Chapter 10
Hindi na kaya ni Bob na makita ang kalungkutan sa mukha ni Renz. Pansin din nito na masyado nitong pinapagod ang sarili nito sa training at hindi na ito nagiging mabuto sa kanya. Kaya naman napadesisyunan niyang kausapin ito.
“Hey” bati ni Bob kay Renz nang makita niya itong mag isa sa locker area.
“Hey” balik nito sa kanya bakas ang pagod at pananamlay sa boses nito.
“You need to talk about it pare, it’s not good for you anymore, look at you?” litanya ni Bob sa kaibigan.
“We don’t have to talk about anything dude, thanks for your concern” sagot nito sa kanya.
“Hindi Renz you have to let it out” sagot naman ni Bob
“I know you still have something here” patuloy ni Bob sabay turo sa dibdib ni Renz
“You have to tell me what’s holding you back. If you still love her why don’t you talk to her. Win her back. Ikaw rin nakakarami na si Allen” hindi na kaya ni Bob na makita si Renz sa sitwasyon nito. He needs to push him to do something bago mawala ang lahat. Alam niya kung anu ang pinagdadaanan nito at gusto niya itong tulungan.
Nang gilid naman ang mga luha ni Renz. Mahal niya si Elise at ayaw niya itong mawala sa kanya.
“Will you help me dude?” tanong ni Renz sa kanya
Nagulat naman si Bob sa sagot ng kaibigan “ definitely” sagot niya.
Ilang araw na wala sa praktis si Renz at natataka at nag aalala na si Elise baka kung anu na ang nangyari kay Renz. Hindi siya nakuntento sa mga nauulinigan niyang balita sa dahilan ng hindi pag attend ni Renz sa mga praktis nila kaya naman sinadya niyang kausapin si Bob.
“Oh Hi Elise?!” bati ni Bob sa kanya nung I approach niya ito. Bakas ang pagtataka sa mukha nito.
“Ah hi!” nakangiti at nahihiyang sagot niya.
“What’s up? What do you need from me madam?” nakangiting tanong ni Bob sa kanya ng may pagtataka sa mukha nito.
“ahh mmm Bob” Elise
“ yes???”
“mmmm aaahhmm” nahihiya at hindi alam kung panu tatanungin ni Elise ang tungkol kay Renz.
“Renz is fine” nakangiting sagot ni Bob sa kanya.
Nagulat naman si Elise sa biglang sagot ni Bob.
“Thanks” yun lang ang kanyang naisagot pabalik at tumalikod na siya palayo kay Bob. Nahihiya siya sa nangyari.
Naka upo si Elise sa area niya nang marinig si Calvin at ang Team Captain na nag uusap.
“Pare anu kaya nangyari kay Renz? Did he texted you? me sakit kaya yun? basta nalang nawawala eh” tanong ni Calvin sa team captain nila.
“Oo nga eh. I didn’t hear anything from him. Siguro nga may sakit” sagot naman nang captain nila.
“ Ah baka hindi sakit baka naman nambabae nanaman yun, found a warm bed and enjoying it hanggang sa magsawa” bawi ni captain sa unang pahayag nito.
“ I guess he’ll be back in no time” dagdag pa nito.
Dahil sa narinig, napalitan ng kirot sa puso ang pagaalalang nararamdaman ni Elise. Nakatagpo na nga ba ng bagong mamahalin si Renz? Si Renz ang nagging laman ng usap usapan at nang dahil sa mga naririnig ay nagging matamlay si Elise sa buong araw na iyon.
Kinabukasan ay si Renz parin ang laman ng mga usap usapan. Nasasaktan na si Elise ngunit pinipigilan niya ang sarili. Hindi parin pumasok sa praktis si Renz .
“ Pare you’re right!” nakipag high five si Calvin kay Captain.
“ Pa apir apir ka pa, ano san ako tumama sa lotto ba? Di ako tumaya ah sayang!” sagot tanong nito kay Calvin
“ No no cap, I heard coach and manager talking, tama ka, sabi ni manager Renz daw wants to do something for the girl.” kwento ni Calvin
“parang sa rinig ko nagkaroon ata ng away at gustong bumawi ni Renz something like that.” Patuloy nito.
“ Ay tsimoso ka talaga dude!” binatukan ni Captain si Calvin
“That hurts man! Kaya pala Renz has been weird this past few weeks babae pala Lakas siguro ng tama niya dun noh?” tugon ni Calvin kay Captain.
“Guys team meeting now at conference room” sigaw ng kanilang manager.
Nagsitayuan ang lahat pati na rin ang nagkukwentuhang si Calvin at ang team captain.
Tumayo si Elise a kinauupuan at nagsimulang maglakad patungo sa conference room ngunit pinigilan siya ni Manager.
“ Ma’am you may go home early today, you don’t need to join the meeting” Pigil nito sa kanya.
Nagulat at may pagtataka naman napatango nalang si Elise at naglakad palayo.
Pansin ni Elise ang pag iiba ng pakikitungo ng mga players sa kanya matapos ang meeting nang nakaraang araw. Biglang lumayo ang mga ito sa kanya. Nagging aloft sila at hindi na nila siya masyadong nilalapitan at kinakausap. Maging si Allen ay nabawasan na ang paglapit sa kanya. Nakabalik na rin si Renz sa praktis ng team na para bang masaya at inlove. Nalungkot siya sa nakikita at nangyayari sa kanya? Napaisip siya kung ano kaya ang nagusapan nila sa meeting at mukhang nagging seryoso lahat ng mga miyembro ng Azukal.
Pagkatapos ng Praktis sa araw na iyon ay nag photowalk si Elise sa field at may hindi siya inaasahang nakita. Nakita niya si Renz na may kasamang babae nakaupo ang mga ito sa isang bench at mukhang masayang nagkukwentuhan. Parang pinipiga ang kanyang puso sa mga nakita, sa mga oras na iyon ay napagtanto niya na mahal pa rin niya si Renz at hindi niya kaya ang mga nangyayari hindi niya ito kayang mawala sa kanya, hindi niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha.

BINABASA MO ANG
Love Me Not
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon na meet ni Elise ang kanyang super ultimate great at bongang bongang crush niyang super sikat na footballer na si Renzo Walters. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya lalo na at bigla itong nagpakita ng motib...