nang dumating siya galing Pilipinas dahil sa paghalik sa kanya ni Renzo.  Naalala niya ulit ang halik nito. Ang kanyang soft na labi at ang mabangong amoy nito. Saglit na iwinaglit niya ang isipin ng iginaya siya ni Louisa sa EDF Energy London Eye – ito ang pinakamalaking observation wheel sa buong mundo.Naalala niya tuloy ang movie ni Jennifer Love Hewitt na If Only sumakay sila dun sa movie sa london eye.. Manghang napatingin siya sa paligid. Sobrang tuwa ni May ng igala niya ang kanyang mata sa kabuoan ng London habang nakasakay sa London EYE. Kumuha siya ng mga larawan. Pagkatapos sa London Eye ay dinala sya ng mga Wade sa Natural History Museum. Habang kinikuhanan nya ng larawan ang isang estatwa ay nahagip ng kamera ang isang lalaki na nakatayo malapit sa estatwang kiukuhanan niya.Nagulat siya nang biglang kumaway ito sa kanya. Si Renzo pala iyon.  Ang lalaking kanyang idolo at nagnakaw ng halik sa kanya sa airport. ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso at ang lalaking di nya maabot.

Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon